Chapter 4: Threat 2

1569 Words
Hindi siya agad nakapagsalita. Alam niyang ayaw ng nanay ni Raven sa kanya pero hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang pag-uusap nila ngayon. Malaking parte ng buhay niya ang orphanage na pinanggalingan niya. Doon siya nagkamalay at nagkaroon ng isipan hanggang sa lumaki siya. Kaya naman simula ng makapagtrabaho siya, palihim siyang tumutulong sa bahay ampunan bilang pagtanaw niya ng utang na loob sa mga nagpalaki sa kanya. Tanging ang asawa niya lang ang bukod tanging nakakaalam ng pagtulong niya sa orphanage at suportado naman siya nito. "But don't worry too much about it, Phoebe. Hindi naman ako ganun kasama para gawin ang bagay na iyon unless you'll provoke me. Basta't sumunod kalang sa gusto ko, walang problema sakin yun. Nakakaintindihan ba tayo?" Maawtoridad nitong tanong. Napalunok siya bago marahang tumango. "O—opo, Mom. Naiintindihan ko po," aniya sa mababang boses. "Mabuti. Bweno, aalis na ako. Huwag mo ng banggitin kay Raven na napadaan ako dito at baka kung ano pa ang isipin niya," huling kataga nitong binitawan bago siya iniwan sa salas. Pinahid niya ang mga luha na kusang kumawala sa kanyang mga mata. Sa hindi sinasadya ay naabutan pa siya ni Rica habang may dala itong tray na naglalaman ng dalawang tasang tsaa. Maingat nitong inilapag sa center table ang dala at agad na lumapit sa kanya saka sinipat siya ng tingin. "Ayos lang po ba kayo, Ma'am Bee?" Nag-aalala nitong tanong. Pilit siyang ngumiti bago tumango. "Ayos lang ako, Rica." "Grabe naman iyang si Donya Adela. Ano bang problema niya sayo. Kung tutuusin taglay mo na lahat ng bagay para matawag na perpektong manugang. Ang bait-bait mo kaya tapos aawayin ka lang niya. Isumbong mo na yan kay Sir Raven, Ma'am—" "No. Don't tell Raven na galing dito ang mommy niya, okay?" Mahinahon niyang wika. Agad namang napasimangot si Rica sa sinabi niya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Haysss. Sige na nga. Pero dapat mo parin siyang isumbong Ma'am para mapagsabihan siya ni Sir Raven sa pagtrato niya sayo." Mabilis naman siyang umiling. "Hindi na Rica. Hayaan mo na," aniya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Ang mabuti pa inumin mo nalang iyang tsaa at tulungan mo na akong magbalot ng ulam. Idadaan ko yang iba sa nurse station mamaya." Mabilis namang tumalima si Rica. Siya mismo ang nagbalot ng pork asado sa isang container na para sa asawa niya. Sinamahan pa niya iyon ng mga sliced fruits at kanin saka isinilid sa handbag na gagamitin niya. "Magpapahatid po ba kayo sa driver, Ma'am?" Tanong ni Rica nang palabas na siya ng bahay. "Hindi na. Ako na ang magmamaneho." "Ingat po kayo," anito bago isinara ang pinto ng driver's seat. Dahil tanghali na, medyo naipit pa siya sa traffic. Hindi rin alam ni Raven na darating siya. Gusto niya kasi itong isorpresa. Makalipas ang halos isang oras, nakarating na siya sa Gonzales Medical Center. Una niyang idinaan sa mga dati niyang kasamahan ang iba pa niyang dala. Labis naman ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. "Si Raven ba nasa opisina niya?" Tanong niya kay Lovely na siyang naka-assign sa reception area. "Mukhang lumabas Bee kasama ng isang magandang babae. Bali-balita na sa buong ospital na bagong resident neurosurgeon daw iyon. Hindi ba nagsabi si Doc sa'yo?" Napakurap-kurap siya bago marahang umiling. New resident... Ibig sabihin si Elaine ang kasama ng asawa niyang lumabas? She mentally sighed. Wala siyang dapat ipag-alala, Raven is a good man at isa pa baka may importanteng pupuntahan ang dalawa na may kinalaman sa trabaho. "Alam mo Bee, agad naming napansin na bahagyang clingy yung bagong doctor. Close pala sila ng asawa mo?" Tanong naman ni Gemma na isa ring nurse na kaibigan niya. "Magkakilala ang familiy nila noon pa," tipid niyang tugon. Napatango-tango naman ang mga ito. "Ah, kaya pala. Pero iba talaga ang kutob ko sa babaeng yun Bee. Babae din naman ako kaya nahahalata ko na may pagtingin talaga siya kay Doc," dagdag pa ni Gemma dahilan para mapalo ito ni Lovely. "Tumigil ka nga! Binibigyan mo pa ng iisipin yang si Phoebe eh! Alam mo naman na hindi siya pwedeng maistress kaya nga nagpapahinga," saway ni Lovely sa dalaga. Agad namang umirap si Gemma. "Naku malakas ang pang-amoy ko at nagsasabi lang ako ng totoo day! Mabuti na't alam ng kaibigan natin ang nangyayari dito. Kay Doc Raven may tiwala ako dahil alam kong mahal niya si Phoebe pero sa babaeng yun wala. Mukhang anghel lang yun pero sure ako nasa loob ang kulo nun!" Huminga siya ng malalim bago inawat ang dalawa. "Tama na yan. Baka mamaya mabigyan pa kayo ng memo na puro tsismis lang inaatupag ninyo. Kumain na kayo. Sa opisina ko nalang hihintayin ang asawa ko," aniya at iniwan na ang mga ito. Dumiretso siya sa opisina ni Raven at doon nalang hinintay ang lalaki pero dahil medyo may katagalan bago ito dumating, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sofa. Nagising nalang siya nang maramdamang may humahalik sa kanya. Nang magmulat siya ng mga mata ay mukha ni Raven ang bumungad sa kanya. "Hello, gorgeous wife... Are you sleeping here in my office to seduce me?" Raven asked while wiggling his brows. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti bago dahan-dahang bumangon. Inalalayan naman siya nitong makaupo sa sofa na kinahihigaan niya. "I was waiting for you. Lumabas ka daw sabi ni Lovely," nakanguso niyang sambit. Huminga naman ito ng malalim bago tumango. "Yeah. Elaine was here awhile ago. I already toured her around the hospital so she will familiarize everything here bago siya magsimula." Napatango-tango naman siya. "Kumain ka na ba?" Masuyo niyang tanong. "Just a bit. She invited me for lunch." Bahagya naman siyang nalungkot sa narinig. "But that doesn't mean I won't eat the lunch you prepared for me," nakangiti nitong sambit kasabay ng pag-angat ni Raven sa kanyang mukha gamit ang kamay nito bago siya siniil ng isang madiin na halik. She was about to answer his kiss when the door opened. Mabilis niyang inilayo ang mukha sa asawa at magkasabay silang napalingon sa may pinto. There stood Elaine who was also shocked with what she saw. Pero maya maya lang ay nagbago ang ekspresyon nito at tila napalitan ng pagkairita o pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa dalawa. "S—sorry. Mukhang nakaistorbo yata ako," anito sa mahinang boses. Napatingin siya kay Raven na tila balewala lang sa lalaki ang nangyari. Hindi pa nito inalis ang dalawa niyang binti na nakapatong sa hita ng lalaki. "I thought you already left, Elaine. May nakalimutan ka pa ba?" Kaswal na tanong ng asawa niya. "Uhm, I left my house keys on your table. Kukunin ko lang sana," tugon nito. "Oh, ganun ba?" Elaine nodded. Napatikhim naman si Raven bago iminuwestra ang mesa nito. "Okay. Parang nasa mesa nga." Pumasok na si Elaine sa loob at kinuha ang susi nito. She even smiled apologetically at them, though she's not sure if it's real or not. "Alis na ako. Pasensya na talaga sa istorbo," anito bago nilisan ang opisina ng kanyang asawa. Nang mawala ito sa paningin nila at bumaling na si Raven sa kanya. "Have you eaten already?" Masuyo nitong tanong. Marahan naman siyang umiling. "Hindi pa. Sasabay sana ako sayo eh." Raven smiled before standing up as he held her hand. "Let's eat then. Mas masarap ang pagkain kapag ikaw ang kasama ko." "Bolero," natatawa niyang turan. The two of them shared their lunch kahit pa medyo late na. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na siya sa lalaki na uuwi na ng bahay lalo pa't may duty din ito. "Take care, love," anito habang naglalakad sila papunta ng parking lot kung saan naroon ang kotse na minaneho niya. "I will. Anong oras ka uuwi mamaya?" Malambing niyang tanong. "Hmm, maybe by eight?" Tumango siya. "Okay. Hihintayin nalang kita sa bahay." Raven snaked his arm around her waist as he captured her lips and gave her a sweet and gentle kiss. "It'll be better if you'll wait for me with your dark red lingerie," bulong nito. Napangisi naman siya. "Sure, Doc. Don't exhaust yourself too much. You'll be performing another operation later on," makahulugan niyang sambit. Pinauna na niya itong umakyat pabalik sa loob ng ospital bago niya napagpasyahang umalis. She was about to turn around when she bumped into someone. Nang lumingon siya ay sinubong siya ng kulay abong pares ng mga mata. "I'm sorry Mrs.Gonzales," anito sa mababa subalit baritonong boses. Napakurap-kurap pa siya. Kung hindi siya nagkakamali, parang nakita na niya ang lalaki nitong nakaraan. "You look familiar," mahina niyang anas. Tipid naman itong ngumiti bago naglahad ng kamay. "Xavier Louis Dela Fontaine, Gonzales Medical Center's new pharmaceutical partner's owner," pormal nitong pakilala. Agad naman niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. Bahagya pa nitong pinisil ang kanyang palad na ipinagsawalang bahala nalang niya. "Nice meeting you too, Mr.Dela Fontaine," aniya kasabay ng agarang pagkalas sa kamay ng lalaki. "It's a pleasure to meet you in person Mrs.Gonzales. Hope to see you around," anito bago nagpaalam sa kanya. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Hindi maipagkakailang pogi din naman ito. Mas gwapo nga lang ang asawa niya. She mentally shook her head before walking towards her car pero bago paman siya makasakay sa kanyang kotse ay may narinig siyang nagsalita. "Hey, Phoebe..." Nang lumingon siya ay bahagya siyang nagulat nang makita si Elaine na nakatayo sa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD