EPISODE 66 RUSSIA PHOEBE’S POINT OF VIEW. “ATE Phoebe! I missed you!” patakbong lumapit sa akin si Ellie at niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik at napapikit ako sa aking mga mata. Ngayon lang ulit kami nagkita ng aking kapatid dahil sa ibang bahay na ako nakatira ngayon. “Buti pinayagan ka ng asawa mo na pumunta rito,” nakangisi niyang sabi. Bahagya akong ngumiti at tumango. “Sinama kasi ni Dmitri ang anak namin sa kompanya,” sabi ko. “Namiss ko na si Phoenix! Pero sige, next time ay ako na ang dadalaw doon sa inyo,” nakangiti na sabi ni Ellie sa akin. It’s been four years since I left the Philippines. Nang makarating kami rito sa Russia ay tumuloy kami sa mansion na pagmamay-ari ni Peter. Pinilit niya rin kami ni Ellie na palitan ang mga apelyido namin at

