Hindi nagtagal ay natanaw na nga ni Count Bardoz ang pinakabungad ng tarangkahan. Nandoon ang isang malaki at napakagarang karwahe na siyang mahigpit na pinalilibutan ng mga kawal na nakasakay sa matayog na mga itim na kabayo. Kapansin pansin pa ang suot na kapa ng mga kawal dahil may nakataktak na emblem ng maharlikang Suzdal sa mga ito. Kaya hindi maikakaila na ang pangalawang prinsesa ang siyang sakay ng magarang karwahe na iyon. Dahil siya lamang at ang emperor ang maaaring gumamit ng emblem na iyon. Lalo na kung sa labas ng palasyo. Iyon nga lang ay hindi lubos maisip na magtutungo talaga ang pangalawang prinsesa sa kanilang bayan para lang sunduin si Lenox. Marahil si Lenox ang tinuturing na pinakamalakas na kawal sa palasyo pero pwede naman na hindi si Prinsesa Aubriella ang mismo

