"Anong ginagawa niyo ditong tatlo?" Agad na tanong ko ng makita ko si Amelia, Hiro at Li Yu sa isang sasakyan na nasa parking lot. Ngumiti si Amelia. "Hi, bestie!" Ngiting ngiting bati nito sa akin. Mabilis na nabaling sa kaniya ang paningin ko. "Hoy, gaga. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa America ka ngayon?" "Tumakas ako, hihihi." Sabi nito bago bumungisngis. "Nami-miss na kasi kita. At isa pa hindi pa nasasagot ang katanungan sa isip ko kung bakit biglaan ang hindi mo pagpansin sa amin at sa biglaan mong pagpapaalis sa amin ng family ko para papuntahin sa America." "A-nong gi-na-ga-wa niyo di-to?" "Sasama kami sa inyo. Aba! Hindi naman puwedeng kayo lang ang mage-enjoy sa paghahanap kay Neal! Dapat kami rin!" Mabilis na nagsalita si Sebastian. "Hoy, Impakta. Huwag k

