bc

Tricky Destiny

book_age16+
545
FOLLOW
1.4K
READ
possessive
playboy
arrogant
dominant
comedy
lighthearted
city
office/work place
enimies to lovers
secrets
like
intro-logo
Blurb

***COMPLETED*** He is Ric. No, she is Ric. A girl who has been a boy her whole life. Her family kept her real identity to keep her safe from the people who wanted to hurt her. As a good daughter as she is, Ric will do everything to help her family financially, even if it means to pretend as a gay boyfriend to a guy of her dream. Will she keep everything a secret until she figures out the reason behind all the tricks in her life? Or will she tell the guy she's in love with the reason behind her identity before she could even find the truth about her true family?

chap-preview
Free preview
Ako lang naman si Ric Matras –
1   Ako lang naman si Ric Matras –       RIC’S POV     “Oy tol ang aga mong pumasok ah. Gusto mo ba ng dagdag sahod? O baka naman promotion?” sabi ng bestfriend kong si Feiffer. Sya lang naman ang bestfriend ko simula pagkabata at dito ako ngayon nagta-trabaho sa Sotelo Car Shop. Sa kanila ‘tong shop na ‘to. Mabuti nga at binigyan nila ako ng trabaho. Kailangan ko kasi lalo na ngayong lumalaki na ang mga kapatid ko.     “Ulul! Wala namang promotion dito sa talyer no!” sagot ko sa kanya.     Nagsimula na akong magsuot ng uniform at binuksan ko na ang talyer. “Ang sipag mo talaga. Sana naman binigyan mo ako ng konting kasipagan! Siguro nung nagsabong ng kasipagan, sinalo mo lahat.” Pagbibiro nya. “Sasabihin ko kay papa na nagOT ka ngayon.”     “Naku, kahit wag na. Ito naman talaga yung trabaho ko.” Nagligpit ako ng kalat sa talyer. Inihanda ko naman ang mga gagamitin sa car wash at binuksan ko na rin ang car shop. Oo, all around ako dito. Ginagawa na nga akong manager nitong bestfriend ko. Kaya lang kapag naging manager ako, mawawalan naman sya ng trabaho. “Ipaghanda mo naman ako ng almusal. Mahiya ka naman sa’kin ako na lahat gumagawa ng mga dapat gagawin mo!!”     “Oo na. May magagawa pa ba ako? Mag-intay ka lang dyan. Babalik ako.” Lumabas sya ng shop habang busy ako sa paglilinis.     Ako nga pala si Ric Matras. Nakatira sa Brgy. Rosia. Panganay na anak nila Delmar at Ricania Matras. 19 na taong gulang at kasalukuyang tumutulong sa pagtaguyod sa aming pamilya.     “Feiffer honey!!!” bumukas ang pintuan ng shop at bumungad si Gwyn. Sya lang naman ang ultimate fan ni Feiffer. In short, patay na patay sya sa utol ko. “Ric, aga mo ah. Where’s my baby Feiffer?”     “Hindi ko alam.” Pinupunasan ko ang salamin ng shop dito sa loob. “Uy, pagkain ba yan? Pahingi naman!” Kumuha ako sa tinapay na dala nya. “Anong palaman nito? Ang sarap ha.”     “Wag mo namang ubusin. Para yan sa mahal ko.” Tinakpan nya ulit ang pagkain. Umupo sya at inilagay ang pagkain sa estante.     Napansin ko namang papasok na si Feiffer ng mapansin nya si Gwyn. Sasabihin ko na sana na nandyan na ang hinahanap nya pero sumensya sya na paalisin na si Gwyn. Kawawang babae, araw-araw na lang sya pinagtataguan ng lalaking mahal nya. “Naku Gwyn mukhang hindi papasok yun si Feiffer. Naginuman ata sila kagabi. Baka may hangover pa yun.”     “Nakakainis naman, wrong timing ako.” Tumayo na sya. “Ric, sabihin mo, panget ba ako?”     Tiningnan ko sya at tsaka ako nag-isip. “Hindi. Maganda ka naman tsaka sexy. Masarap ka pa magluto. Isa pa sobrang tsyaga mong magpabalik-balik dito araw-araw para lang sa lalaking yun.” Na hindi ka pinapahalagahan.     “Ang sweet mo talaga, Ric. Ikaw din naman, gwapo ka at mabait kahit na payatot mo at wala kang muscles. Kaya lang kasi si Feiffer talaga yung mahal ko.” Gusto kong sabihin sa kanya na alam naman ng buong taga Brgy. Rosia yun. “Iiwanan ko na ‘tong pagkain ha. Pakisabi na lang na dumaan ako.”     “Sige. Makakarating. Ingat ka ha.” At nagpaalam ako sa kanya. Pagkalabas nya sabay pasok naman ni Feiffer. “Lagi mo na lang syang pinagtataguan. Nakakaawa naman si Gwyn. Sayang, ang ganda pa naman sya.”     “Sus, mas  maganda ka pa dun no! Tingnan mo na naman ang mukha, parang clown na.” Inilagay nya sa table ang tinapay na hawak nya. “Mabuti pa kumain ka na lang. Ito oh, pandesal at mantikilya.”     “Ewan sa’yo! Kung lalaki lang talaga ako, papatulan ko yun eh.” Umupo ako at kumain na rin kasama nya.     “Ang kaso ang alam ng lahat lalaki ka. Bakit ba kasi bawal malaman ng lahat ng babae ka?” tinakpan ko ang bibig nya.     “Alam mo kung isisgaw mo ng ganyan talagang malalaman ng lahat!!” Inalis ko ang pagkakatakip sa bibig nya. “Hindi ko din alam kung bakit. Pero sabi nila nanay at tatay para daw yun sa ikabubuti ko. Tsaka wala namang problema kung alam ng lahat ganito ako no!” Kumain ako ng dala nyang pandesal. “May dala nga din palang tinapay si Gwyn. Tikman mo naman.”     “Sa’yo na lang. Mamaya may gayuma pa yan. Tingnan mo, nahuhulog ka na sa kanya. Kasi meron yang gayuma.” Tumayo si Feiffer. “Gusto mo ba ng kape?”     “Ulul! Lalaki pa rin ang gusto ko no! Hindi ko palang natatagpuan si Mr. Right! Kung ayaw mong kainin ‘to sa’kin na lang. Makakatipid pa ako para sa meryenda. O kaya iuuwi ko na lang sa bahay mamayang tanghali.”     “Bahala ka!”     After namin kumain dumami na ang pumunta sa shop. May mga kasama naman kami dito sa shop. Merong mga mekaniko, may cashier at sales lady sa shop at meron ding tumatao sa car wash. Kapag merong may rest day ako ang pumapalit sa trabaho nila. Lahat na kasi ginagawa ko dito. Mekaniko ako, salesman at naglilinis din ng kotse. Nagpoprovide din kami ng drivers para dun sa mga nangangailangan ng drivers.     “I’ll be late. Nasiraan kasi ako pero nakahanap na ako ng car shop. Susunod na lang ako after dito.” Isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Isang nilalang na parang nahulog sa langit. May pagkabrown ang buhok, maputi, matangos ang ilong, brown eyes, matangkad at malaki ang katawan. Sobrang puti rin ng suot nya. “Excuse me, ipapagawa ko yung kotse ko. Bigla na lang kasing tumigil eh.”     “Ha – ah sandali lang po.” Tumingin ako sa paligid at wala akong makitang mekaniko. “San na kaya sila nagpunta.”     “Ano yun?” tanong nya.     “Sige po, ako na lang po ang gagawa. Nasaan po ba ang kotse nyo?” kinuha ko ang mga materials.     “Nandyang lang sa labas.” Lumabas sya at sumunod naman ako.     Chineck ko ang kotse nya. “Madali lang poi to.” Sumuot ako sa ilalim sandali. “Sir, pwede po bang pakiistart ng kotse nyo?” Tumayo ako at binuksan ang unahan ng kotse. “Lalagyan ko lang sir ng tubig. Pakidala na lang po dun sa station.”     Sumunod naman sya sa’kin. “Ric, ano yan?”     “Okay na po Mang Nesto. Nagawa ko na po. Lalagyan ko na lang po ng tubig tsaka itatabi ko na din po itong grasa.” Ipapatong ko ang grasang hawak ko sa itaas ng bigla itong dumulas sa kamay ko at tumapon sa customer.     “What the hell!” sigaw nya.     “Naku sir. Sorry po. Hindi ko sinasadya. Bakit po kasi nandyan kayo? Akala ko po kasi nasa sasakyan pa kayo.” Kumuha ako ng basahan at pinunasan ko ang grasa sa puting-puti nyang suit. Kaya lang mas lalo itong kumalat. “Naku sir lalabhan ko na lang po.”     Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. Sobrang higpit at sobrang sakit ng pagkakahawak nya. “Hindi mo ba alam kung magkano ang suit na ‘to? Kahit buhay mo hindi kayang bayaran!”     “Sobra naman kayo sir. Parang suit lang yan mas mahal pa sa buhay ko!!” hinigit ko ang kamay ko. “Hindi ko naman sinasadya ah. Tsaka nagsorry na ako sa inyo.”     “Wala talagang alam ang mga hampaslupa na tulad mo pagdating sa class!!” sigaw nya sa’kin.     “Para sabihin ko sa inyo alam ko yung class. Yun yung tinuturuan ng titser!!!” Mas mukhang lalong nainis ang mukha nya.     “Bayaran mo ‘tong suit ko!! May pupuntahan pa akong special na okasyon kaya bayaran mo ‘tong suit ko!!!” sigaw nya sa’kin habang hawak-hawak ang collar ng uniform ko.     “Paano ko naman yan babayaran? Wag nyo na lang bayaran yung pagpapagawa ng kotse nyo. Kayo na lang ang bumili total kayo naman ang mayaman at hampaslupa lang ako!” Inalis ko ang kamay nya. “Kapag ba nasira ‘tong uniform ko babayaran nyo rin?”     Susuntukin na sana nya ako ng mapigilan sya ni Feiffer. “Sir, hindi naman ata tamang manuntok ka ng tao.”     “Sino ka ba?” tanong ng customer.     “Ako ang manager dito.” Tumingin si Feiffer sa’kin. “Ano bang nangyari, Ric?”     “Tumapon kasi sa kanya yung grasang ipinatong ko sa taas. Malay ko bang nandyan sya. Pinababayaran sa’kin yung suit nya. San naman ako kukuha ng suit? Bathing suit pa pwede!!” paliwanag ko kay utol.     “Bastos pala ‘tong empleyado mo! Since ikaw ang manager, ikaw na lang ang magbayad sa dinumihan nyang suit ko.” Yabang nitong lalaking ‘to. Akala ko kanina isa syang anghel. Di talaga lahat ng gwapo mababait!!     “Ric, dalhin mo sya sa walk in closet ko.” Utos ni Feiffer sa’kin.     “Ba – bakit ako?” tanong ko sa kanya.     “Ikaw na, customer mo sya hindi ba?” nakakainis naman ‘tong kaibigan ko. Ako pa talaga ang pinapasama nya sa loob.     “This way po, sir!” tumalikod ako at papasok sa walk in closet ni Feiffer.     “I want the same suit!!” pagdedemand ng customer.     “Lahat po ng suit nandito. Kung nagmamadali kayo eh di bumili na lang kayo sa labas! Buti nga papalitan pa ng boss ko yang suot nyo.” Sagot ko sa kanya. “Mukha namang mumurahin.” Bulong ko.     “Excuse me, original ‘tong suit ko.” Sagot nya. Wala naman akong pakialam kung anong klase pa yung suit nya. Di naman nun naitatago ang totoo nyang ugali.     “Mamili na po kayo sa suit ng manager namin.” Pinakita ko sa kanya ang closet. Marami namang damit ‘tong si Feiffer. Yung iba nga dito may price tag pa. Palagi kasi syang binibilhan ng mommy nya ng mga damit. Pero dahil pasaway sya, itinatambak nya lang lahat dito at hindi naman isinusuot. Minsan nga binibigay nya pa sa’kin yun iba.     “Sige, pwede na ‘tong isa.” Kinuha nya ang isa ding white na suit.     “Okay.” Bigla nyang inihagis sa’kin ang suot nya. “A – anong ginagawa nyo?” gulat kong tanong.     “Nagbibihis. Ano ba sa tingin mo?” hinubad nya pati ang panloob nya. “Ang baho naman nito. Pati pala ‘tong polo ko nadumihan na rin.”     Lumantad sa’kin ang katawan nya. Ang laki chest at wow ang abs, palaman na lang ang kulang busog ka na.     “Hoy! Bakit ka ganyan makatingin? Bakla ka no?” bigla akong napahiya sa tanong nya.     “A – ako bakla? Ulul! Nakatingin ako sa polo na kinuha mo! Suit lang ang usapan, bakit pati polo kinuha mo?” Sa mga damit na lang ako tumingin.     “Tinawag mo ba akong ulul?” tanong nya habang isinusuot ang polo.     “Oh eh ano? First time mong makarinig ng ganun?” Nagulat ako ng pagharap ko magkatapat na ang mukha namin.     “Subukan mo pa akong tawaging ganyan, may paglalagyan ka.” Inilapit pa nya ang mukha nya sa’kin. Ang pula ng lips nya at ang bango ng hininga.     “U – lul!” at bigla nya akong kinulong sa mga braso sya habang nakasandal ako sa pader. “I mean hindi na kita tatawaging ulul – sir.”     “Ang lamya mong lalaki!” Ialis nya ang mga braso nya at nakahinga ako ng maluwag. “Ayusin mo na yung kotse ko at aalis na ako.” Lumabas sya at bumalik sa station.     Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ilang beses na akong napalapit sa lalaki pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito.   Ano bang iniisip ko? Antipatiko ang lalaking yun!! Hindi ko sya makakalimutan sa buong buhay ko!!     Lumabas na rin ako at tinapos na ang problema ng sasakyan nya. “2,434 lahat. Pakibayaran na lang sa counter.”     “Kalahati lang ang babayaran ko.” Nag-init ang ulo ko sa sinabi nya.     “At bakit naman po, sir?” tanong ko sa kanya habang pigil na pigil ang galit ko.     “Dahil wala kang modo.” Sa sobrang galit ko sa kanya nagiiba yung itsura nya sa paningin ko. Kung kanina para syang anghel, pwes ngayon mayroon na syang sungay at pula na ang mga mata nya.     “Sir, ako pa ba ang walang modo? Kayo nga po yung makaasta eh parang hindi edukadong tao.” Ngumiti ako ng matipid. “Pakibayaran poi to sa counter. Salamat.”     Inihagis nya ang pera sa mukha ko. “Keep the change.”     Parang nagslow motion ang lahat at hindi ko na napigilan ang sarili kong iheadbat sya. “Salamat na lang po!!” at tinalikuran ko sya habang nakahawak sya sa ulo nya.     “You bastard! Sino kang hampaslupa ka para gawins sa’kin ‘to?!! Hindi mo ba alam na ako si Mikael Slovis! Anak ako ni Mikee Slovis!! Ang may ari ng Slovis Entertainment Company!” sigaw nya sa’kin kaya naman humarap ulit ako sa kanya.     “Oh eh ano? Ako lang naman si Ric Matras at anak ako ni Delmar Matras! Ang may ari ng bahay namin!! Ano masaya ka na?” sagot ko sa kanya.     “Pagbabayaran mo ‘tong hampaslupa ka!!” Dinuro nya ako bago sya sumakay sa kotse nya.     “Hampaslupa nga ako eh!! Paano kita babayaran? Siraulo ka pala eh!! Wag ka ng babalik dito!!!!!” sigaw ko sa kanya habang papaalis sya.     “Wow ‘tol, ang tapang mo ah. Hineadbat mo ang lalaking mas malaki pa sa’yo!!” pagbibiro ni Feiffer sa’kin at hindi ko sya pinansin. Dumiretso lang ako sa loob at sumunod naman sya. “Oh, anong hinahanap mo?”     “Yung icebag. Ang sakit ng ulo ko. ‘tol hanapin mo naman yung icebag. Nahihilo ako.” Umupo ako sa upuan at isinandal ko ang ulo ko sa pader. “Ang tigas ng ulo ng lalaking yun. Ang kapal pa ng mukha. Dahil mayaman sya gaganunin na nya ako?”     “Tingnan mo yang kalokohan mo, bandang huli ikaw pa tuloy ang nasaktan.” Hawak na ni Feiffer ang icebag at inilagay nya sa noo ko. “Uminom ka na din ng mefenamic para sa kirot. Mamaya hindi ka pa makapagtrabaho dahil dyan.”     “Ano ka ba ‘tol, ako pa ba? Kaya ko ‘to.” Kinuha ko sa kanya ang icebag. “Pero ang sakit talaga. Napakaantipatiko kasi. Sasabihin pang anak sya ng kung sino! Hello!! Anak din ako ng tatay ko no!!”     “Puro ka kalokohan. Kaya ka napapahamak eh. Oh eto, inumin mo. Wag ka na munang lumabas hangga’t masakit pa yang ulo mo.” Inabutan nya ako ng tubig.     “Thanks ‘tol ha. Sorry na rin kasi nabawasan yung nasa closet mo.” Sabi ko bago ko inumin yung gamot.       “Wala yun. Hindi naman importante yung mga damit na yun. Mas importante ka pa rin no! Utol ata kita!!” at hinampas-hampas nya ang noo ko.     “Nananadya ka na ah!! Masakit nga di ba!! Binigyan mo pa ako ng gamot kung gagawin mo din yan!!” sinikmuraan ko sya tsaka ko ibinalik ang icebag sa noo ko.     “Chinecheck ko lang kung umepekto na yung gamot!! Di ka na mabiro. Umusod ka nga dun!” Tumabi sya sa’kin.     “Wag mo na akong bantayan! Babalik naman ako sa trabaho. Iaadvance ko lang yung break ko! Sige na, lumabas ka na dun!” itinutulak ko sya palabas.     “Eh kasi baka makatulog ka dito. Masama yun, wag ka munang matutulog.” At idiniin nya ang icebag sa noo ko.     “FEIFFER!!!!!” malakas kong sigaw sa kanya.     “Sinisigurado ko lang na hindi ka matutulog. Sige na, babalik na ako sa trabaho. Magpahinga ka muna dyan!” At lumabas na sya.   Bigla kong napagsisihan ang ginawa ko. Iba talaga ang nagagawa ng galit. Kapag galit ka kusang kumikilos ang katawan mo at nawawalan ka pa ng pakiramdam. Pero kapag nahimasmasan ka wala na, tsaka mo mararamdaman ang lahat ng sakit. Nasa huli talaga ang pagsisisi.     Sana lang hindi ko na ulit makita ang antipatikong Slovis na yun. Dahil baka sa susunod, hindi lang ‘to ang magawa ko sa kanya. Tatandaan ko na hindi lahat ng gwapo at macho ay gentleman! Sinayang nya ang mga pagtitig ko kanina. Wala syang kwenta!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.6K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook