Mabilis na nangunot ang noo ko, hindi lang ako kundi pati na rin ang buong Section G. "Paanong----patay na si Cassandra." Sabi ko. Umiling iling ito habang nakatingin sa akin. "Nakita ko siya. Nakita ko siya at kausap si Don Armando. Binuhay daw siya ni Dr.Dyson para maghiganti sa inyo." Dr.Dyson. Parang narinig ko na ang pangalan niya sa kung saan. Si Kneel, narinig ko si Kneel na binanggit niya si Dr.Dyson nung niligtas namin si Arthur. Sinabi niya sa akin na gusto siyang patayin ni Dr.Dyson pero hindi ko alam kung anong dahilan at anong atraso niya. "Si Kneel, kailangan natin makausap si Kneel." Sabi ko. Mabilis naman na nangunot ang noo nila. "Sino si Kneel?" "Siya iyong lalaking bigla na lang nawala at bigla rin nagpakita. Muli lang kaming nagkita nong nakidnap si Arthur. Ang

