KIRA'S POV:
NATULALA akong hindi nakakilos sa kinauupuan na halos higupin na nito ang mga labi ko! Dama ko ang pangangapal ng mga labi ko sa diin niyang sumipsip na marahang kinakagat-kagat pa ang ibabang labi ko at ni hindi nahihiya na may ibang mga taong nakakakita sa amin!
It was the first time that someone's kiss me on my lips! At sa public place pa talaga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung itutulak ko ba siya? Sasampalin? O tutugon sa halik niya. Pero sa huli, wala akong nagawa sa mga iyon. Hanggang sa kusa na nitong bitawan ang mga labi kong nangangapal na sa pusok niyang humalik!
Napangisi pa ito na napababa ng tingin sa nakaawang kong mga labi at damang basang-basa dahil sa halik niya. Napahaplos ito ng hinlalaki sa ibabang labi ko na napakagat pa ng kanyang ibabang labi. Napalunok ako na ikinabalik ng paningin niya sa mga mata ko at para akong malulusaw sa mapupungay niyang mga mata.
“You look so shocked. You didn't even respond my kiss. Is this your first time?” he sensually asked na parang nilalandi niya ako.
Nag-init ang mukha ko na napaiwas ng tingin ditong mahinang natawa at napailing.
“Fvck. I can't believe it. No wonder. Your lips tasted so sweet and fresh. Is this mean. . . you're a virgin?” muling tanong nito na lalong ikinainit ng mukha ko!
Napangisi ito na napahagod ng tingin sa kabuoan ko na napatango-tango pa. Napalunok ito na mapasulyap sa dibdib ko at kita ang pagdaan ng pagnanasa sa mga mata nito.
“Uhm, one more, please?” baling ko sa bartender na ngumiting tumango at pinagsalin akong muli ng shot ko.
“Ito po, ma'am.” Magalang saad nito na maingat inilapag sa harapan ko ang nasa limang baso ng shot ko.
“Thanks,” aniko na inabot ang isa at inisang lagok na ikinangiwi ko.
“Easy, baby. Mukhang hindi ka pa naman sanay uminom,” wika pa nito na makitang halos malukot ang mukha ko at maduwal sa ininom.
“Tss. My name is Kira. Not baby,” kunwari'y ismid ko dito na napangisi lalo.
“I know. But I prefer to call you baby. Because you–are my baby,” saad nito na napakalambing ng pagkakasabi.
Naiiling naman akong muling tinungga ang shot ko kahit dama ko na ang epekto ng alcohol sa katawan ko. Nagsisimula na kasing uminit ang pakiramdam ko. Na parang tumatapang o lumalakas na ang loob ko.
“How much, kuya?” tanong ko sa bartender na inisang lagok ang huling shot ko.
“Wait–are you leaving now?” bulalas nito na pinigilan ako sa braso.
“Yeah. Wala kasi akong kasama at mahirap nang malasing ako,” sagot ko na akmang magbabayad sa bartender pero pinigilan ako nito na iniabot ang gold card nito.
Tumango naman ang bartender na ibinawas dito ang mga in-order ko. Inalalayan pa ako nitong makababa ng high chair na yumapos ang isang braso sa baywang ko.
“S-sandali, what are you doing?” utal kong pigil dito na inabot na ang card at inakay ako palabas ng Bar!
“Ihatid ka. Bakit? Bawal ba? May magagalit?” sunod-sunod nitong tanong.
Naigala ko ang paningin na hinahanap si Marco dito sa loob pero dahil dim light ang ilaw, hindi ko makita ito.
“Let's go,” bulong nito na inakay na ako palabas ng Bar.
Kabado ako lalo na't wala naman ito sa plano namin ni Marco. Ang plano lang namin ay makipagkilala ako kay River at siguraduhing makukuha ang attention nito. Kahit wala pa akong karanasan sa s*x ay hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi mahimigan na posibleng may mamagitan sa amin! At hindi pa ako handa para doon.
Pagdating namin sa labas ng Bar, may hinugot ito sa bulsa at pinatunog ang kotse nito sa malapit. Umilaw at tumunog iyon na inakay niya ako sa gawi ng kotse. Alam ko namang bilyonaryo sila. Pero hindi ko mapigilang mapaawang ng labi na masilayan sa malapitan ang red Ferrari roadster nito automatic bumukas ang pinto!
“Hop in, baby.” Pabulong nito na inalalayan akong pumasok ng kanyang ferrari!
Namimilog ang mga mata ko sa gulat at hindi makakilos na makasakay ako sa gan'to kagarang kotse! Natawa naman ito na makita ang reaction ko at nag-smack kiss pa sa mga labi kong ikinakurap-kurap ko.
“You okay?” tanong nito na ikinatango ko. “Good.” Anito na ikinabit pa ang seatbelt ko bago marahang isinarado ang pinto.
Napabuga ako ng hangin na naigala ang paningin sa loob ng kotse nito. Dama kong kay bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko. Napaka-manly ng amoy dito sa loob at ang sarap sa pang-amoy singhutin ang car freshener nito. Naupo ito sa driver side na nagsuot din ng seatbelt bago pinaharurut ang kotse sa daan.
“S-saan tayo pupunta?” utal kong tanong dito na sumilay ang pilyong ngiting nilingon.
“To heaven?” patanong sagot nito na ikinainit ng mukha ko na makuha ang ibig nito.
“S-s*x agad? Hindi pa nga tayo magkakilala ng lubos e. Don't get me wrong, River. M-mahalaga ang virginity ko sa akin. Hindi naman kita boyfriend, ‘di ba?” sagot ko dito na napanguso.
“Hindi pa ba? Akala ko tayo na,” saad nito na nilingon pa ako.
“Tayo na? E hindi ka pa nga nanliligaw e. Saka, kakikilala lang natin kanina. You only know my name. But not who am I. Gan'on din ako sa'yo. Pangalan mo lang ang alam ko. Alam mo ‘yon. Hindi kasi ako gan'ong babae katulad sa iniisip mo,” wika ko at alam ko na kung saan kami hahantong!
Tiyak na kung hindi ako aalma, may mamamagitan sa amin ngayong gabi! Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil kailangan kong mapalapit sa kanya. Lumalim ang relasyon naming dalawa. Nang sa gano'n ay madala niya ako sa mansion nila at makaharap ko. . . ang traydor kong ina.
“Bakit, nababasa mo ba ang mga tumatakbo sa isipan ko, hmm? Are you sure that I look at you, as a b***h?” tanong nito na ikinabalik ng ulirat kong napalingon dito.
“Hindi nga ba?” balik tanong ko dito.
“Nope.” Agarang sagot nitong lihim kong ikinangiti.
“E. . . saan tayo pupunta?” tanong ko pa at napapalayo na kami.
Hindi ko pa naman maitext si Marco para maipaalam sa kanya kung nasaan ako. Sa bilis magmaneho ni River, tiyak na hindi na kami nasundan ni Marco na halos mag-overtake ito sa lahat ng kasabayan namin sa daan.
“Ikaw. Saan mo ba gustong pumunta?” balik tanong nito.
“Uuwi?” patanong sagot kong ikinatawa nito.
“Later, baby. Ihahatid naman kita so you have nothing to worry about. Pero–” anito na nilingon ako.
Napakurap-kurap naman akong nakamata dito na hinihintay ang sasabihin niya.
“Date muna tayo. You know. Mahaba pa ang gabi. Masarap magkwentuhan para mas magkakilala tayo,” sagot nito.
Napatitig ako dito. Ilang araw lang nang maghiwalay sila sa current girlfriend nito na inagaw ni Marco. Pero heto at magiliw siyang nakikipag-usap sa akin. Na handang makipagkilala kahit brokenhearted ito. Hindi kaya, hindi niya talaga mahal ang girlfriend niya kaya gan'to siya kabilis mag-move-on? O ginagamit niya lang akong rebound para makalimot sa sakit na hatid ng ex girlfriend niya.
“What's wrong?” tanong nito na nilingon ako saglit.
Napatikhim ako na nag-iwas ng tingin ditong bumaling muli sa harapan.
“Wala, ahem!” aniko na pasulyap-sulyap pa rin ito sa akin na tila naghihintay ng sagot ko. “Ang gwapo mo lang kasi.”
Natawa naman ito na napatango-tango. Napapapilantik ako ng mga daliri na bumaling na sa labas ng bintana ang paningin para ikubli ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.
“Masasanay ka rin, baby. Baka nga mamaya e. . . magsawa ka bigla. Nakaka-trauma kasi ‘yong alam mo ‘yon,?” anito na ikinalingon ko ditong napanguso. “Yong okay tayo ngayon. Masaya tayo. Pero bukas paggising ko. . . biglang nagbago na ang nararamdaman mo sa akin. Hindi ko alam kung may mali ba sa akin? O sadyang hindi lang makuntento.”
Napalunok ako na mahimigan ang pinupunto nito. Ang girlfriend niya na inagaw ni Marco.
“Ahem! Ako pa ba ‘yan? O ibang babae ang tinutukoy mo?” pasimpleng tanong ko para subukin kung magkakaila ito o magtatapat sa akin.
Napabuga ito ng hangin na ipinarada ang kotse sa harapan ng isang villa. Hindi ko napansin na pumasok na pala kami sa isang exclusive subdivision. Napalunok ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! Kung bakit naman kasi nagpatangay ako dito e. Ni hindi ko siya kilala personally. Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya para sa sarili kong interes. Lalake siya. Anong laban ko sa kanya kung pwersahin niya ako dito? Or worst, paano kung matapos niya akong pagsawaan. . . ay itutumba niya ako at ilibing dito?!
Kinilabutan ako sa mga tumatakbo sa isipan ko lalo na't walang ibang tao dito sa villa na pinasukan namin. Malawak ang lugar at matataas ang mga bakod. May dalawang guard naman sa gate na nagbabantay. Pero maliban sa kanila, wala na akong ibang taong nakikita dito.
Nauna itong bumaba na nagtungo sa gawi ko at pinagbuksan pa ako ng pinto. Kabado man, nagtanggal na ako ng seatbelt na inabot ang kamay nito at bumaba sa kanyang kotse. Dama ko namang matiim itong nakatitig sa akin na tila binabasa niya ang mga tumatakbo sa isipan ko.
“Are you okay?” tanong nito.
“Ha?”
Napatitig ako dito na matiim pa ring nakatitig sa akin. Hindi ko naman mabasaan ng emosyon ang mga mata nito. Mahirap mahinulaan kung anong tumatakbo sa isipan niya.
“You look scarred, Kira. Natatakot ka ba sa akin?” diretsong tanong nito na ikinalunok ko.
“R-river, kinakabahan kasi ako,” pag-amin kong ikinangiti nito na humawak sa magkabilaang braso ko at bahagyang yumuko para mapantayan ako.
Napapalunok ako na mapatitig sa mga mata nitong mapupungay at tila nangungusap ang itsura.
“Bakit? Tingin mo ba masamang tao ako, Kira?” seryosong tanong nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko.
“H-hindi naman sa gano'n. Maiintindihan mo naman ako, ‘di ba? Babae ako at bagong magkakilala pa lang tayo,” mahinang sagot ko.
Napanguso pa ito na napahingang malalim na tumango-tango.
“Yeah. I understand,” mababang saad nito. “I'm sorry if you feel uncomfortable that I'd bring you here. Honestly, this place is special to me. This is my mom's villa. Hindi pa ako nagdadala ng ibang tao dito. Ikaw pa lang,” wika nito na tumuwid ng tayo.
Napipilan ako na naigala ang paningin sa bahay. Hindi naman ito kalakihan. Pero dito sa harapan, puno ng iba’t-ibang uri ng mga imported na bulaklak. Napakaganda nitong pagmasdan na may landscape pang pinasadya.
“Sorry din, River. Uhm, nasaan ba ang mommy mo?” pasimpleng tanong ko dito na naglahad ng kamay.
Kahit paano ay naibsan na ang kaba sa dibdib ko na inabot ang kamay nitong inakay ako papasok ng bahay.
“Well, my mom's passed away. Bata pa lang ako nang mamatay na si mommy. Nagkasakit siya at kalauna'y hindi na kinaya ng gamot ang pagpapahaba sa buhay niya. If I'm not mistaken. I'm only eight or nine years old when she died. Dito sa villa na ‘to umikot ang masasayang araw namin nila mommy at daddy. Kaya naman pinapahalagaan ko ito at iniingatan. Sa villa na 'to naging makulay, maingay at masaya ang buhay ko. Dahil dito ko nakasama ang mga magulang ko,” pagkukwento nito habang papasok kami ng bahay.
“You mean, lumipat na kayo ng tirahan magmula nang mamatay ang mom mo?” tanong kong ikinatango nito na inakay ako sa sala.
Napalunok ako na makita ang mga naka-display nilang family pictures dito sa sala na naka-hang sa wall. Napakasaya nilang tignan sa mga iyon. Napatitig ako sa larawan ng babaeng kasama ng mag-ama sa picture. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang kanyang ina.
Napakaganda nito at napakaamo ng kanyang maliit na mukha. Maputi siya na bumagay ang mahaba at unat niyang buhok. Hindi ko alam pero, parang kinukurot ang puso ko na mapatitig sa mukha ng babae.
“She's so beautiful,” wala sa sariling saad ko.
Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko na umangat sa frame na marahang napahaplos sa mukha ng babae kasabay ng pagtulo ng luha ko.
“Yeah. I agree.” Sagot nito.
Hindi ko alam pero. . . para akong pinipiga sa puso ko na hinahaplos ang mukha ng ina nito. Damang-dama ko ang kirot sa puso ko na hindi ko batid kung saan nanggagaling at para kanino.
“Bakit gan'to ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako na mapatitig sa kanya sa kaalamang. . . wala na siya,” usal ko na hindi mapigilang tumulo ang luha.
“Hey, what's wrong, baby?” nag-aalalang tanong nito na mapansing umiiyak akong nakamata sa mommy niya.
Umiling ako na hindi na napigilang mapahikbi. Niyakap naman ako nito na hinagod-hagod sa likurang ikinalakas ng hikbi ko.
“Bakit gan'to? Sino siya? Bakit. . . nasasaktan akong mapatitig sa kanya at malamang wala na siya?” usal ko na dama kong ikinatigil din nito.
“D-do you know her?” hirap nitong tanong na ikinailing ko.
“H-hindi ko siya kilala. It was the first time that I've saw her face. Pero. . . parang konektado siya sa puso ko.” Sagot ko na kumalas dito at nagpahid ng luhang bumaling muli sa larawan ng kanyang ina.
Dama kong matiim itong nakatitig sa akin na tila binabasa na naman niya ang mga tumatakbo sa isipan ko. Kusang umangat ang palad ko na napahaplos sa larawan nitong solo niya sa picture. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na mapatitig sa kanyang mga mata.
“Hello po, ma'am. I'm Kira. Your son's new friend. I'm happy to meet you po.” Saad ko na nakangiti dito.
Napatitig akong maigi sa mukha nito. Saka ko lang napansin. . . na may pagkakahawig ang aming mga mata! Napalunok ako na unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi kong napatitig ng maigi dito. Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan!
"What's her name?" tanong ko kay River na sa ina nito nakamata.
"Her name is Wilma Houghton Montero. She was only thirty when she passed away," sagot nito na ikinatigil kong nangunotnoo.
"Houghton? Saan ko ba narinig ang surename na 'yon?" piping usal ko na napapaisip.
Napapilig ako ng ulo na pilit inaalala kung saan ko narinig ang apelyedo nito noong dalaga pa siya. Napapikit ako na iniisip ang apelyedo nito hanggang sa maalala ko na kung saan ko iyon nakita!
Bumilis ang t***k ng puso ko na napatitig muli sa larawan nito! Ibang-iba ang kabog ng dibdib ko na mapatitig muli dito at mapansin ang malaking pagkakahawig nila. . . ni mommy Wena!
"Houghton. Tama. Houghton si mommy. . . noong dalaga pa siya!" piping usal ko na tumulo ang luha! "Magkamag-anak nga kaya sila ni mommy Wena? At bakit gan'to ang nadarama ko sa kanya? Na parang. . . parang napunan niya bigla ang malaking puwang sa puso ko na naghahanap ng kalinga. . . ng isang ina!”