Chapter 7

2003 Words
Pero ang akala niya ay matagal na iyong naglaho, Lalo na ng magsimula ito at si Bridget na biktimahin siya ng kung ano anong kapilyahan. At ngayon narinig at inamin nito sa kanya na mahal siya nito ay para bang nag loading ang utak niya. Well? naghahamong tono na tanong sa kanya ni Jessa. pero sa likod ng mga mata ng dalaga ay nakikita niya ang takot na may kasamang antisipasiyon. Ha? iyon lang ang tanging nasambit ni Luke. I just said iloveyou Luke, normal naman siguro na gusto kong marinig ang sagot mo, kung may pag asa ba ako o wala. kasi gusto kung malaman kung itutuloy ko pa ba ito o hindi na, o kaya hahanap na lang ako ng lalaking nakakahigit sayo. Wait, hindi ku maintindihan. liligawan mo ako? Siguro, Ang plano ko noong una, ipagpapatuloy lang ang dati kong pag trato sayo pero naisip ko din na, ay wag nalang pala bahala na si batman sa lahat. sabay tawa ng dalaga. Adik ka na ba ngayon, Jess? sabi ng binata sa dalaga. Tumawa naman si Jessa. adik sayo, oo. Stop, Yes this joke is funny ha ha. Now stop okay? naiilang ako. Luke, Luke. tila dismayado sa kanya na napailing iling si Jessa. kailan mo ba matutuhang alamin kung kailan Ako nagbibiro, at kung kailan ako seryoso? Hindi ako nagbibiro. mahal kita. okay? No, it's not okay. you just can't blurt something like that, and expect me to take it seriously? sabi ni Luke sa kanya. Fine, papatunayan ko nalang sayo na seryoso talaga ako. Kung hindi lang alam ni Jessa na kahit sa hinagap ay hindi siya pagbubihatan ng kamay ng papa niya at ng step mom niya. malamang na nagtatatakbo na siya patungo sa kanyang silid para magtago. sa tingin pa lang kasi ng papa niya ay parang nagsisisi itong hindi siya napalo nito noong bata pa siya. at si mama Juls naman ay parang nagsisisi itong hindi naging evil step mom sa kanya. Malamang iniisip ng mga ito na kung nakatikim lang sana siya ng disiplinang militar noong bata pa siya ay hindi siya maglalakas loob na magsalita ng ganoon sa harap ng mga ito. Sa bahay nina Lola Carmina sila naghahapunan nang gabing iyon dahil bumisita ang pamilya ng Tito ni Luke. nais makasalo ng mama Juls niya ang nakakatandang kapatid na matagal nang hindi nakakapasyal sa kanila mula nang lumipat ito ng Baguio. Sa gitna ng pagpapak nila ng mga inihandang pagkain. humugot si Jessa ng malalim na hininga at inanunsyo sa harap ng buong pamilya ni Luke at ng kanyang buong pamilya ang balak niyang gawin. at iyon ay ang suyuin, ligawan, at gawing nobyo si Luke. Jessa sincerely declared her deep and abiding love to Luke. pero hindi lang yan, she also asked for Lola Carmina's blessing on her bid for Luke's heart, bagay na noong una pa ay inakala ng lahat na isa lang biro kaya nagtawanan. Pero nang mahinang mapamura si Luke habang nakasingyas sa dalaga para tumahimik, ang inaasahan ng lahat na tumawa si Jessa tulad ng inaasahan ng lahat na gagawin niya pagkatapos ng kanyang mga sinabi, doon na unti unting natuklasan ng ibang kasalo nila sa mesa na seryoso siya sa sinabi. Lagi nga pinagsasabi ni Jessa sa malalapit niyang kaibigan na plano niyang maging Mrs. Luke Devera Lopez balang araw. alam din iyong ng papa at mama Jill niya, lalong lalo na ni Bridget, yon nga lang laging pabiro ang pagkakasabi niya sa mga ito, kaya marahil inakala nila na nagbibiro lang siya. iyong kasi ang pabiro nilang ginagawa ni Bridget noon para asarin ang binata. At ngayon kasi ang kauna unahang pagkakataon na seryosong ipinahayag ni Jessa ang damdamin nito para kay Luke. It was the first time she had ever used the words ng tunay na nararamdaman niya sa binata, at habang tinititigan niya ang mga mata ng binata na puno ng pagkahindik at hindi makapaniwala sa kanyang mga pinagsasabi habang nakatitig din sa kanya. Lihim niyang nahiling na sana ay may pumasok na space ship na galing sa ibang planeta at bumagsak sa kanya sa mga oras na iyon. Anong kalokohan ito, Jessa? Galit na tanong ng kanyang ama, kumalansing sa plato nito ang mga hawak na kubyertos, pagkatapos ay pinukol nito ng masasamang tingin si Luke. "Anong ibig sabihin nito, Jessa at Luke? ano hindi niyo Ako sasagutin?. May relasyon ba kayong dalawa? pasigaw na tanong ng papa ni Jessa. "No papa" "Hindi po" sabay na tanggi nila ni Luke sa kanyang papa. Papa ang sabi ko, gusto kong ligawan si Luke. I love him but he doesn't love me, Hindi pa Ngayon, atleast. Gusto ko lang naman sabihin sa inyong lahat at ipaalam na rin kina Lola Carmina ang gagawin kong pag akyat ng ligaw kay Luke. malambing na tonong sabi ni Jessa bago pa mapag isipan ng papa niya na damputin ang barbecue stick at ibato sa kanya. Pero babae ka Jessa. bakit ikaw ang manliligaw kay Luke? Hindi ko maintindihan, tila nagiguluhang wika ni mama Juls niya sa kanya. Samantala ang ibang mga kasama nila sa mesa ay maang na nagpalipat lipat sa kanilang dalawa ni Luke. habang siya ay parang mabibiyak na ang kanyang dibdib sa kaba. Itigil mo na ang birong ito, Jessa! Hindi na ito nakakatuwa! pigil na pigil ang gigil nito sa dalaga. Sabi ko naman sa iyo noong isang araw, Luke na this is not a joke. Mahal nga kita. mariing sabi ni Jessa na bahagya pang dumukwang sa mesa upang makasalubong ang masamang titig sa kanya ng binata. Ni hindi mo pa nga alam ang ibig sabihin ng salitang iyan. malamang nadala ka lang sa mga pambubuyo ng kaibigan mo. itigil mo na yan, huwag mong idamay si Luke sa mga kalokohan mo! pagalit na sabi ng papa niya. Papa, alam ko po kung ano ang nararamdaman ko, at hindi po ito kalokohan lang, seryoso po ako. Kay Luke ko lang po ito nararamdaman at yan din ang dahilan kung bakit wala akong ibang tinitingnan na mga manliligaw sa akin. Parang binuhusan ni Jessa ng malamig na tubig ang kanyang papa, dahil napaigtad ito sa gulat at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya na para bang ngayon lang siya nakita nito. and perhaps that was true, it was the first time her father had ever seen that she was no longer his baby girl. that she was now a twenty year old young woman. Puwede ba Jessa tumigil ka na? walang natutuwa sa biro mong ito! tigilan mo na ito! Hindi ka manliligaw sa akin. at imposibleng mahal mo ako. parang nakababatang pinsan na rin kita tulad ni Bridget, kaya tigilan mo na ito. mariing sabi ni luke sa kanya. Napatulala si Jessa habang nakatitig Kay Luke, at nagmistulang binuhusan ng maraming suka ang kanyang puso sa masakit na sinabi sa kanya ng binata. Ang buong akala niya ay naihanda na niya ang sarili at buo na ang desisyon niya na kaya na niyang ituloy tuloy ang paghahayag ng damdamin para Kay Luke. at may isang bagay pa Pala siyang nakaligtaan gawin, ang sanayin ang magiging reaction niya sa sakit na dulot ng lantarang pagtanggi ni Luke sa pag amin niya ng kanyang nararamdaman. Hindi pa din lubusang naniniwala si Luke sa kanya. dahil para dito ay isa lang iyon sa mga biro niya. ramdam ni Jessa ang pangingiligid ng mga luha sa kanyang mga mata. pero hindi niya hahayaang pumatak ang mga iyon. dahil tiyak na hindi lang si Luke kundi pati ang buong pamilya nito at buong pamilya niya ang maaawa sa kanya. at hindi niya kailangan ang awang iyon. Sumulyap siya kay Bridget, tahimik siya'ng humingi ng tulong sa stepsister na itinuturing niyang tunay na kapatid. at dahil kilalang kilala na nila ang isa't isa, agad namang nahulaan nito ang ipinahihiwatig niya dito . malakas na humalakhak ito, pumalakpak, at impit na tumitiling at patakbo siyang niyakap. Ang galing galing mo Jessa! I'm so proud of you! I'm so glad. Ngayon Hindi ko na kailangan pang makiusap sa bruhang si Celine na iyon na siya ang pumalit sa role ni bhev. You so got the part, I swear. galak na galak na wika ni Bridget. dahil member ito ng theater group sa school nito, walang makakahalata na umaarte lang ito. lumingon pa si Bridget kina Luke. Well, ano sa tingin niyo ang acting niya? tanong ni Bridget sa lahat habang nakakawit ang isang braso niya sa baywang nito. kahit ikaw Luke napaniwala ni Jessa noh? Gosh. What? nagiguluhang sabi ni Luke habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. at kahit parang mauubusan na ng dugo ang puso ni Jessa na natitiyak niyang durog na durog na sa loob ng dibdib niya. sinikap niyang lagyan ng sigla ang kanyang ngiti. kahit ang gusto nalang niyang gawin nang mga sandaling iyon ay mamaluktot sa ilalim ng kumot at umiyak ng pagkalakas lakas, pero kailangan niya munang ang pride at dignidad. mabuti nalang at naroon si Bridget para tulungan siyang protektahan ang sarili sa nararamdamang kirot sa dibdib. Tinanong kasi ako ni Bridget kung gusto kong subukang gampanan yong role ni Celine sa play nila. Akala ko ba, role nong bhev ang gagampanan mo? sabi nong isang Kambal na pinsan nina Bridget. Ha? Oh just shut up, will you? pagsita ni Bridget sa kanyang pinsan. Anyway, puwede na ba ang acting ni Jessa diba? galing niya noh, papa Jojo? maybe continuing her business ad course, she should go into acting. baling ni Bridget sa kanyang ama. Nanatiling blanko ang anyo ng papa ni Jessa habang nakatitig sa kanyang mukha. puno ng pagkatuliro at pagtataka naman ang mababakas sa anyo ng mga ibang naroroon. pero si lola Carmina, hindi mabasa ni Jessa ang expression nito. Jessa, tila may gustong Sabihin si luke Dito pero hindi niya malaman kung paano iyon sisimulan. sa nakikita ng dalaga na malamlam na expression sa mga mata ng binata, tila nahuhulaan nito na Ngayon siya totoong umaarte at hindi kanina habang nagtatapat siya rito. kung sabagay kabisado na ni luke ang expression sa mukha nila ni Bridget tuwing niloloko nila ang binata, kaya ata pinagkukumpara nito sa isip ang mga expression nila. At malinaw na tama ang hinala ng binata na niloloko lang nila ni Bridget ang mga ito sa pamamagitan ng pag arte niya kuno kanina. Alis na kami mga old people, magre rehearse na kami ng lunes ng aking protegee. Goodbye! ani ni Bridget, saka siya hinawakan sa braso at hinila palabas ng dining room nila Lola Carmina. Hanggang sa paglabas nila ng bahay nina Lola Carmina at hanggang sa pagtawid nila sa kanilang bahay ay nanatiling nakayakap si Bridget sa baywang ni Jessa. ang suporta ng stepsister ang tanging nagbigay ng lakas sa kanya para mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha na gusto ng mag uunahan sa pag agos sa kanyang mga mata. Pero ng makapasok na sila sa kanilang bahay ay doon na hindi niya napigilang umiyak. Huwag mo nga iyakan ang loser na luke na iyon, sirah ulo din yon eh. nanggigil na sabi sa kanya ni Bridget. kinuha ni Bridget ang box ng tissue at iniabot ito sa kanya. Alam ko it's his stupid loss, not mine! Tama! Pero masakit pa din. atungal niya. iiling iling si Bridget habang nakatingin sa kanya at hinayaan siyang mag drama buong magdamag. nang marinig nila ang pagdating ng kanilang mga magulang ay nagkunwari silang tulog na upang hindi makita ng mga ito ang namumugto niyang mga mata. Jessa? anak, bakit? nag aalala na napabilis ang pagpasok ni Jojo sa silid ng Kaisa isa niyang anak ng makita itong nakayakap sa stuffed toy na bigay ni Luke noong fifteen years old pa lang ang anak niya Hindi mag aalala si Jojo kung iyon lang ang nadatnan niya. pero nakita rin niyang lumuluha ang dalaga na bihira rin niya na makita na ganoon ang kanyang anak. manang mana sa ina nito na masayahin at pilya. at sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD