Phoebe was busy arranging her groceries. Kakauwi lang niya galing sa mall para mamili ng mga stocks nila sa bahay. Kahit na may katulong naman sila, mas pinipili parin niyang gawin ang mga simpleng bagay kagaya nito at lalong lalo na ang pagluluto para sa asawa niya.
Napatingin siya sa larawan nilang dalawa ni Raven na nakadisplay sa kitchen. Hindi niya maiwasang matawa dahil kahit saang sulok ng bahay nila ay nakikita niya ang larawan nilang dalawa. Ipinasadya iyon ni Raven dahil ayon pa sa lalaki, mas gusto nitong nakikita ang kanyang mukha.
Sa loob ng mag-aapat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ngayong susunod na araw, wala na siyang mahihiling pa sa kanyang asawa. Raven Oasis Gonzales is the epitome of perfection. He can be described as a greek god with silver green eyes, pointed nose, prominent jawline and tall masculine build. Her husband was also one of the richest man in the country dahil kilala din ito bilang isa sa mga pinakabatang surgeon na nakagraduate sa Pilipinas at nagmamay-ari pa ospital kung saan siya nagtatrabaho bilang isang nurse.
Hindi lang ito pogi kundi mabait at maalaga pa dahilan kung bakit mas nahulog pa siya sa lalaki. Kaya kahit pa medyo nahihirapan siyang pakisamahan ang mga magulang nito, hindi siya bumitaw sa pagsasama nila. She loves him so much that she's willing to endure his parents' cold treatment towards her especially after they knew it will not be easy for her to get pregnant because of her condition.
It was hard when she knew they doesn't like her. Lumaki siyang walang pamilya. Ni hindi niya nga nasilayan man lang ang kanyang mga magulang dahil lumaki siya sa bahay ampunan kaya hindi niya maiiwasan na maghanap ng pagmamahal sa pamilya ni Raven na hindi naman niya nakuha.
Pero wala naman siyang balak na sumuko. Katunayan nga ay isang buwan na siyang tumigil sa pagtatrabaho sa ospital para alagaan ang kanyang sarili nang sa ganun, mas malaki ang tsansa na magbuntis na siya at magustuhan siya ng mga ito.
Bitbit ang pack ng pasta, napatigil siya sa kanyang ginagawa nang tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti siya nang makitang numero iyon ng kanyang asawa.
"Hello? Miss mo na ba ako kaagad?" Biro niya.
"Sinabi mo pa. I'm bored here. I wanna come home and spend time with you," ungot nito sa kabilang linya.
Mahina siyang natawa. "Tumigil ka nga. Bakit ka ba napatawag? Magkausap palang tayo kanina ah."
"Hmm, aside from the fact that I missed you, Mom called at inimbitahan niya ako na magdinner sa mansion and I want to be with you. Ayos lang ba iyon sayo?"
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at hindi agad nakasagot.
"I understand if you're not comfortable, love. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya kung bakit hindi tayo makakarating—"
"No. No. It's alright, love. Hihintayin nalang kita dito sa bahay," awat niya sa lalaki.
She knew Raven too well. Hindi talaga ito dadalo sa kahit anong okasyon sa pamilya nito kapag hindi siya kasama.
"Are you sure?"
"Yup!" Masigla niyang sambit. "Anong oras ka ba dadaan dito?"
"I'll be there by seven. Wait for me, okay?"
"Okay. Bye, love..."
Pagkatapos niya itong makausap ay binilisan na niya ang pagliligpit sa kusina para makapag-ayos na siya sa kanyang sarili. She knew it was just a dinner but she still want to look presentable towards Raven's parents.
Sumapit ang alas-syete. Gaya ng sabi ni Raven, sinundo siya nito sa pamamahay nila. Isang simpleng kulay krema na bestida ang kanyang isinuot na pinaresan niya ng doll shoes na kapareho din ng kulay. Inilugay lang niya ang kanyang blonde at kulot na buhok.
Marami nga ang nagsasabi sa kanya na mukha siyang foreigner lalo na ang kulay ng kanyang mga mata pero wala naman siyang maisagot dahil wala siyang ideya sa pamilyang pinanggalingan niya.
"Hey," nakangiti niyang bati kay Raven na nakasandal sa kotse nito.
Mataman siya nitong pinagmasdan habang naglalakad. Raven never hid his admiration in his eyes while staring at her. Nang makalapit siya sa lalaki ay agad siyang yumakap dito.
"Huwag nalang kaya tayong tumuloy. Let's just stay inside our room," makahulugan nitong sambit.
Mahina niyang pinalo ang dibdib nito sabay irap. "Sira! Baka magtampo sayo ang Mommy mo kapag hindi tayo nakarating."
Raven heaved a deep breath as he circled his arm around her waist. "Then let's go, gorgeous. Baka magbago pa ang isip ko, makalimutan ko na talagang may lakad pa tayo."
Raven casually drove his Ferrari towards his parents' mansion. Magkahawak kamay din silang naglakad papasok sa bulwagan. Napalingon siya sa isang hindi pamilyar na sasakyan na nasa harapan ng mansion.
"May iba pa yatang bisita ang parents mo," puna niya.
"I guess so. That's what she told me," kaswal nitong sagot bago siya iginiya papasok.
Kahit na ilang beses na siyang nakapasok sa mansion ng mga magulang ni Raven, hindi parin niya maiwasang humanga sa laki at pagkaelegante ng bahay. Halos sumisigaw sa karangyaan ang bawat sulok ng lugar.
Agad silang sinalubong ng mayordoma ng mansion at magalang na binati. "Naghihintay na po si Donya Adela at Don Rodolfo sa hapag, senyorito."
"May kasama ba sila?" Tanong ni Raven.
"Opo, senyorito."
Tinaguan ito ng kanyang asawa bago sila nagpatuloy. Nang makarating sila sa dining hall ay bumungad sa kanya ang marami at espesyal na mga putahe.
"Oh, I'm glad you're finally here, hijo. Halika at ipapakilala kita sa mga bisita natin," magiliw na ani Mommy Adela at tumayo pa sa kinauupuan nito para salubungin sila.
"Hello, Mom," bati ni Raven at humalik sa pisngi ng ina nito.
"Magandang gabi po, Mommy Adela," bati naman niya sa ginang at lumapit sana para makipagbeso-beso dito pero sinadya nitong iwasan siya at umabrisyete na kay Raven.
Dahil naging abala ang asawa niya sa pagsipat sa iba pang panauhin na nasa mesa, hindi nito napansin ang ginawa ng sariling ina. Pakiramdam niya nangapal ang kanyang mukha sa hiya lalo pa't nakatingin sa gawi niya ang isang sopistikadang babae na napapagitnaan ng dalawang may edad narin na mukhang mag-asawa yata. Kita pa niya ang pinipigalan nitong tawa bago nag-iwas ng tingin.
Napabitaw si Raven sa kanyang kamay nang hilahin ito ng sariling ina. Raven look at her direction at akmang babalikan siya subalit inilingan niya ito at sinenyasan lang na atupagin muna ang mga bisita.
"Hijo, this is your Tita Elisa and Tito Gabriel Gomez. Maliit ka pa nung huli silang nandito," masiglang sambit ni Senyora Adela.
Tumayo naman ang dalawang panauhin at nakipagkamay sa kanyang asawa.
"Nice to meet you again, hijo," nakangiting ani ng ginang.
"Nice to see you again din po, Mrs.Gomez—"
"Oh c'mon, stop the formality and just call me Tita Elisa and my husband, Tito Gabriel. Kung hindi mo na naalala, your mother is a very close friend of mine at kami ang ninang at ninong mo sa binyag," putol ng ginang kay Raven.
"Okay, Tita Elisa."
"Ayan! That's more I like it."
"Ang laki mo na pala Raven. Time really fly so fast," ani naman ng may edad na lalaking tinatawag ni Mommy Adela na si Gabriel.
"Malaki narin naman ang anak mo, Gabriel," singit ng ama ni Raven dahilan para magkatawanan ang mga ito.
"Oo nga pala. This is Elaine Gomez, Raven. She was your playmate before noong maliliit pa kayo," pakilala ni Donya Adela kay Raven sa magandang babae na nakaupo kasama ng mga ito.
Tumayo ang babaeng nagngangalang Elaine at nakipagbeso pa sa asawa niya. "Hello, Rave. It's been a very long time since we saw each other. Hindi ko akalaing ganito ka na pala kagwapo ngayon," mahinhin nitong turan.
"Ano ka ba naman, Elaine. You grew up to be a gorgeous lady too," singit ng ina ni Raven.
"Oh, siya ang mabuti pa ay kumain muna tayo bago natin ituloy ang kwentuhan," awat ni Don Rodolfo sa pag-uusap ng mga ito.
She swallowed hard to remove the lump on her throat. Bigla nalang siyang nakaramdam ng awkwardness habang pinapanood ang mga ito. Parang pakiramdam niya may sariling mundo ang mga tao sa harapan niya at hindi siya kabilang sa mga ito.
Napapitlag siya nang maramdamang may humawak sa kanyang kamay. Nang lingunin niya ay ang masuyong mukha ni Raven ang sumalubong sa kanya. Tipid itong ngumiti dahilan para mapangiti narin siya kahit pa parang maiiyak na siya kanina. Marahan siya nitong iginiya palapit sa hapag kung saan matamang nakatitig sa kanya ang mga panauhin ng magulang ni Raven.
"Oo nga pala, I will introduce to you my lovely wife, Phoebe Gonzales," proud na anunsyo ni Raven bago lumingon sa kanya. "Love, they are my parents' visitors who happened to be my godfather and godmother, Mr. and Mrs.Gomez and that is their daughter, Elaine."
Kita niyang napaangat ang isang kilay ng ina ni Elaine at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. "Really? Nag-asawa ka pala si Raven, amiga?" Tila hindi makapaniwala nitong sambit.
Nagpakawala naman ng isang malalim na buntong hininga si Donya Adela bago tumango. "Yeah. It's been almost four years, amiga," anito na para bang mabigat sa loob ang mga salitang iyon.
Napayuko nalang siya. Hindi na bago sa kanya ang mga eksenang ito pero parang mas lumala yata ngayon habang kaharap nila ang mga bisita nito.
"Kumain na tayo Mom para makauwi na kami ng asawa ko at makapagpahinga na," malamig na sambit ni Raven bago siya pinaupo sa bakanteng silya katabi ito...