Princess 61

2172 Words

"Iangkat niyo ang mga materyales na ito mula sa kapital," pagbibigay utos ni Count Bardoz sa ilang pinatawag niya na mangangakal ng kanilang bayan, "Kakailanganin kasi ang mga ito para maiayos ang mga nasirang kabahayan at gusali. Sa aking pag-tantiya ay kukulanganin tayo ng mapagkukunan sa mga ito sa loob ng ating bayan. Kaya kayo ang siyang maasahan ko na makakagawa ng importanteng tungkulin na ito. Alam ko naman kung gaano kalaki ang koneksyon niyo sa pamilihan ng kapital para mabili ang mga ito sa lalong madaling panahon." Agarang yumuko naman ang mga inutusang mangangalakal sa harapan ni Count Bardoz. "Masusunod po," magalang na sambit pa ng nangunguna sa mga mangangalakal na iyon bago niya kinuha ang inaabot ng count na listahan ng pinabibili sa kanila. Nang magkasundo at matapos a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD