Episode 2# Moving on

1693 Words
Chapter 2 February Its been six months since the last time na nagkaharap kami na Luis.Iyon narin ang huling pagkikita namin dahil kinabukasan ay lumipad na sila papuntang U.S. para makaiwas sa eskandalo. Naging malaking issue ito sa buong bayan namin dahil isang mayor ang ama ni Henvell at kilalang abogada naman ang ina nito. Samantalang ang mga SAntillianez naman ay mga kilalang negosyante. Pagaari nila ang dalawang malawak na plantasyon ng palay at niyog sa aming probinsiya. Ang niyog at palay ang pangunahing produkto sa aklan. At isa ang mga Santillianez sa mga successful na negosyante na nagsusupply sa manila at nageexport sa ibang bansa. Mayroon din silang malaking palaisdaan na nagaaangkat sa ibat ibang palengke sa karatig bayan. see! kung gaano kalaki ang agwat ng pamumuhay nila sa amin. Samantalang ang mga magulang ko ay mga simpleng tao lang. Isang elementary teacher ang mama ko samantalang ex seaman naman si papa. Na ngayon ay sa manila na nakatira kasama ang bagong pamilya nito. Five years nanghiwalay ang mga parents ko, pero good thing na pinanatili parin nilang maayos ang relasyon nila para sa amin ng kapatid kong si france. Matagal ng natanggap ni mama na hindi na babalik pa si papa. Dahil mula ng malaman ni papa na may naging anak ito sa first love niya, who's six years older than me ay pinili niyang bumalik sa mga ito. Kaya hindi na siya umasa pa. sapat na kay mama na maging ama nalang ito sa amin. I adore my mother for being a strong woman. Sobrang laki rin ng puso nito na nakaya niyang intindihin at patawin si papa sa kabila ng lahat. They chose to be civil to each other para kahit paano maramdaman parin namin na may ama't ina kami na laging nasa tabi namin. Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyang kong tinutuyo ang buhok ko gamit ang hair blower habang nakaupo sa harap ng vanity mirron. Tama lang ang laki ng kwarto ko may pangisahang higaan, closet na hindi naman kalakihan, tama lang magkasya ang mga damit at abubot ko sa katawan. At itong vanity mirror at isang study table na malapit sa bintana. May sarili rin akong banyo. Actually Last year lang ito pinagawa ni papa dahil hindi daw maganda na magpalakad lakad sa ibaba ng nakatowel lang, lalo na at kaming tatlo lang lagi ang nandito. Tuwing may importanteng okasyon lang naman umuuwi si papa sa amin, katulad ngayon. Kaya sinusulit talaga namin ni france yong mga ganitong pagkakataon na magkakasama kami. Nakuntento na kami sa set up nilang dalawa, hindi man nila maibalik yong relasyon nila bilang magasawa, Atleast nakikita naming okay sila at magkasundo. Sa kwarto ni france natutulog si papa tuwing umuuwi dito. Minsan tuloy naiinggit ako sa kapatid ko kasi mas mahaba niyang nakakasama si papa. Marahil ay bumabawi lang siya kay france, dahil five years old lang ito ng maghiwalay sila ni mama. Masakit noong una pero kalaunan ay natanggap narin namin. But I still admire my parents, nagfailed man sila sa marriage nila pero sa pagiging magulang ay hindi. Isang mahinang katok ang nagpabalik sa isip ko, at bahagyang pagbukas nito sabay dungaw ng ulo ni papa para silipin ako. "Are you ready sweetheart?" nakangiti nitong tanong sakin. " Kanina pa naiinip ang mama at kapatid mo sa baba." Dugtong pa nito. "Just a minute pa." Tugon ko dito. "Okay! just in hurry, Baka malate na tayo sa graduation mo." sabi pa nito bago isinara ang pinto. Tsk! bakit ba mas excited pa sila.. Samantalang ako hindi ko nga mafeel ang pagiging first honnor ko. "Yeah! ako lang naman ang naging valedictorian dahil na tsugi ang dalawa!.." kausap ko sa sarili, natawa nalang ako sa naisip. Atleast ngayon nakakatawa na ako, diba? Hindi tulad nong mga nakaraang buwan, halos isang linggo rin siya noong walang palya sa pagiyak. Kahit gaano man niya kagustong pigilan ay ayaw magpapigil ng mga pasaway niyang luha. Pero sabi nga nila sa bawat paglipas ng panahon ay nababawasan din ang sakit. Hanggang sa ang matira nalang ay alaala. Mga alaala na tulad ng pilat na ndi na mabubura, ito ang magsisilbing lesson mo sa buhay. Pinagmasdan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin, napangiti ako sa nasilayan. Bumagay lang sa maliit kong mukha ang singkit at mahaba kong pilik mata, with a pointed nose and kissable lips. Madalas nga sabihin ng mga marites naming kapit bahay na mukha daw akong koreana. Kagaya daw ng mga napapanood nila sa k drama. Napatawa nalamang ako,pagkuway ay umakto pa ako ng finger heart na kagaya ng mga ginagawa ng mga oppa sa tv. ganito ba yon? Natatawa ko pang tanong sa sarili habang naka finger heart parin. "tsk! para ka lang baliw Feb." Ani ko sa sarili. "Hays! why your so gwapa kasi eh?" dugtong ko pa. Napapailing nalamang ako sa ginagawa ko. Para lang akong baliw na kinakausap ang sarili. Ganito pala ang mabroken hearted nakakabaliw. Light make up lang ang inilagay ko, kunting powder, eyeliner at eye shadow then liptint. "Ito ang mukha na sinayang mo Luis, kaya sorry ka nalang!" turan ko pa sa harap ng salamin at bahagya pang sinuklay ng kamay ang aking mahabang buhok. Hinayaan ko lang na nakalugay ito at kinulot ang dulo. Tumayo ako at isinuot na ang dress na pinatahi pa ng nanay ko para sa araw na ito. Hindi ko rin naman masisi si mama sa pagiging exaggerated nito, marahil ay sobrang tuwa at proud lang talaga ito sa akin. Ngayon lang kasi nangyari na ako ang nanguna sa klase namin. Hindi kasi ako yong tipo ng tao na nakikipagcompite sa iba. Nakuntento ako kung ano lang ang kakayahan ko. Tanggap ko nang si Luis talaga ang nangunguna at pumapangalawa naman si Henvell, at ako ang pangatlo. Every year ay ganon ang ngyayari sa aming tatlo, na nakasanayan ko na at ng mga taong nakapaligid sa amin. Ever since ginagawa na talaga ni Henvell ang lahat mapantayan lang si Luis at mahigitan naman ako pero wala akong pakialam dun. Dahil confident naman ako na, ako parin ang gusto n Luis, But that was before. Napabuntong hininga nalamang ako nang maalala nanaman ito. Inabot ko ang box na sa higaan ko. Kung saan nakalagay ang sandals na susuotin ko. Isang black cross strip ang design nito na 2 inch ang taas. Nang maisuot ko na ay tsaka ko ulit pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin na nakadikit sa pintuan ng closet ko. Tama lang ang lapat ng dress sa katawan ko,isang simpleng plain white off shoulder ito na above the knee ang haba. Pagkatapos ay isinunod ko namang isuot ang kwintas at hikaw na regalo ni papa. Isang huling sulyap pa sa salamin ang ginawa ko, bago ako nagpasyang lumabas na ng kwarto. Naabutan ko silang tatlo sa sala magtabi sina mama at france sa mahabang sofa samantalang nasa pagisahan naman si papa. Hindi kalakihan ang bahay namin sapat lang sa Isang maliit na pamilya, na katulad namin. Agad namang tumayo si papa at sinalubong ang pagbaba ko. Inilahad nito ang kanang kamay na nakangiti ko namang tinugon "dalaga na talaga ang prinsesa ko." Masaya turan nito sakin. "and you grew up so beautiful like your mother." Dagdag pa nito. "really? beautiful pala ha, bakit mo pinagpalit?" natatawa namang sabat ni mama. Hindi ko na namalayan ang paglapit nila ni france sa amin. Wala namang bakas ng hinanakit sa boses nito marahil ay gusto lang nitong lokohin si papa. "Ofcourse! youre still beautiful in my eyes Clara, kaya nga naakit mo ako noon diba!" malokong tugon naman ni papa dito. "Sus.. Tara na nga at baka ma i'scam nanaman ako ng tatay niyo." Palatak nito at nauna ng tumalikod. Malakas namang tumawa si papa na umalingaw ngaw pa sa buong bahay. Hays! ang sarap lang sa feeling na ganito sila. Ito ang moment na nami miss ko sa kanila, ang panunukso nila sa isat isa. Paglabas namin ng gate ay sakto ding paglabas ng bestfriend kong si Christine. Kasama nito ang mama at kuya Christian niya pati ang bunsong kapatid na si Crissy. Masaya ko silang nilapitan at binati. Maganda ang bestfriend ko mala anghel ang maamong mukha niya kaya lang dahil sa eyeglasses nito ay madalas siyang mabansagan na nerd. "Bes bakit hindi mo sinuot yong contact lens na regalo ko sayo? Pinag iponan ko pa naman yon." Tanong ko sa kanya. "Sorry bes, sabi ko naman sayo na hindi ako sanay magsuot ng ganon" tugon nito.."Hays, napaka kj mo talagang babae ka!" palatak kong turan "Next time nalang bes" sagot nito. "Wala ng next time bes, aalis na kami ni papa bukas, at baka matagalan pa bago tayo magkita ulit." Sa narinig ay lumungkot ang mukha nito.. "Kailangan ka ba talagang umalis,baka pwedeng wag na." malungkot na saad nito "hays! Kung pwede nga lang eh kaya lang I need new environment, yong walang magpapaalala sakin kay Luis."malungkot kong tugon sa kanya "Mamimiss kita bes" naiiyak na turan nito sabay yakap sa akin "ako rin naman bes.. Mamimiss din kita ng sobra." naiiyak ko ring sagot sa kanya at tinugon din ang yakap nito "hey! tama na muna ang pag eemote nyo dyan, bka malate na kayo sa graduation nyo." untag ni papa sa amin, tsaka lang namin naalala na may pupuntahan pa nga pala kaming graduation. "Mareng Jenny, sumabay na kayo sa amin at maluwag naman itong van." paanyaya ni mama na agad namang tinanggap ni tita Jen. Kagaya namin n Christine ay malapit ding magkaibigan ang mga parents namin. Pero maaga lang binawian ng buhay ang papa ni Christine dahil sa aksidente. Pagkatapos ng graduation ay dumiretso kami sa "Eat me" grilled and resto'bar. Ito ang restaurant na pagaari ng ninong Eric niya at kasusyo nito si papa. Masaya kaming nagsalo salo, at sinulit ang panahon na magkakasama at buo kami. Kinabukasan ay sumama na ako kay papa paluwas ng manila. Hindi man sang ayon si mama pero nirespeto naman nito ang pasya ko at inunawa ang dahilan ko. Im now ready to face the new chapter of my life. Manila here I come! saad ng isip ko habang nakadungaw sa maliit na bintana ng eroplano..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD