bc

The Widow Who Captured a CEO's Heart

book_age18+
37
FOLLOW
1K
READ
drama
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Dalawang beses nang nawalan ng minamahal si Ayah. 

Una, noong pumanaw ang kababata nya na naging nobyo niya ng dalawang taon, labis ang dalamhati nya rito dahil kasa kasama nya na ito mula pagkabata, dahil hindi lamang nya ito basta nobyo kundi kaibigan din. Apat na taon bago siya muling naglakas loob magbukas ng puso, hanggang sa ibinigay niya ito sa katrabahong matiyagang nanligaw sa kanya. Ilang taon silang naging magkasintahan, at sa ikatlong taon ay ikinasal sila. Akala niya ay iyon na ang panghabambuhay na ligaya. Ngunit makalipas lamang ang tatlong araw ng kanilang pag-iisang dibdib, binawi ng malagim na aksidente ang buhay ng kanyang asawang si Tristan. 

Dahil sa pangyayaring ito ay Tinawag siyang malas. Nilayuan ng mga kaibigan at kung may natira man ay mabibilang iyon sa daliro. At sa bigat ng kanyang tadhana, mas pinili niyang mamuhay nang mag isa. Hanggang sa gabing tinulungan niya si Pierre, isang estranghero na kanilang naging customer, lasing ito at halos hindi makahinga. 

 Dahil sa busilak niyang pagtulong, ay binalikan sya ng lalaki kinabukasan. Ngunit Hindi inaasahan ng Binata ang kanyang dadatnan noong sumunod na gabi, nang malaman at Maabutan ang tangkang paglapastangan ng isang kilalang tao sa babae. Matapos ang Ang pangyayarin iyon ay pinahanap siya ng lalaki at binigyan ng pagkakataong magtrabaho sa kanyang kumpanya. Maayos ang naging takbo ng buhay ni Ayah. Malaki ang kanyang pasasalamat sa lalaking estrangherong ito.

Ngunit habang tumatagal, nahulog ang CEO sa kanyang busilak na puso at siya naman ay unti-unting nahuhulog din dito. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Takot siyang magmahal muli. Natatakot siyang baka magaya si Pierre sa mga nauna nyang minahal, na baka maging malas din ito kapag tinugon niya ang pagmamahal nito.

Ngunit Paano kapag binunyag ng tadhana ang isang mas masakit na katotohanan? Isang pangyayaring may Kaugnayan sa Pagkamatay ni Tristan?

 Sa pagitan ng pagkakasala, takot, at pag-ibig,may pag-asa pa kaya para sa kanilang dalawa? O sadyang itinadhana silang saktan ang isa't isa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 "BYUDA"
3RD PERSON Abala ang May bahay na si Ayah sa pag hahanda ng kanilang hapunan, Ikatlong araw na nilang kasal ng kanyang asawang si Tristan. Dahil bagong kasal sila ay pinayagan sila na mag leave pa ng one week para sa kanilang honeymoon. Noong unang gabi hangang kahapon lamang sila nag check in sa isang resort, nag enjoy lamang sila sa magandang view. Nagtatawanan na lamang sila dahil sa dami ng araw ay sila lamang ata ang hindi makaka sunod sa Honeymoon ng same day dahil sumabay iyon sa kanyang buwanang dalaw. Kaya naman nagtatawanan sila ng kanyang asawa dahil kailangan pa nitong maghintay ng ilang araw. Bilang isang dalagang lumaki na may takot sa Diyos ay pinangako nya sa sarili na ibibigay nya lamang ito sa lalaking kanyang pakakasalan kaya naman talagang maipagmamalaki nya sa kanyang asawang si Tristan na ito ang makakauna sa kanya. Bandang Alas kwatro ay nagpaalam si Tristan sa kanya, ang sabi nito ay meron lamang itong pi pickupin sa Bayan kaya naman pinayagan nya ito lulan ng motor nito. Bandang Ala sais ay tumawag pa ito sa kanya at nagsabi na pabalik na. Dumaan lang daw ito saglit sa isang flowershop, Habang sya naman ay masayang nagluluto habang hinihintay ang pagbabalik ng asawa. Biglang bumagsak ang malakas na ulan. Pasado alas syete na ngunit hindi pa nakakarating si Tristan. Nakaramdam sya ng pag aalala. Sinubukan nyang i text ito ngunit hindi pa ito nag rereply. Hangang sa makatangap sya ng isang tawag na nagpayanig sa kanyang buong katawan. "Mam, kayo po ba ang asawa ni Sir Tristan? Maari ho ba kayong pumunta dito sa Hospital?" anya ng lalaki sa kabilang linya. "Opo ako ang asawa nya, a..ano pong nangyari sa asawa ko?" Nauutal nitong tanong. "Sorry Mam, nasangkot ho ang asawa ninyo sa isang aksidente, mabuti pa ho na pumunta na lamang kayo dito sa St.Mark Hospital." Pagkasabi noon ay tila napaupo na lamang si Ayah, tila nawalan sya ng lakas, namanhid ang kanyang buong katawan. Pinilit nyang ihakbang ang sariling mga Paa, kailangan sya ng asawa nya, kailangan nyang puntahan ito. Palabas na sya ng pinto ng makasalubong nya ang kaibigan nyang si Rosel na humahangos. "Ayah, alam mo na ba ang nangyari kay Tristan? Halika na puntahan natin sya." wika nya saka ito inakay. Mabuti na lamang at may tricycle na itong sinakyan kaya naman dire diretso na ang mga ito sa Hospital. Halos manlumo ang dalaga ng madaanan nila ang lugar kung saan nangyari ang aksidente. Isang Kotse, isang Van at ang Motor ni Tristan ang sangkot. Wasak na wasak ang motor ni Tristan. Wala na ang mga sangkot sa aksidente pero naroon pa ang mga sasakyan habang meron ding mga pulis. Dali dali silang pumasok sa Hospital, may police din na naroroon sa may labas, habang sila naman ay diretso sa emergency room. Halos manlumo si Ayah ng makita si Tristan, habang pina pump ito ng mga Nurse at Doctor. "Tristan.. Tristan lumaban ka! Nurse, Hwag nyong sukuan ang asawa ko please!" sigaw ni Ayah. Sinubukan ulit nila itong i pump ngunit tila hirap na ito. kaya agad tinakbo ni Ayah ang asawa kahit na bawal. "Tristan,, Si Ayah ito, Lumaban ka Mahal please? Hwag mo naman akong iwan, nag promise tayo sa isat isa diba. Lumaban ka Tristan Please." anya nito sa naghihingalong asawa. Pikit na si Tristan ngunit pinilit nito na magmulat kahit konti para masilayan sa huling pag kakataon ang asawa. Gusto nito magsalita ngunit hindi na nito kaya, kaya dinala ni Ayah ang kamay nito sa kanyang mukha. Marahan iyong hinaplos ni Tristan saka bahagyang ngumiti kahit hirap ang kalagayan. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng luha nito sa mata, sabay ng pagpikit ng mga mata nito. At sa sandaling iyon bumalot na naman ang takot kay Ayah, Ang takot na naiwan na naman sya ng taong kanyang minamahal, Kinuha na naman ito sa kanya. AYAH Napabaligwas ako ng bangon. Nananaginip na naman ako, Umupo ako saka pinagtabi ang aking binti at pinagsalikop iyon kasama ng aking braso na yakap ang sarili. It's been a year magmula ng iwan ako ni Tristan,nakapagbabang luksa na kami sa kanya Last month pero yung sakit e Para bang kahapon lang ang lahat. Napapanaginipan ko na naman sya. Binalot na naman ng lungkot ang paligid, Ang tahimik na apat na sulok ng aking silid. Napatingin ako sa orasan. Alad dos pa lamang ng madaling Araw ngunit nagising na naman ako ng isang panaginip. Kinuha ko ang larawan noong kasal namin ni Tristan. Napakasaya pa ng ngiti namin doon." "Tristan Mahal, kumusta ka? Dinalaw mo na naman ako sa panaginip ko. Kung sana andito ka pa, sana ganito parin yung ngiti natin. Kaso wala ka na, kaya ako na lang mag isa, pero hindi na ako makangiti na tulad ng dati, Hindi na ako makangiti katulad noong kasama pa kita." Aking sabi kasunod ng pag agos ng aking mga luha. Sariwa parin kasi sa ala ala ko ang nangyari sa kanya. May mga araw talaga na naaalala ko parin sya. Lumipat na ako ng bagong apartment para naman mabago ang ambiance. Pero di pa rin sya mawaglit sa isip ko. Nanalangin ako at dumalangin na bigyan ako ng lakas at kapayapaan sa araw araw. Alam ko na hindi din magugustuhan ni Tristan kung magpapaka lugmok ako. Dahil sya mismo ang nag lift up sa akin noong panahong nangungulila ako sa pagkamatay ni Jelo. Tama kayo, Dalawang lalaki na ang naging ka relasyon ko at pareho silang namatay ng maaga. Ang nobyo kong si Jelo ay aksidenteng napag tripan sa dinaluhang sayawan noong nagbakasyon sya sa Probinsya nila. Umalis syang malakas ngunit bumalik sya ng Maynila na isa ng malamig na labi. Ang tagal kong naka move on sa pagkamatay nya, Dahil hindi ko lamang sya basta Nobyo, Kundi isa rin sya sa Kababata at kaibigan na una kong nakilala dito. At ang sumunod naman ay ang aking asawang si Tristan, Kakakasal palang namin, ngunit sa ikatlong araw ay kinuha din agad sa akin. Hindi ko masisisi ang ibang tao na unti unting lumalayo sa akin. Para sa kanila may kakabit daw ako na malas. Maging Ang ilan sa Pamilya ni Tristan ay halos matahin ako. Dahil ako daw ang may kakabit na malas kaya namatay si Tristan. Pero ganon pa man mas pinili ko ang manahimik. Ayaw ko na pumatol pa. Pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako itinakwil ng mga magulang ni Tristan na si Nanay Puring at Tatay Abeng. Naaawa din ako sa kanila dahil pareho na silang Senior Citizen. Kaya naman kapag may Libre akong araw ay dinadalaw ko ang mga ito sa Bukid. Ibinibigay nila sa akin ng Buo ang perang galing sa Areglo sa pagkamatay ni Tristan. Labag man sa loob nila ay napilitan din silang makipag settle dahil wala din naman sila o kaming pera na malaki para magkaso. Masakit para sa akin dahil bilang asawa, wala akong magawa. Pero batay rin sa examination ay Napagalaman din na nakainom si Tristan kaya mas lalong di na lumaban sila Nanay Puring at Tatay Abeng. Sagot ng naka aksidente ang lahat ng Gastos sa Hospital hangang sa libing. At Nag bigay pa ito ng Limang daang libong piso para sa aming naulila. Ibinibigay iyon sa akin nila Nanay pero hindi ko iyon kayang tanggapin. Para sa akin walang kabayaran ang buhay ng asawa ko, pero ganon pa man sinabi ko kina Nanay na sila na ang bahala kung anong gusto nilang gawin sa pera. Pero dahil magaling humawak ng pera ang byanan ko, tinubos nila ang sakahan na napasanla ng matagal na panahon noong nag aaral pa lamang si Tristan. Kapag dumadalaw ako ay may mga dala din akong pasalubong para sa kanila at sa ibang pamangkin ni Tristan. Okay naman kami noon, pero noong mamatay si Tristan ay nag iba ang pakitungo sa akin ng Kanyang ibang mga kapatid, lalo na ni ate Diana. "Oh, Nay Tay, may bisita pala kayo? Wag nyo kalimutan magsaboy ng asin pagkaalis nyan ha, Alam nyo naman ang Malas, kailangan itinataboy!" Anya pa nito kaya natahimik na lamang ako. "Anak, pag pasensyahan mo na ang Ate Diana mo ha, ikaw ang mas may pang unawa. Sarado na kasi ang isip nyan." "Opo Nay, wala pong problema, ayos lang po." Sagot ko dito. "Salamat Anak, bagamat wala na si Tristan ay patuloy mo parin kaming dinadalaw ng Tatay Abeng mo." "Opo naman nay, wala naman po kaso iyon, kayo parin po ang pinakamamahal na mga magulang ni Tristan. Paano po nay, Tay, mauuna na po ako, sumaglit lang po talaga ako." "Sya sige Hija, mag iingat ka, kaawaan ka ng maykapal." Anya naman ni Tatay Abeng. Paalis na sana ako ng marinig ko si Ate Diana at ate Mira na nag uusap habang nakatingin sa akin. "Oh, Ayah, paalis ka na?" "opo ate, dumalaw lang po ako sandali kina Nanay." "Mabuti naman at pauwi ka na, mAtanda na sila Nanay ar Tatay para hawaan mo ng kamalasan kaya better na umuwi kana talaga, Saka balita ko sa Bar ka nag Tra Trabaho? Siguro isa ka sa mga Tume table ano? Kung sino sino na sigurong mga lalaki ang mga sinasamahan mo mula ng mamatay ang kapatid ko." Anya pa nito. "Ate, Waitress po ako, Pag minsan naman ho ay Kahera. Kaya saan nyo ho nakita na tume table ako sa kung sino sinong lalaki? Masyado naman ho kayong mapanghusga., Sige Ate Mira, mauuna na ho ako, baka kung ano pang maling chismis ang masagap ni Ate Diana." Anta ko dito saka naglakad. Pagkagaling ko sa kanila ay dumaan ako saglit sa bahay, Naligo at Nag Ayos. May Duty kasi ako sa trabaho mamaya. Wala na ako sa dati naming trabaho ni Tristan. After 2 months kasi after mamatay ni Tristan ay na bankrupt na ang kompanya. Di lang pala sa amin sinasabi ng boss namin dahil umaasa ito na maisasalba nya. Pero tulad ng mga Company na nalulugi ay tuluyan din ito nagsara. Hindi naman kasi kalakihan ang Fabrication na pinag tra trabahuhan namin. Kung saan dati akong Office Staff at Operator naman si Tristan. Kahit lugi na ang company ay binigyan parin kami ng aming boss ng Last Pay na umabot din sa Tatlumpong libong piso na syang itinabi ko muna sa bangko. Sa ngayon ay Isa akong Waitress dito sa Bar. Ipinasok ako dito ng kaibigan kong si Rosel. Sa panahon ngayon ay napakahirap humanap ng trabaho kaya pinatos ko na muna ang trabahong ito. Ayos din naman ang sahod kesa matengga ako sa bahay. Ngayon ay 6pm to 2am ang aking shift kaya naman maaga akong nag asikaso. Isa akong Waitress sa JL's Lounge. Hindi lamang ito basta bastang Bar dahil may mga Kaya din ang napunta dito. Nahati ito sa dalawa. Ang J Hall ay isang malaking room kung saan naroroon ang mga DJ, kung nais mong mag party party ay doon ang tamang lugar aa J Hall. Ngunit kung meron kang business meet ups while chilling ay para naman sayo ang L Hall. Karamiham na napunta sa L Hall ay mga professional na Customer. Dito sila umiinom pero parang trabaho parin ang pinag uusapan. Hindi gaya sa J Hall na party people ang mga naroroon. Bilang isang Waitress minsan ay pareho akong nauutusan sa Dalawang Hall. Pero madalas ay sa L Hall ako naka assign. Ok lang din naman dito dahil di ganon ka crowded ang tao, Walang masyadong ingay. Musika na relax sa tainga ang maririnig mo rito. Bukod sa dalawang Hall ay meron din kami ditong VIP Room. Ilang beses narin akong nakapag hatis ng order sa VIP Room. Buti na lang at wala pa naman akong na e encounter dito na tulad noong sa mga palabas. Nang makarating ako sa Bar ay meron pa akong 20 minuto bago sumapit ang oras ko doon, dahil tapos na rin ako mag re touch ay mas pinili ko na lamang din na mag punas punas sa counter at mga table. "Hi Ayah, may 20 minuto ka pa ah, hayaan mo na muna yan." anya ni Lori sa akin, Isa sa mga ka trabaho ko doon." "Ok lang Lorie, wala na rin naman akong gagawin kaya punas punas nalang muna. "Okay, ako nag aayos na para mag out, wala naman masyado customer kanina. Tamang tama birthday kasi ng anak ko. Sayang din naman kasi kung a absent ako kanina, wala parin naman tayong sahod, kaya balak naming mag asawa igala nalang muna namin sya sa jollibee mamaya, sa sabado nalang kami maghahanda ng kaunti, punta kayo ha." aya nito sa akin. "Sige Lorie, yayayain ko si Rosel kapag may libreng oras, birthday pala ng anak mo, Happy Birthday sa kanya, heto idagdag mo sa pangkain nya sa Jollibee." wika ko saka nag abot ng tatlong daang piso. "Naku salamat Ayah, itatabi ko ito, ipandadagdag ko na lamang ito sa pinapabili nyang Bike." anya naman ni Lorie. Maya maya lamang ay nagpaalam na rin sya. Bandang Alas Otso nang magsimula na dumagsa ang mga tao. Pumunta ako sa J Hall dahil may pinahatid na order si Mam Vana, Halos manlaki ang mga Mata ko, ang dami na agad customer doon at halos mga kabataan, mga edad 18 to 20, sa bagay Byernes nga pala ngayon kaya talagang Party Party sila. Matapos kong madala ang order doon ay nakabalik din naman ako agad. Pagbalik ko sa L Hall ay sunod sunod na rin pala ang customer doon, Kung kanina ay iilan lamang ang tao, ngayon naman ay unti unti na rin napunan ang mga pwesto nito. Hangang sa mapukaw ang atensyon ko sa isang Grupo. Tatlong Babae at Tatlong lalaki. Halata mo sa mga ito na hindi ito mga basta bastang customer lang. Abala ako may counter dahil nag banyo si Mam Vana nang mapatingin ako sa Table kung nasaan ang grupo, ngunit hindi ko inaasahan na mag tatama ang paningin namin ng isa sa mga lalaki na naroroon. Hindi ko alam ngunit tila kumakalabog ang dibdib ko. Nagbawi ako ng tingin saka muli tumingin sa Monitor. Ganon ba talaga tumitig ang mga Mayayaman? Tanong ko sa aking sarili at tinuon na lamang ang isip sa ginagawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
857.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
393.3K
bc

Not just, the Beta

read
366.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook