EPISODE 65 CHOICE PHOEBE’S POINT OF VIEW. “ATE Phoebe, kailangan mong kumain…” Hindi ko tinignan si Ellie at hindi rin ako nagsasalita ngayon. Ayoko siyang kausapin—ayoko silang kausapin. I don’t want this kind of life. I just want to be happy. Pero bakit nagkaganito? Bakit ito ang ibinigay sa akin? “Ate—” “Go away, Ellie. Ayokong makita ang pagmumukha mo,” malamig kong sabi sa kanya at tumagilid ako upang hindi ko makita ang pagmumukha ng aking kapatid. Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan dito sa aking kwarto at ang pagkasira nito. Nakalabas na rin ng tuluyan si Ellie. Akala ko ay kakampi ko siya, pero nagkamali pala ako. Ngayon ay mas kinakampihan niya pa ang walang puso na si Peter kaysa sa akin. Ang bilis niyang pumayag at sumang-ayon nang sabihin nitong dadalhin kami ni Peter

