Natigilan siya at hindi agad nakapagreact. This is the first time that Raven's mother laid a hand on her. Iyon din ang unang beses na may nanakit sa kanya. Dahan-dahan niyang nilingon si Donya Adela, hoping to see na nabigla ng ito sa ginawa but she saw the opposite. There were no remorse on her eyes. Bagkus ay nag-aapoy pa nga sa galit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Kung kanina ay inis ang nararamdaman niya kay Elaine, ngayon ay galit na. "You brat! Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? You are just my son's wife! Wala kang karapatan na sagut-sagutin ako! Wala ka talagang breeding! Hindi ka bagay sa anak ko!" Galit na galit nitong asik. "Pagkatapos kitang tanggapin kahit na labag sa loob ko, ito ang isusukli mo sakin? How dare you accuse me of something immoral!

