Chapter 3

1079 Words
“Give me your phone number,” he said. Agad ko namang inabot ang cellphone number niya at inilagay sa contacts niya ang cellphone number ko. Medyo pagod pa ako sa ginawa niya sa akin dahil hindi niya ako tinigilang haplusin nang paulit-ulit. Halos mahimatay na nga ako kasisigaw. Mabuti na lamang at tumigil na siya. Pagtingin ko sa oras ng kaniyang cellphone ay halos mapasigaw ako. Isang oras na pala ang lumipas na hindi ko man lang namamalayan. “I’ll call you later. Mamaya na natin ituloy. You still need to eat and attend your class today,” sambit niya nang maibigay ko ang kaniyang cellphone. “Hindi pa tapos?” nanghihina kong tanong. Agad naman niyang hinawakan ang bewang ko at inilapit ang kaniyang mukha sa aking leeg. Nakaupo pa rin ako sa kaniyang desk ngunit wala na akong kahit anong suot. Hindi kagaya kay sir na kumpleto pa rin. “Not yet. Warm up pa lang ito, Montenegro,” bulong niya bago dilaan ang aking leeg. Nagsimula naman siyang haplusin ang aking bewang. Pakiramdam ko ay ang lagkit ko dahil kahit malamig dito sa kaniyang office ay pinagpapawisan pa rin ako pero imbis na mandiri sa akin si sir, mas lalong hindi ako tinantanan. Marami rin akong pulang marka ngayon sa bandang dib.dib ko dahil sa kagagawan ni sir. Hindi naman ako umangal dahil nagustuhan ko rin naman. “Just text me your location later. Pupuntahan na lang kita roon,” bilin niya sa akin nang makapag-ayos ako ng aking sarili. Tinulungan nga rin niya akong magsuot ng aking damit kanina ngunit pasimple pa ring hinahampas ang pang-upo ko. Ganito ba talaga si sir? “Ang tagal mo! Ano ang pinag-usapan niyo ni sir?” tanong sa akin ni Mirella nang makarating ako sa parking lot. I cleared my throat and smiled at her. Hindi puwedeng magkaroon ng ibang emosyon ang mukha ko. Hindi ko dapat ipahalata na may ibang nangyari at dapat hindi ako defensive. “Wala naman. Pinag-check lang ako ni sir ng activities natin dahil hindi kaya ng time niya at marami siyang ginagawa.” Binuksan ko ang driver seat ng aking sasakyan at binuksan ang lock ng mga pinto. Pagpasok ni Mirella sa passenger seat ay agad kong binuhay ang makina. “Kanina ka pa ba naghihintay? Isang oras din iyon.” “Sakto lang. Nakipag-usap pa ako sa mga kaklase natin kanina,” sambit niya kaya naman napatango ako. “Saan tayo kakain ngayon?” tanong ko habang nagmamaneho. “Coffee Shop tayo. Trip kong humigop nang malamig na kape ngayon tapos parang nagki-crave ako sa matamis na pagkain,” wika niya. “Ganda naman ng cravings mo. Cravings ng buntis,” biro ko at napailing na lang. “Sira! Ano bang pinagsasabi mo?” pabulyaw na tanong niya kaya sinulyapan ko siya. Ngunit mukha siyang balisa kaya napataas ang kilay ko bago tumingin ulit sa kalsada. Anong nangyari sa babaeng ito? Masyadong kabado. Pagkatapos ng klase ay agad kong hinatid si Mirella sa kaniyang condo. Inaantok na raw siya at nagpasuyo sa akin na ihatid siya. Nakakaantok rin kasi ang last subject namin kanina at hindi ko rin siya masisisi. Imbis na dumiretso ako sa isang restaurant para kumain sana, bigla akong natigilan nang maalala kong magkikita pala kami ngayon ni sir. “Itutuloy ko ba?” bulong ko habang nagmamaneho. Hindi naman siguro maaalala ni sir ang ibinilin niya sa akin, hindi ba? Habang binabaybay ko ang daan pabalik sa aking condo ay biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla naman akong kinabahan nang masilip kong unregistered number ang nakalagay. “Hindi naman siguro si sir ang tumatawag, hindi ba?” pangungumbinsi ko sa sarili ko habang tumutunog ang cellphone ko. Nang makarating ako sa parking lot ng hotel na kung saan nandoon ang condo ko ay agad kong sinagot ang tawag habang pina-park ang sasakyan ko. “Hello?” sambit ko habang kinukuha ang gamit ko. Kinuha ko naman ang susi ng kotse ko at tinanggal ang seatbelt saka lumabas ng aking sasakyan. “Where are you?” tanong niya sa akin gamit ang mababang boses. Nagsimula akong kabahan nang marinig ko ang pamilyar na boses na nakapagbigay ng kung anong pakiramdam sa aking puso. “S-sa hotel,” pabulong na sagot ko at bahagyang napasandal sa aking sasakyan. “Uh-huh? Maraming Hotel, Montenegro. Anong hotel iyan?” tanong nito sa akin na parang nagtitimpi. “A five-star hotel near the University,” I whispered. “Oh? My friend’s hotel,” sambit niya kaya nagulat ako. Sa kaibigan niya itong hotel na ito? Hindi ako aware sa mga sikat at kilalang businessman sa ngayon dahil magsisimula pa ang training ko kay Daddy sa darating na bakasyon. “Do you have a condo there? What room?” “309B,” I uttered. Narinig ko naman siyang natawa saglit. “Alright. Wait for me, Montenegro.” Nang mamatay ang tawag ay parang natuod ako sa aking puwesto. Hindi ko alam kung bakit kusa kong sinabi kung saan ang condo ko at kung ano ang room. Lutang akong naglalakad hanggang sa marating ko ang aking room. Anytime ay nandito na siya. Magpapakita ba ako sa kaniya? Pero sigurado akong hindi niya ako palalagpasin kapag nasa office niya ako. Pagpasok ko sa aking kuwarto ay agad kong inilagay ang aking mga gamit sa aking kama at agad akong nagpalit ng damit. “Wala naman sigurong mangyayari sa amin,” pangumgumbisi ko sa aking sarili. Habang nasa kusina ako at nagluluto ng makakain ko, biglang tumunog ang doorbell. Hindi kasi nila kaagad mabubuksan ang room ko kaagad dahil may passcode. Agad akong nagtungo sa main door para silipin sa camera kung sino ang nasa labas ng room ko. Bumungad sa akin ang magulong buhok at kuwelyo ni sir na para bang nanggaling sa away. Ang suot niya kanina ay iyon pa rin. Halatang hindi na nag-abalang pumunta sa kaniyang bahay o condo at dumiretso na agad dito. Kusa akong napalunok habang tinitingnan ang seryoso niyang mukha na naiinip na. Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto pero nagulat ako nang bigla siyang pumasok at isinara kaagad ang pinto. Ang kaniyang matigas na braso ay pumulupot agad sa aking bewang saka inilipat sa kaniya. “Wait, nagluluto pa ako sa kusina,” sambit ko dahil nag-air fry ako ng chicken na na-marinate ko na noong isang araw pa. “Then we will do it in your kitchen,” he whispered before claiming my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD