Chapter 2: Insult

1556 Words
The whole dinner was really awkward for her. Habang nagkukwentuhan ang mga ito ay hindi man lang siya kinausap kahit ni isang beses. It's not that she's trying to be relevant but she can really sense their dislike towards her. Mabuti nalang at kasama niya si Raven. Asikasong-asikaso siya nito kaya kahit papaano, hindi niya nararamdaman na nag-iisa siya. "Oo nga pala son, alam mo bang licensed neurosurgeon narin itong si Elaine gaya mo," ani Donya Adela sa gitna ng dinner nila. Nag-angat ng tingin si Raven sa ina nito at maging siya man din. "Really? That's good to hear then. Congratulations Elaine," pormal na wika ni Raven. Matamis namang ngumiti si Elaine. "Thank you, Rave." Donya Adela smiled too while looking at the two of them dahilan para makaramdam siya ng mas labis pang pagkaasiwa. Kulang nalang sabihin nito na si Elaine ang gusto nitong pakasalan ni Raven at dapat umalis na siya sa buhay ng anak nito. "The two of you really have the same passion, Raven. Nakakatuwa," ani ng ina ni Elaine. Donya Adela chuckled. "Sinabi mo pa. And oh, I heard she's staying here in the Philippines for good?" "Yes Tita. Namiss ko kasi ang Pilipinas. Kahit na sa lumaki States na ako lumaki. Iba parin kapag nasa sariling bansa tayo. And since I will stay here, plano ko rin sana na sa ospital ninyo ako magtatrabaho. Ayos lang ba iyon Tita?" Elaine stated. "Of course! I am very delighted to hear that!" Masiglang sambit ng ina ni Raven. "That's a good decision hija," segunda naman ni Don Rodolfo. "Naku, thank you so much, Tita, Tito," Elaine said sweetly. "And since sa ospital ka na namin magtatrabaho, Raven will personally assist you para hindi ka mahirapan sa pagsisimula mo," Don Rodolfo added. "Thank you, kumpadre. That's a very big pleasure, pero maiba tayo, ayos lang ba sa asawa ni Raven na asikasuhin ang anak namin?" Ani ng ama ni Elaine at napatingin pa sa gawi niya. Mahina namang natawa si Donya Adela. "Don't mind her, Gabriel. Walang problema iyan si Phoebe, right hija?" Baling nito sa kanya. Her smile is signaling her not to say no to her. Napalunok siya bago napatingin kay Raven. Huminga naman ng malalim ang asawa niya bago ibinaba ang hawak nitong kubyertos. "Phoebe and I will discuss about it later on, Mommy. Isa pa, marami namang doctors na pwede mag-assist kay Elaine sa ospital aside from me. I can recommended her to someone who can guide her well." Napatikhim ang ama ni Raven sa sagot ng asawa niya habang si Donya Adela naman ay hilaw na ngumiti sa bisita nitong mag-asawa. "But son, iba parin kung ikaw mismo ang magtuturo sa kanya—" "Gaya ng sabi ko Mom, my wife and I will discuss it later on. Alam mo namang busy din ako, diba?" Putol nito sa iba pa sanang sasabihin ng ina nito. "Okay lang ako kahit na hindi si Raven ang mag-guguide sakin, Tita. I'm quite good at everything I do kung hindi mo naitatanong. I'm sure I can handle my job well too," singit ni Elaine. Masuyong ngumiti si Donya Adela sa babae. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nakaramdam ng inggit sa klase ng trato ng ginang sa bisita nitong babae na kahit na hindi magsalita, nararamdaman niyang nagpapapansin sa asawa niya. Huminga siya ng malalim bago hinawakan ang kamay ni Raven at marahan iyong pinisil. "There's no problem with me kung ikaw ang magtuturo sa kanya, love. Mabilis lang naman iyon, diba?" Malumanay niyang wika. Raven sighed and held her hand too before squeezing it. "Let's discuss it later on, okay? Kumain muna tayo," masuyo nitong ani saka dinagdagan pa ng pagkain ang kanyang pinggan. Walang nagawa ang mga magulang ni Raven sa naging sagot nito. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang matalim na titig ni Donya Adela na ipinagsawalang bahala nalang niya. Pero habang kumakain siya, pakiramdam niya hindi siya matutunawan dahil sa bigat ng atmosperang nakapaligid sa kanila. Minutes later, Raven's phone rang at nakita niyang isa iyon sa mga VIP na pasyente ng kanyang asawa. "Answer it, love. Baka importante ang sadya niyan," suhestyon niya. Tumango naman ito bago nagpaalam sa kanila kaya naiwan siyang mag-isa kasama ang mga magulang nito at bisita. Tumikhim si Donya Adela para kunin ang atensyon niya. Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin at kabadong tumingin sa gawi nito. Donya Adela was strictly staring at her like she's gonna devour her alive. "Kumbinsihin mong mabuti ang asawa mo Phoebe na huwag tumangging gabayan si Elaine kapag nagsimula na siya sa ospital, nagkakaintindihan ba tayo?" Masungit nitong turan. Tumikhim siya bago pilit na ngumiti. Alam naman niyang hindi napipilit si Raven kapag ayaw nito. He was born stubborn at tanging sa kanya lang sumusunod kung ano ang sasabihin niya. "Sige po, Mom. Sasabihin ko po sa kanya mamaya pag-uwi namin," mahina niyang bigkas. Tinanguan naman siya nito. "Mabuti nang sa ganun magkasilbi ka naman. You're even useless as his wife dahil hindi mo naman siya mabigyan ng anak," maanghang nitong turan. Napayuko nalang siya. Kapag ganito na ang nagiging topic ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkapahiya at panghihina. Pakiramdam niya isa siyang walang kwentang asawa kay Raven kahit anong pilit niya sa sarili niyang ayos lang ang lahat at marami pang pagkakataon na darating sa kanila. Narinig niyang napasinghap ang ina ni Elaine. Hindi naman niya halos magawang tumingin sa gawi ng ginang. "Oh, nahihirapan kang magbuntis, hija?" Tanong nito. "Oo amiga. Isa iyan sa problema ko. Kahit pa sabihin na bata pa si Raven at malaki pa ang pag-asa na makabuo sila, nag-aalala parin ako. Raven needs an heir who will take his footstep in the future. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko," dismayado nitong turan. Tumikhim siya ulit bago hilaw na ngumiti kay Donya Elisa. "May endometriosis po kasi ako pero sabi naman ng doktor na malaki ang chance na makabuo kami lalo na ngayong tumigil na ako sa pagtatrabaho." "Naku kailan pa? Kung nakabuo na kayo dapat sana noon pa. You've been with my son for a decade now and still wala paring progress. Baka tumanda nalang kayong dalawa wala paring mangyayari," singit ng ina ni Raven. Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. She blinked a couple of times so her tears won't fall. God knows how sensitive she is when it comes to this topic. Hindi naman niya sinasadyang maging ganito ang sitwasyon niya. She also wanted to be a mother so badly. "Dapat talaga magkaanak na kayo. Alam mo iyang mga lalaki kapag hindi mo nabigyan ng anak, hindi magtatagal ay magsasawa ang mga yan," naiiling na wika ni Donya Elisa. "Hindi naman po siguro Ma'am. Raven already assured me about that matter," matatag niyang pahayag. Malaki ang tiwala niya kay Raven na hindi siya nito sasaktan. In the past few years that they dated, hindi siya nito kailanman pinagtaksilan kahit na sobrang daming babae ang nagkakagusto dito. "Naku sa una lang yan. Believe me darating ang panahon na magsasawa yan sayo at iiwanan ka niyan para makapaghanap ng taong kukumpleto sa hinahanap niyang pamilya. Men don't marry just because of you alone. Nagpapakasal ang dalawang tao para bumuo ng pamilya and the two of you can't be called family if your childless," kontra nito sa sinabi niya. "That's what I've been telling her and to Raven mismo. Hindi naman pwedeng habangbuhay nalang siyang maghintay kung kailan sila magkakaanak," segunda ni Donya Adela. Napalunok siyang muli. Even the two men in the table were agreeing to what Donya Adela and Elisa are talking about. Ang hirap maghanap ng dahilan sa ganitong usapan. Pakiramdam niya pinagmumukha talaga ni Donya Adela na wala na talaga siyang pag-asa na magkaanak. Mabuti nalang at muli ng pumasok sa loob ng dining hall si Raven. He even stopped and scanned them one by one. Unti-unting kumunot ang noo nito at mabilis na lumapit sa kanya. "Are you alright?" Tanong nito bago pinukol ng malamig na titig ang mga magulang nito. "What's with that look son?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng ina nito. "What did you said to Phoebe while I'm away?" May diin nitong tanong. Napakurap-kurap naman siya. She's not saying anything yet but he already figured out that something is wrong. Gusto niyang umiyak at magsumbong kay Raven pero pinili niyang huwag iyong gawin. Him having a rift between his family was the last thing she wanted to happen. Kahit na ganito ang trato ng mga magulang ni Raven sa kanya ay may respeto parin siya sa mga ito. They were the parents of the man she loves the most. "Wala. We were just randomly talking. Kahit itanong mo pa diyan sa asawa mo," anito bago ibinaling ang atensyon sa kanya. "Say something Phoebe. Stop playing a victim here," tila nayayamot nitong asik. Pilit siyang ngumiti bago hinawakan ang kamay ni Raven. "Your mother is right. Walang sinabing masama si Mommy Adela, love." Sandali pa siya nitong tinitigan na para bang hindi ito naniniwala sa kanya. "Are you sure that you're telling the truth?" She smiled again, reassuringly. "I am." Huminga ito ng malalim bago siya marahang hinila patayo at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Kung ganun ay aalis na kami, Mom, Dad," anito bago siya hinila palabas ng dining hall…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD