Chapter 6: Pity

1668 Words
Napasulyap siya sa orasan at napagtantong alas diyes na pala ng gabi. Medyo mahaba na pala ang naitulog niya kanina. At sa ikalawang pagkakataon ay muling namatay ang tawag pero saglit lang iyon at tumawag na naman ulit si Elaine. Nagtataka naman siyang napatitig kay Raven. "Why is she calling you at this hour?" Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang kanyang asawa bago napailing. "I have no idea, love." "Let's answer it para malaman natin—" "Huwag na. Let's just continue," nakanguso nitong turan. Bahagya siyang natawa at napatingin sa kandungan nito. She bet it's getting painful. "Let's continue after talking to her, okay? " Halos pabulong niyang bigkas saka marahang hinipo ang matigas nitong alaga. Naiiling naman nitong pinindot ang answer button at inilagay pa sa loudspeaker ang tawag. "What is it Elaine?" "R—rave... I need your help," nanginginig nitong ani sa kabilang linya. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Raven. "What's wrong, Elaine?" Kunot noong tanong ng kanyang asawa. "I think I'm lost. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Please Rave puntahan mo ako dito. Hindi ko na alam kung paano ako makakauwi," parang maiiyak na nitong sagot. Bahagya namang napataas ang isa niyang kilay. "You still have your phone with you Elaine. Why not use it to locate where you are so you can go home?" Singit niya. Ilang sandaling hindi nakasagot si Elaine at tanging hikbi nalang ang naririnig nila sa kabilang linya. Muli na namang napabuntong hininga si Raven. "Can't you find any landmark where we will know where you are?" Suminghot-singhot pa ito bago sumagot. "I really don't know Rave. It's an abandoned place. My car broke down. It's so dark. I'm super scared. Please Rave... Come and get me outta here." Raven's eyes sparked concern. Hindi naman niya ito masisisi dahil magkakilala naman ang dalawa. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Just call your friend to locate her location para alam natin kung nasaan siya at hindi ka na mahirapan pa sa paghahanap sa kanya," suhestyon niya. Raven nodded before turning his attention towards the phone. "Just stay inside the car, Elaine at huwag na huwag kang lalabas. It's too dangerous lalo na't malalim na ang gabi. I will come to pick you up, okay?" Malumanay na ani ng asawa niya. Pagkatapos nitong makausap si Elaine ay si Isaac naman ang tinawagan ni Raven para magpatulong na ilocate kung nasaan si Elaine. Hindi naman nagtagal at agad na ibinigay ng lalaki ang eksaktong address sa asawa niya matapos itrace ang phone call nito. "Pupuntahan ko lang si Elaine, love. I will be back shortly, okay?" Paalam nito sa kanya. She was about to nod when she remembered her conversation with Elaine earlier. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at inayos ang sarili. "No. I will come with you para may kasama kang maghanap sa kanya." Sandali naman siyang tinitigan ni Raven. "You sure?" Marahan siyang tumango. "Yup. Hindi narin naman ako makakatulog agad kaya sasama nalang ako." Raven nodded after some time. "You're right. Mas mabuti ngang kasama kita," pagsang-ayon nito. Nagbihis siya ng maayos na damit bago sila magkasabay na bumaba ng silid. She and Raven rode his car towards where Elaine is located. Makalipas ang halos kalahating minuto ay narating na nila ang lugar na kinaroroonan nito. She wasn't lying though. The place is out of nowhere and a bit creepy especially at night. No lampshade on the road. The big trees and tall grasses didn't help the situation either. Kung bakit ba kasi napadpad dito ang babae gayong halos wala namang bahay at establishment sa lugar? What is she doing here anyway? "I think it's her," turo niya sa puti at pamilyar na kotse sa unahan. She remembered that car clearly dahil iyon ang gamit nito kanina nang magpunta sila sa cafe. Sinipat naman ito ng tingin ni Raven bago napatango. "You're right. It's her car," anito saka pinaibis ang sasakyan palapit sa kotse ng dalaga. Naunang bumaba si Raven nang hindi pinapatay ang headlight ng sasakyan. Sumunod naman siya sa lalaki. Elaine on the other hand immediately went out of the car upon seeing them. "Thank God you're here! Akala ko hindi mo na ako pupuntahan," humihikbi nitong anas saka simlnugod ng yakap ang asawa niya. Bahagya siyang natigilan habang pinagmamasdan amg dalawa. Mahihiya ang hangin sa higpit ng yakap ni Elaine sa asawa niya. There was a slight pang on her chest when she saw Raven patted Elaine's back. Pinili nalang niyang ibaling ang kanyang atensyon sa ibang direksyon para hindi makita ang dalawa. Why does it seemed like she's too sensitive this past few days? "Shhh... I'm here. I'm here," mahinahong alo ng asawa niya sa dalaga. It took them a minute bago humiwalay si Elaine kay Raven saka napadako ang tingin sa gawi niya. "P—phoebe? You're here too?" Elaine asked, but it sound like she was disappointed. Ngumiti naman siya. "Of course. Magkasama kami ni Raven nang tumawag ka." Napatango-tango naman ito. "G—ganun ba?" "Mas mainam kung sa kotse na tayo mag-usap. Masyado ng malamig dito sa labas," singit naman ni Raven. Napatango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng asawa niya. Inanalayan naman ni Raven si Elaine na makarating sa sasakyan. He was about to open the backseat when Elaine spoke. "P—pwede bang sa front seat nalang ako, Phoebe? I'm more comfortable in that place," baling nito sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa ni Raven. She heaved a deep sigh before nodding her head. "Okay. I'll be in the back then," aniya. "Thank you, Phoebe," tugon nito at nagkusa ng binuksan ang pintuan sa may passenger's seat at doon pumuwesto. "Will you be alright in the back seat?" Nag-aalala namang tanong ng asawa niya. Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Of course." Lumapit si Raven sa kanya at pinatakan siya ng magaan na halik sa noo bago pimagbuksan ng pinto. "Let's go. Baka malamigan ka." She slipped inside the back seat. Nahuli naman niya si Elaine na nakatitig sa kanya nang magtama ang mga mata nila sa rearview mirror ng sasakyan. Seconds later, Raven also went inside the driver's seat and started the engine. "What about my car, Rave? Iiwanan lang ba natin iyan dito? Baka may masamang loob na nakawin iyan," nag-aalalang sambit ni Elaine. "Don't worry. Someone will come to picked it up para hindi mapagdiskitahan," tugon ng kanyang asawa at pinaandar na ang sasakyan paalis sa lugar. Marahan niyang isinandal ang kanyang likuran sa upuan saka itinuon ang mga mata sa labas. She could feel Raven's stares at her through the mirror na hindi na niya pinansin pa. She suddenly felt tired and pissed at the same time. "What are you doing at that place, Elaine? Paano ka ba napunta doon?" Kaswal na tanong ng asawa niya habang nagmamaneho ito. "I was just wandering around. Hindi ko alam na makakarating pala ako doon at masisiraan ng kotse. Kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi ka naman sumasagot," Elaine answered. "I'm sorry. I was busy at that time. Akala ko hindi import ang pakay mo," tugon ng asawa niya. She heard Elaine sniffing again. Umiiyak ba ito? The hell. If she's lost then why don't she call Raven's parents instead dahil close naman ito kay Donya Adela dahil mas marami namang drivers sa mansion. Why does it have to be her husband of all people? "Nakakatampo ka na, Rave. Paano na lang kung napahamak na pala ako?" Himig tampo nitong turan. "I will try to answer your call next time..." "Dapat lang no? We are friends at sayo ako ipinagkatiwala ng mga magulang ko bago sila umalis kaya dapat mo rin akong alagaan." Marahas siyang napalingon sa dalawa. Raven also look at her direction. Walang emosyon siyang napatitig sa lalaki. Raven cleared his throat before answering Elaine. "Malaki ka na Elaine. You can handle yourself now." "Yeah right. Kaya pala ito ang nangyari sakin ngayon. Nasiraan at naligaw," sarkastiko nitong turan. "I'm married and I have a lot of responsibilities already. Hindi sa lahat ng panahon I could look after you," ani ng asawa niya. "Yeah, yeah, whatever. Can't you just console me even for once, Rave? Masyado ka namang seryoso," angal nito. Napailing nalang siya. Elaine is really starting to get into her nerves. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para ipahinga ang sarili niya. She can't wait to go home away from this woman. Sandali pang nag-usap ang mga ito. Naririnig naman niya na tila hindi interesadong makipag-usap ang asawa niya. Nanatili siyang nagkunwaring nakapikit para hindi mahalata na nakatingin siya sa dalawa lalo na kay Elaine. "Where is your house, Elaine para doon na kita maihatid?" Maya maya pa'y tanong ni Raven sa dalaga. "Few blocks away from your house. Halos magkapit bahay lang naman tayo," masigla nitong tugon. "Really?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng asawa niya. "Yup! Tita Adela chose that house for me at siya pa ang bumili nun para sakin. Sabi niya it's her welcome gift sa pagbabalik ko sa Pilipinas at pagsisimula sa bago kong trabaho. Your mother is very sweet, Rave. Ganyan din ba siya kay Phoebe? Does she gave her gifts too?" Tanong nito at lumingon pa talaga sa kinaroroonan niya. "No." Raven firmly answered. Bahagya naman siyang nakaramdam ng kahungkagan sa narinig. Kahit anong pigil niya, hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa atensyon na nakukuha ni Elaine sa ina ni Raven. Siguro nga tama ito. She's greedy for attention. "Oh, that was sad," tila dismayado nitong turan. She heard Raven chuckled. "Why would it be sad? I was the one who gave her gifts. I am her husband and it's my pleasure to do so." She can't help but smile secretly. "Pero kahit na. Your wife should be close to her inlaws for a healthy relationship. Sa nakikita ko parang ayaw ni Tita Adela kay Phoebe. Kawawa naman siya—" "Hindi magiging kawawa ang asawa ko, Elaine. I love her. She has me and that's already enough to her..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD