Chapter 1
February
"Totoo ba Luis?" bungad na tanong ko agad sa kanya. Nakita ko sa mukha nito ang pagkagulat, pagkuway ay napalitan ito ng pagsisisi.
"I-im sorry Feb.." Puno ng pagsisisi ang boses nito
Sa narinig ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang nilapitan at isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. Bumakas sa mukha niya ang pagkagulat at wala sa sariling napahaplos sa pisnging nasaktan. Inayos niya ang tindig ng ulo at matamang tumingin sa akin. His eyes is full of pain and regrets at bahagya pang namumula. Waring ano mang oras ay nagbabadyang umalpas ang mga luha sa kanyang mata. naikuyom nito ang dalawang palad at marahang lumunok ng laway bago nagsalita.
"I-Im so sorry..." Mahinang saad nito. Mariin ko siyang tinitigan, gusto kong basahin ang nilalaman ng isip niya. Ngunit sadyang hindi ko ito maabot.
Kasalukuyan kaming na nasa garden ng mama niya. Dito ako hinatid ng kasambahay nila nang papasukin ako kanina. Gaano man kaganda ang mga bulaklak sa paligid ay hindi ko na pinagkaabalahan pang pagmasdan dahil wla akong ibang gustong tingnan ngayon, kundi siya lang.
"H-hindi ko s-sinasadya.." Pagpapatuloy nito kasabay ng pagtingin nito sa lupa.
Marahil ay hindi na nito matagalan ang mariin kong pagkakatitig sa kanya.
Shit lang! mura ng utak ko
"hindi mo sinadya?" Paguulit ko sa sinabi nito. Hanggang ngayon ay nasa indenial stage parin ako. Ito rin ang dahilan kaya ako na mismo ang nagpunta sa kanya para alamin ang totoo. Dahil mas paniniwalaan ko siya kesa sa mga marites sa paligid. Pero heto siya at inaamin ang lahat, s**t! nakakagago lang, diba!
"Hindi mo sinadya na ipasok yang ano mo sa ano niya kaya may nabuo kayong bata!" hindi ko na napigilan ang emosyon ko, Kaya halos pasigaw ko na itong naibulalas. Kasabay nito ang paguunahan ng mga luha ko.
Oo, bata pa ako pero hindi na inosente ang isip ko sa ganyang bagay. Dahil bukod sa tinuturo rin ito sa school ay talamak narin ang mga ganitong usapin sa tv, radyo at ibat ibang babasahin.Tiim bagang niya akong tinitigan, marahil ay nagulat rin ito sa mga lumabas sa bibig ko.
Shit! ang sakit! alam ko naman na wala akong karapatan to act this way dahil wala namang kami. Pero s**t! ang sakit lang talaga. Parang ngayon ko gustong pagsisihan na mas pinili kong wag munang lagyan ng level ang relasyon na meron kami. Because we want us to be ready, both physical at emotional. Para kahit anong pagsubok ang dumating sa amin,were strong enough to stand for each other. Pero heto nga at ndi pa nagsisimula ay binabagyo na, hindi lang bagyo kundi dilubyo pa. Gaano ko man siya kagusto na ipaglaban pero wala ako sa posisyon at karapatan. Naramdaman ko ang marahang paglapit niya sa akin, bahagya pa akong nagulat ng sapuin niya ang magkabilang pisngi ko at marahang pinunasan ang mga luha ko gamit ang dalawang hinlalaki nito. Napaatras ako nang bahagya at mariin siyang tinitigan. Waring kinakabisado ko ang bawat angulo ng kanyang mukha. Na para bang ito na ang huling beses na mapagmamasdan ko siya. Yes, ito na nga dahil after this day, magiiba na ang lahat sa kanila.
Ngumiti ako sa kanya habang tinitigan siya sa kanyang mga mata..
Hangang ngayon ay hindi ko parin mabasa ang laman ng isip nito. Tanging sakit lang at pagsisisi ang nababakas ko sa mga mata niya. Marahil ay kahit siya ay hindi rin niya alam kung ano ang gagawin.
Isang mapait na ngiti nman ang iginanti niya sakin at sinalubong ng tingin ang mga mata ko..
Tumikhim muna ako para maalis ang bara sa lalamunan ko bago nagsalita. "G-goodbye!"
tanging salitang lumabas sa bibig ko at mabilis ko na siyang tinalikuran. Pero ndi ko pa man naihahakbang ang paa ko papalayo ay narinig ko na ang pagtawag nito. "Feb!"... Puno ng pagsusumamo ang boses nito. Gaano ko man kagustong lingunin siya ay pinigilan ko ang sarili ko.Kaya muli nitong inulit ang pagtawag sa akin "February Marie!" But this time ay buong pangalan ko na ang binangit nito. "Please Feb... s-stay for awhile." pakiusap nito. Narinig ko ang yabag nito na papalapit sa akin. Ngunit bago pa man ako nakakilos ay naramdaman ko na ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Pakiramdam ko ay nanigas ang lahat ng vitals ko sa katawan, na hindi ko maikilos kahit isa...
shit! bakit wala manlang Pasabi kung mangyakap ang demonyong ito!
"I-im sorry kung nasaktan kita but believe me mas nasasaktan ako ngayon" Puno ng sakit ang mga boses nito
"Yong isipin ko palang na mawawala ka na ng tuluyan sakin,sobrang sakit na... But I dont want to be unfair to you, because you deserve better than me." Mahinang sabi nito, narinig ko pa ang bahagyang pagsinghot niya.
shit! his crying...
Marahan kong binaklas ang mga braso nito na nakapulupot sa bewang ko at pumihit paharap sa kanya.
Its confirm umiiyak nga ito.
Why life is so unfair? Hindi pa nga nagsisimula ang kwento namin n Luis,ending na agad!..
"T thank you.. Thank you for everything." Saad ko at mabilis ko na siyang tinalikuran. Lakad takbo ang ginawa ko habang palabas sa bahay nila.Hindi ko na nga nagawa pang isara ang gate nila. At nagmamadali na akong sumakay sa tricyle na saktong dumaan nong paglabas ko. Isang huling sulyap pa ang ginawa ko sa gawi ng bakuran nila. Na kahit sa huling pagkakataon ay nag aasam parin ako na susundan niya ako at sasabihin niyang kaya niya akong ipaglaban. Pero sa mga salitang binitiwan nito sakin kanina , pinapahiwatig lang na sumusuko na siya. Na tinatangap niya na ang magiging wakas namin, at panimula naman nila ni Henvell.
hays! katangahan lang diba.
Kasabay ng pagusad ng tricycle na sinasakyan ko ay ang pagbaling ng paningin ko sa unahan. From this day i will start to forget you. Tahimik kong saad sa sarili.
Nagsimula nanaman sa pagagos ang mga luha ko, gaano ko man kagustong. Pigilan ay ayaw paawat ang mga !to.. Marahan ko tong pinunasan ng kanang braso ko... Nagmistulan lang akong batang yagit na inagawan ng lollipop.
shit! sana nga lollipop nalang ang
inagaw niya sakin eh, pero bakit si Luis pa.. Kahit gaano man ako magpagulong gulong o kahit kumain ng apoy ay wala naman akong magiging panama kay Henvell. Kaya nga sa school ay nakuntento nalang ako na hangang pangatlo lang. Kung sa itsura ay makakalaban ako o baka higitan ko pa siya. Dahil sabi nga ng karamihan mala koreana daw ang ganda ko. Pero kung sa estado ng pamumuhay ay walang wala ako. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap,yong sakto lang.. Pero kung ikukumpara sa pamumuhay ni Henvell ay wala akong laban. Napasulyap ako sa salamin na nasa tabi ng pintuan ng tricycle. Nakauniform pa pala ako at wala na sa ayos ang pagkakatali ng buhok ko. Burado narin ng powder na inilagay ko kanina sa aking mukha.
hays!.. I look messy. From now on i wont let my self feel this way again. saad ko sa sarili.
"Goodbye Luis Gabriel Santillianez."
mahina kong turan at mapait na ngumiti.