Chapter 6

2003 Words
At base sa amoy ng berry scent ay alam na alam niya na Kay Jessa ang amoy na yon, at tama nga siya, dahil Ang dalaga ay nakatayo sa harap ng bintana na. Isara mo ang kurtina at lumabas ka dito sa kwarto ko Jessa, Ngayon din! ungol ni Luke. Bumangon ka na diyan Luke. six na at sabi mo sa akin isasabay mo ako, may pasok ka na ngayon diba? mata-traffic tayo kapag hindi bumangon! malakas na sabi ni Jessa na sinundan pa ng paglundo ng kama sa likuran niya. niyugyog pa siya sa balikat, dahilan para Lalo siya'ng maalog. Damn! malakas na mura niya ng maalala na lunes pala ngayon. babalik na siya sa trabaho dahil tapos na ang leave niya. Si Jessa naman ay sasabay sa kanya pagluwas, dahil balak na nitong mag inquire sa mga schools na posible nitong pasukan sa susunod na semester. huminto kasi ang dalaga sa pag aaral ng umalis Pilipinas. Hindi naman kasi nito itinuloy ang pag aaral sa states kasi mas gusto nito siya mismo ang mag aalaga sa mama nito na may sakit Binato siya ni Luke ng unan, bakit ba ang kulit mo Jessa. bulyaw ng binata sa dalaga. masakit na nga ang ulo ko inalog alog mo pa ako, lumabas ka na para makaligo at makabihis na ako. sabi niya sa dalaga at tumalima naman ang dalaga. Here, inomin mo muna ito. gamot ito sa hangover ni papa tuwing napaparami ang inom niya, at inilapit niya sa bibig ni Luke ang baso. it smelled like something even a thirsty man would not drink. Gusto mo ba akong lasunin? sabi ng binata sabay layo ng baso sa kanya. inumin mo na yan, gamit talaga yan para sa may hangover at please lang huwag ka ng maarte para makaalis na tayo. sabi ni Jessa Kay Luke. At nang tangkain niyang talikuran ang dalaga ay ginulat siya nito sa mahigpit na paghawak nito sa kanyang balikat at puwersahan siya nitong iniharap sa kanya at itinapat ang baso sa kanyang bibig. Stop it Jessa! ano ba? at sa hindi inaasahan ni luke ay bigla sya niyakap ng dalaga. Biglang napaigtad si Luke sa pagkagulat. What the hell? bulyaw niya sa dalaga, hindi niya kasi inaasahan ang magiging reaksiyon ng kanyang katawan sa ginawa ng dalaga. Lalo siya nakaramdam ng init ng umupo ang dalaga sa kanyang kandungan at wala pa siyang ni katiting na saplot sa ilalim ng kumot. At sa isang kilos lang ng dalaga ay mararamdaman na nito ang kanyang alaga na nanggagalaiti na. Inomin mo na kasi, para nga makaligo ka na, naiinis na ako sa iyo Luke kanina ka pa talaga ang arte mo, Hindi ka naman mamamatay sa gamot na yan. pasinghal na sabi ng dalaga Kay Luke. Okay, okay. akin na yan! pagpayag nalang ni Luke at kinuha ang baso sa dalaga at pikit matang inisang lagok niya ang laman ng baso na hindi niya malaman kung ano anong mga sangkap ang inilagay. Good! now take a quick shower, then mag almusal pagkatapos aalis na tayo. utos no Jessa bago tumayo. At dahil sa paghahamag nila ay nalilis ang kumot na tumatakip sa hubad niyang katawan, at sa pagtayo ni Jessa ay tuluyan ng naalis ang kumot sa kanyang katawan. impit itong napatili sa gulat, pero sa halip na pumikit o kaya mag iwas ng tingin, nanatiling nakapako ang mga mata ng dalaga sa nakalantad na bahagi ng kanyang katawan. Malakas na napamura siya, saka mabilis na hinatak pabalik ang kumot sa kanyang katawan. Dammit Jessa! Stop staring at it. nanggigigil na bulyaw sa kanya ni Luke. naaliw siya'ng pagmasdan ang reaction ng dalaga kasi nakatitig pa din ang dalaga sa bahagi ng katawan niyang nakasaludo. I can't help it. normal pa ba iyang? napahagikhik na tanong ni Jessa Kay Luke, sabay nguso sa tinutukoy. I mean it's too big. Shut up, labas na! malakas niyang singhal sa dalaga. hinagip niya ang unan at namumulang itinakip iyon sa kandungan. Wait, No way! you have to tell me first if it's normal for you to be like that in the morning or is it just, alam mo na because of me? Tanong ni Jessa sa binata sabay kindat pa nito sa kanya. maldita ang ngiting hinawakan pa nito ang dulo ng unan, nagkukunwaring hatakin iyon. Well, atleast sa isip niya na nagbibiro lang ang dalaga na hahatakin ang unan. pero pagdating kay Jessa, natuklasan ngayon ni Luke na hindi niya pweding pagkatiwalaan ang magiging reaction o gagawin ng dalaga. Just the other day. Jessa admitted to him that she was a virgin at plano niyang ibibigay lang nito sa lalaking magiging asawa niya balang araw. and he admired it. pero ngayon, she was acting like a seductress intent on ravishing him on his own bed. or was that just a wishful thinking on his part? Jessa sabi ng lumayas ka dito sa kwarto ko! Hindi na ako bata Luke, sabi ni Jessa na pinaikot pa ang mga mata, ipapaalala ko ulit sayo na twenty na po ako. Hindi naman ako ganyan ka inosente kasi may nakita naman akong nakahubad yong pang itaas. Damn! will you get out? desperado na si Luke. kailangan ng lumabas ng dalaga sa kanyang silid bago pa niya mapakinggan ang demonyong boses sa likod ng kanyang isip na sinusulsulan siyang dambahin at pahigain at ibabawan ang dalaga. lintik na talaga!. Ayoko! anito na humalukipkip pa. Nagsalubong ang mga kilay ng binata sa inis, pero may pilyong pumasok sa isip niya kung papaano niya mapapalabas sa kanyang kwarto ang dalaga. "ayaw mo talagang lumabas? okay pagbibigyan kita!" akmang tatanggalin na niya ang unan sa kanyang kandungan. Nanlaki ang mga mata ni Jessa, at saka malakas na tumili at kumaripas ng takbo patungo sa pinto. Napahalakhak siya. Hey Jessa saan ka pupunta? bumalik ka dito. Ayoko! Lola Carmina si Luke oh, gusto maging p**n king. pasigaw na sumbong ng dalaga. Ibinalibag ni Luke ang pinto pasara pagkalabas ng dalaga sa kanyang kwarto. Tsk crazy spoiled brat! sabi niya at itinapis na ang tuwalyang natanggal sa kanyang baywang, saka humakbang patungo sa kanyang bathroom. Alam mo ba? gaya ng inaasahan ni luke, hindi na napigilan ni Jessa na basagin ang katahimikang namayani sa loob ng kotse niya habang bumibiyahe Sila. Hindi gusto ni Luke na maaksidente sila kaya sa halip na siya ang magmaneho ay hinayaan nalang niya ang dalaga na magmaneho ng sasakyan niya. pero mahigpit niyang binabantayan ang bilis ng pagmamaneho ng dalaga, bagay sa isa sa mga dahilan bakit kanina pa ito naiinis sa kanya. Sa halip na sagotin ang dalaga ay inihilig nalang niya ang kanyang ulo sa may sandalan at pumikit. mababakas mo sa tinig ni Jessa na naiirita na ito, na para bang kasalanan at taliwas sa prinsipyo nito ang pagpapatakbo ng ligtas at nasa tamang speed limit. pero alam niya talaga kung bakit galit na galit ang dalaga, tinanggihan niya kasi ang idea ni Lola Carmina na sa kanya tumira si Jessa habang ito ay nag aaral pa. And like I said No!. huwag mo nang ipagpilitan ang gusto mo kasi ayoko pa rin na sa tumira ka sa bahay ko. tumahimik ka na masakit pa ang ulo ko. sabi niya sa dalaga. Aba, sino ba may sabi sayo na uminom ka ng sobra sobra kagabi? alam mo naman may pasok ka ngayong umaga. Jessa just stop, okay? Hindi ka nga pwedi doon sa bahay ko kahit ano pang pakiusap mo. Bakit nga hindi pwedi? Kasi hindi pwedi! Luke. bigla itong natigilan habang namimilog ang mga matang napapatitig sa daan. Biglang kinabahan si Luke. Jessa? bakit? anong nangyari? nag aalalang Tanong niya sa dalaga. alerto niyang pinasadahan ang paligid pero wala naman siyang nakikitang kakaiba. Anong nangyari sayo, Jessa? sumama ba ang pakiramdam mo? maingat niyang dinama ng palad niya ang noo nito hindi naman ito mainit. Jessa, ano ba? huwag mo naman akong takotin ng ganyan. malapit na siyang mag panic sa nakitang pagkatulala ng dalaga. Tila biglang binuhusan ng malamig na tubig at ipinilig ng dalaga ang ulo, at saka sumulyap sa kanya" that was weird. bigla kung naalala iyong huling beses na nagtalo tayo sa loob ng sasakyang ito. naalala mo? noong pinilit kitang samahan ako para bumili ng pang eighteenth birthday gown ko? diba banda din dito yon? anito na tinitingnan ang paligid. Napakunot noo si Luke, pero agad ding nagliwanag ang kanyang mukha ng maalala niya kung ano ang tinutukoy ni Jessa. Tama nga ito ang pagtatalo nila kanina bagaman iba man ang nilalaman pero pareho naman ng sasakyan at lugar, nagtalo sila bago umalis ang dalaga papuntang states at parehong may hangover din siya noon. Ang kaibahan lang kasi silang dalawa lang ngayon, dati kasi kasamanila si Mang Gusting na nagmamaneho ng kanyang sasakyan dati. Flashback " dapat kasi hindi ka naglasing eh para hindi sumama ang pakiramdam mo Ngayon! nangako kang sasamahan mo ako sa pagpili ng gagamitin Kong gown. himutok na bulyaw sa kanya ng dalaga. Sinamahan na nga kita, diba? ano pa bang itinatalak mo diyan? Pero halata naman na ayaw mo, at kung hindi ka pa pinagalitan ni Lola Carmina, Hindi mo ako sasamahan. tapos kanina sa boutique parang wala ka rin kasi hindi mo tinitingnan ma lang kung maganda ba o pangit yong napili Kong gown para sa birthday ko. Jessa, kahit naman kung ano ang opinion ko, ikaw pa din naman ang masusunod sa huli, kasi nga birthday mo naman iyon. puno ng hinanakit ang tinging itinapon ni Jessa sa kanya. Present. Marahas na napabuga ng hangin si Luke at umayos ng upo. tila biglang binura ng alalaang iyong ang kanyang hangover. Ang nangyaring iyon sa kotse niya dalawang taon na ang nakalipas na sumira sa pagkakaibigan nila ni Jessa. ayaw man niyang aminin kahit sa sarili na dahil sa nangyaring iyon kaya naging biglang kaaway at hindi na kaibigan ang turing sa kanya ng dalaga. That even started the endless tricks she and Bridget played on him. tila ba sa pagsuko ni Jessa sa anumang crush o puppy love na nadarama nito noon sa kanya ay napalitan ng galit ang nararamdaman nito sa kanya. Hindi na rin nagkaroon si Luke ng pagkakataong maayos ang relasyon nila dahil ilang buwan pa ay nabalitaan nalang niya na umalis na pala ang dalaga sa bansa. tiningnan niya ang seryosong mukha ng dalaga habang nagmamaneho, Ang ganda niya talaga. 2 years ago ay bata pa sya sa paningin niya dito. but now, she was very pretty lady, and the child was gone dahil isa na itong ganap na dalaga. kahit paminsan minsan ay isip bata ito. Jessa, hindi ka puweding tumira sa bahay ko, I'm not saying no just to be mean. pero alam kong alam na hindi magiging madali para sa ating dalawa ang tumira sa iisang bubong. dalaga ka na at binata ako, at isa pa hindi ka naman papayagan ng papa mo na sa bahay ko tumira.Tutulongan kitang maghanap ng safety na boarding house or apartment na malapit lang sa bahay ko, anytime you need me, darating agad Ako. I'll watch over you, that's a promise. Marahan itong tumango na naiintindihan na ang punto niya. Luke? Hmmmm? Hindi ka ba naniniwala sa endless love? Biglang kinabahan si Luke sa seryosong tono at anyo ng dalaga. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Bakit? may ganon ba? Tingin ko meron, kasi I fell inlove when I was fifteen and I am still inlove with that stupid, clueless, insensitive son of a b***h until now! kung hindi pa endless love yon. ano ang tawag? pasinghal na sabi ni Jessa sa kanya. Jess. I'm inlove with you. sa wakas nasabi ko na din sayo kung ano yong totoong nararamdaman ko sa iyo. No tricks, no lies,no manipulation just iloveyou. Tigagal si Luke. animo namatanda at napatitig nalang siya sa dalaga. wala siyang maisip na itugon sa sinasabi nito. ang totoo speechless siya at parang na blangko bigla ang isip niya at yes alam niya naman na may crush ito sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD