Simula
"I'm sorry Mrs.Gonzales but you are not pregnant..."
Kita ni Raven ang panlulumo sa mukha ng kanyang asawa ng marinig ang sinabi ng doktor. Her pale blue eyes dilated in sadness and disappointment. Maging siya man ay nakaramdam din ng lungkot. Matagal na nilang inaasam na magkaanak sila. They have been married for four years now and they have been trying from the start to conceive a child but they failed all the time.
Phoebe Dizon was his college sweetheart. Nakilala niya ito sa unibersidad kung saan din siya nag-aral para maging isang matagumpay na neurosurgeon habang nursing naman ang kurso ng dalaga. The first time he saw her, he immediately felt love at first sight. Hindi lang ganda ang taglay ng kanyang asawa. She was also very smart kaya't nakakuha ito ng scholarship sa unibersidad na pinapasukan niya. Kaya naman hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataon at agad na niligawan ang babae.
But courting her isn't that easy. Dahil tutok ito sa pag-aaral para maging isang nurse, wala sa isipan ng dalaga noon na magboyfriend lalo pa at labing pitong taong gulang palang ito habang siya ay nasa hustong gulang na sa edad na dalawampu, but through his effort and perseverance, he luckily got her yes after she turned eighteen.
They dated for six years bago sila nagpakasal kahit paman medyo tutol ang magulang niya dahil sa kaisipang hindi galing sa prominenteng pamilya ang asawa niya. Phoebe is an orphan. Pero pinanindigan niya ang kanyang desisyon na ituloy ang anumang balak nila. Kalaunan, wala rin itong ibang nagawa kundi tanggapin sila at ang relasyon nilang dalawa.
"G—ganun ba Doc?"
Ang dismayadong tinig ng kanyang asawa ang nagpabalik sa kanyang diwa sa kasalukuyan. Agad naman siyang lumapit sa babae at marahan itong inakbayan bago masuyong hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
"It's alright, love. We can still try again," alo niya dito.
Yesterday, Phoebe excitedly told him that her period was delayed kaya naman agad silang nagpakonsulta but then again, it was a false alarm.
Maaliwalas namang ngumiti ang doktor sa kanilang dalawa. "Stop worrying too much Mrs.Gonzales, the right time will come for you at makakabuo din kayo. Both of you are still young kaya marami pa kayong panahon."
Pilit na ngumiti pabalik ang kanyang asawa sa doktor. "Oo nga po Doc. Marami pong salamat," malumanay nitong tugon.
Ilang saglit pa'y nagpaalam na sila sa doktor. Magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad sa hallway. Phoebe was silent kaya naman huminto siya dahilan para mapatigil din ang babae.
Pinukol siya nito ng nagtatakang tingin. "Why did we stop?"
Humugot siya ng hangin bago ikinulong ang mukha nito gamit ang dalawa niyang palad. "You look so down, love."
Sa sinabi niya ay napanguso ang babae. "I can't help it. Masyado akong nadismaya, love. Akala ko kasi iyon na ang inaasam natin eh pero hindi pala," malungkot nitong turan.
Marahan niyang binitawan ang mukha nito saka kinabig palapit sa kanya at ikinulong sa kanyang bisig. "Diba sinabi ko na sayo na huwag mong masyadong alalahanin kung sakaling wala pa tayong nabubuo? Marriage isn't just about having baby, love. It's about us. The two of us. Kahit na hindi man tayo mabigyan ng anak, hinding-hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako maghahanap ng iba kung yan ang kinakatakot mo at lalo ng hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo," masuyo niyang sambit.
"Pero hindi ko kasi talaga mapigilan eh. Your parents will be more disappointed at me."
Bahagya siyang lumayo sa katawan ni Phoebe subalit hindi parin binibitawan ang babae. "Who cares about them? This is our life. It's our marriage and not theirs. Kung natatakot ka sa sasabihin nila kaya ka nagkakaganyan, you should stop it. Their disappointment shouldn't matter to us, love."
Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago tumango. "Okay. I'm sorry."
Unti-unti siyang napangiti bago ito muling niyakap. "I love you, Bee..."
"I love you too, love," masuyo nitong sambit at niyakap siya ng mahigpit pero maya maya lang ay marahas siyang itinulak palayo.
"The hell Mr.Gonzales?! How can you have a bòner in the middle of the hospital hallway?" Mahina subalit may diin nitong bigkas habang pinaniningkitan siya ng mata.
Hindi niya napigilan ang sarili na matawa bago ito hinila pabalik sa bisig niya. "What can I do? I have a very gorgeous, wife kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Pinalo nito sa mahinang paraan ang kanyang dibdib. "You're so pérvert Doc."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Wanna try this pérvert husband of yours? My office is vacant Mrs.Gonzales. You can be my patient for the day," he grinned while wiggling his brows.
Mabilis naman itong umirap at kumawala sa kanyang yakap. "No. Marami ka pang gagawin. Reserve your energy Doc. Malapit na ang anniversary natin kaya maghanda ka na."
Napangisi siya sa narinig. "Yeah, right. It's just around the corner. Should I anticipate a great performance coming from you?"
His remark made Phoebe laugh. Agad naman siyang napahawak sa kanyang dibdib. Kahit na sampung taon na silang makarelasyon, hindi parin nagbabago ang nararamdaman niya para sa kanyang asawa o kung nagbago man, iyon ay mas nadagdagan pa ang pagmamahal niya para dito.
"You should do a great performance instead, Doc."
"I'm always good. Want a sample?"
Imbes na patulan siya ay inunahan na siya nito sa paglakad. Natatawa naman siyang humabol kay Phoebe at inakbayan ito hanggang sa makarating sila sa opisina niya.
"I need to go. May bibilhin pa ako sa grocery store," paalam nito sa kanya.
"Pwede naman nating sabay bilhin yan mamaya," suhestyon niya pero inilingan siya ng babae.
"Hindi na. Alam kong marami ka pang gagawin kaya ako nalang..."
Phoebe bid goodbye habang naiwan naman siyang mag-isa sa loob ng kanyang opisina. Aside from being a neurosurgeon at Gonzales Medical Center, he's also the medical director of the said hospital which he inherited from his parents. May kapatid din siyang babae na psychiatrist na tumutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng kanilang ospital.
Inabala niya ang kanyang sarili sa pagrereview ng mga charts ng kanyang pasyente nang makarinig siya ng isang katok.
"Come in," aniya.
Bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ng isang maliit na panauhin. Agad siyang napangiti habang hinihintay itong makarating sa kinauupuan niya.
"Hello Doc Pogi!" Masiglang sambit ni Kreios, ang anak ng kanyang kaibigan na siyang pasyente din niya.
Kreios is suffering from neuroblastoma pero sa awa ng nasa itaas ay unti-unti na itong gumaling. Agad na kumandong sa kanya ang bata.
"How are you?" Masuyo niyang tanong.
Matamis naman itong ngumiti sa kanya. "I'm fine po, Doc Pogi. Visit lang po kita kasi miss na din kita."
Hindi niya napigilan ang sarili na maging emosyonal habang pinagmamasdan si Kreios. He can't deny the fact that he really wanted to have a child on his own. Ilang saglit pa'y muling bumukas ang pinto at iniluwa ang ama ni Kreios na hinihingal pa.
"My goodness, son! I told you not to run around," Vincent Lee exclaimed.
Humagikgik naman ang anak nito. "Look Tito Pogi. It seems like Daddy can't run like me."
"Maybe your Daddy is already old," pang-aasar pa niya.
Agad namang sumimangot si Vincent gaya ng madalas nitong ekspresyon. "I'm not. Tamo bibigyan pa kita ng maraming kapatid," mayabang nitong ani na kanyang ikinatawa.
"By the way, dude. What brought the two of you here. Wala namang schedule si Kreios ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan.
Pabagsak na umupo si Vincent sa sofa na nasa kanyang harapan. "Mari had a schedule with her OB today," tukoy ng lalaki sa asawa nito.
Napatango-tango naman siya. Oo nga pala, these two were already expecting their second baby which was said to be twins.
"Congratulations dude," sinsero niyang sabi.
"Thanks dude. Kahit na ang sungit-sungit ng asawa ko at halos ayaw na akong papasukin sa kwarto namin."
Sa sinabi nito ay napahalakhak siya. Vincent was sassy as a man but his wife, Mari is sassier. "You're still happy though…"
"Nah, baka hiwalayan niya ako kapag naglungkot-lungkutan ako," natatawa nitong turan.
After their short conversation, nagpaalam din kaagad ang dalawa sa kanya. Muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa binabasa niyang chart nang tumunog ang kanyang cellphone. He saw that it was his mother kaya mabilis niya iyong sinagot.
"Hey Mom," bati niya.
"Hello , son, I called dahil iimbitahan sana kitang sa bahay magdinner mamayang gabi kung ayos lang sayo?" Tugon nito.
Tiningnan niya ang kanyang schedule at napagtantong bakante siya mamayang gabi. "No problem, Mom. Dadaanan ko lang si Phoebe mamaya para sabay kaming pupunta diyan."
"Pwede rin namang ikaw nalang, son. May importante lang tayong pag-uusapan. We have visitors too kaya baka ma-awkward lang siya dito."
"Visitors?" Ulit niya.
"Yes. Remember Mr. and Mrs.Gomez, nasa Pilipinas na sila and they will settle here for good kasama ang unica hija nila. Nais sana kitang ipakilala," seryoso nitong wika.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Kahit na pumayag na ang mga magulang niya na ikasal sila ni Phoebe, he can still sense a barrier between them. At nalulungkot siya para sa asawa niya.
"Okay, darating ako kasama ang asawa ko..."