Chapter 5

2117 Words
KIRA'S POV: TAHIMIK akong pinapakiramdaman ito. Nasa balcony kami ng villa na umiinom ng hot choco with cinnamon rolls na ito pa mismo ang gumawa kanina. Nasa malapit lang naman si Marco na naghihintay ng update ko. Nasundan pa rin kasi ako nito dahil sa GPS ng cellphone ko. Kaya madali lang nitong nalocate ang kinaroroonan ko. Kahit paano ay naging kampante na ang isip at puso ko na alam kong nasa paligid lang si Marco. "Anyway, baby. Would you mind if I ask you something personal?" tanong nito sa ilang minuto naming katahimikan. Tumango ako dito na pilit ngumiti. Ilang segundo pa ako nitong tinitigan bago nagsalita. "Wala ka namang. . . dini-date exclusively noh?" tanong nito habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. Natawa akong napailing. "Wala pa akong kinaka-date sa tanang buhay ko, River. Nakafocus ako sa pag-aaral at trabaho." Sagot kong ikinatango-tango nito. "Ikaw ba, nasaan ang parents mo? Kasama mo ba sila dito sa bansa?" tanong naman nito. Napahinga ako ng malalim na napadekwatro ng binti. Matiim lang naman itong nakatitig sa akin at magkaharap kaming nakaupo dito sa balcony ng bahay. "Wala na sila. Ang daddy ko, bata pa lang ako nang mamatay siya. Ang mommy ko naman," aniko na napabuga ng hangin. "Ang mommy ko, hindi ko na alam kung nasaan siya. She abandoned me when I was a kid. Pinangbayad niya ako ng utang ni daddy. Mabuti na lang. Mabait ang pamilyang kumuha sa akin. They treat me as one of them. Hindi alipin ang tingin nila sa akin kundi. . . parte ng pamilya nila." Pagkukwento ko. Napanguso naman itong matiim na nakatitig sa akin at nakikinig sa kwento ko. "Gusto mo bang mahanap ang mommy mo? Baka buhay pa siya." Alok pa nito. Pagak akong natawa na napailing. "No need, River. Matagal ko nang tanggap. . . na patay na ang mga magulang ko." Sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nahanap ko na ang magaling kong ina-inahan na umabandona sa akin noon at pinambayad ng utang ni daddy. Ang babaeng sumira sa buhay namin ng ama ko at iba pang taong nakapaligid sa amin. Kaya sisiguraduhin kong sa huli, malilinis ang pangalan ng daddy ko at magbabayad ang mga may kasalanan. Kung kinakailangan kong gamitin ang katawan ko para makuha ang hustisya para kay daddy Griffin, kay nanay Lourdes at para sa daddy Kenny ko na pinatay niya na walang kalaban-laban, gagawin ko. Naningkit ang mga mata ko na hindi ko maitago ang galit sa aking mga mata na naaalala ang taong umagrabyado sa amin. Na ngayo'y asawa na ng isang tycoon billionaire ng bansa. Pero kahit mataas na siya ngayon, aakyatin ko ang tore na kinaroroonan niya para singilin siya sa mga pagkakautang niya sa akin. Babalian ko siya ng pakpak at ibabagsak sa putikan kung saan siya dapat naroroon. "I understand if you're mad at her, Kira. Kung sa akin din nangyari ang nangyari sa'yo, kakalimutan ko na siya at iisipin na lang na patay na siya. Ang mahalaga naman ay lumaki kang maayos at may mabuting puso, hindi ba?" saad nito na pilit kong ikinangiti at marahang tumango. Napatitig ako dito. Tiyak akong nang mamatay na ang mommy niya, si mommy Brianna na ang naging stepmom niya. Kumusta naman kaya ang pagiging madrasta sa kanya nito? Inalagaan niya kaya si River? Minahal at tinanggap bilang anak? O naging malupit siya dito? "Why? What's wrong? Is there something on my face, baby?" nangingiting tanong nito na hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya ng ilang minuto. "Ahem!" napatikhim ako na tumuwid ng upo at sinalubong ang kanyang mga mata. "Ikaw ba? Maaga ring nawala ang mommy mo sa'yo. Ibig bang sabihin. . . lumaki kang walang ina sa tabi mo?" pasimpleng tanong ko dito. Napanguso naman ito na kitang nag-iba ang timpla ng mood. "Looks like you really don't know who am I." Wika nito na napabuntong hininga ng malalim. "Maaga nga akong naulila sa ina. Pero nag-asawa kaagad ang daddy e. May naging madrasta ako pero hindi na sila nagkaroon ng anak. Kaya solong anak ako. Kahit maaga akong naulila sa ina, may tao namang pinadala sa amin para gumabay sa amin lalo na sa akin. Si mommy Bria. She's so kind, decent and classy woman. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng pangalawang ina. Minahal niya ako at tinanggap kahit hindi ako nagmula sa kanya." Pagkukwento nito na lihim kong ikinaismid. "Mabait? Disente? Classy woman?" piping ulit ko sa isipan na parang masusuka. "Kung alam mo lang kung gaano kahaba ang sungay ng babaeng pinupuri mo ngayon, River." Napasimsim ako sa hot choco ko na pilit umaktong normal. Baka mamaya ay makahalata pa sa akin si River na alam ko kung sino ang madrasta nito. Alam kong masamang manggamit ng kapwa, pero kung ito lang ang paraan para mapabilis akong makarating sa kinaroroonan ng taong nagkakautang sa akin ng malaki, gagawin ko. Saka na ako hihingi ng tawad sa kanya. Kapag nasingil ko na ang taong dapat kong singilin. "Mukhang. . . mahal na mahal ka niya," wika ko. Tumango-tango naman ito na matamis na napangiti. "Yeah. She treat me like her own son. That's why. . . I treat her too as my own mother," sagot nito. Ilang minuto ulit kaming natahimik hanggang sa mag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple kong hinugot sa handbag ko at kaagad sinagot na mabasang si mommy Wena ang caller. "Hello, Mom?" bungad ko na hindi na umalis sa kinauupuan. "Hija, nasaan na kayo? Alam mo, may mga big-time costumers tayo ngayon. Hinahanap ka kasi e. Sayang naman kung aalis na sila. Makakahabol ba kayo dito ni Marco, hija?" tanong nito. Napasulyap ako sa wristwatch ko at kitang alasonse na ng gabi. "Uhm, hindi ko po alam kung nasaan si Marco, Mom. Pero pwede na po akong umuwi kung kailangan niyo ng makakasama," alibi ko at nakikinig si River. "Huh? Akala ko magkasama kayo ni Marco?" nagtatakang tanong nito. "Uhm, call him na lang po, Mom. Sige po pauwi na ako. Bye, Mom." Pamamaalam ko dito. "Bye, anak. Mag-iingat ka, okay?" paalala pa nito na ikinangiti ko. "Opo, Mom. Salamat." Pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko na ang linya at bumaling kay River. "Uhm, pasensiya ka na. As long as I want to know you more, tumatawag na kasi si mommy at hinahanap na ako sa bahay. I have to go," wika ko dito na ngumiting tumango. "Siya ba ang tinutukoy mong nagpalaki sa'yo?" tanong nito na sinabayan na akong tumayo. "Yeah. Siya nga. Utang na loob ko sa kanila ang lahat. Kung ano at sino ako ngayon. Kaya hangga't maaari ay ayokong maging sakit ng ulo ni mommy," sagot ko ditong napatango-tango na inakay na akong bumaba ng bahay. "Magkikita pa naman tayo, 'di ba?" tanong pa nito habang patungo kami sa Ferrari nito. "Oo naman. Kung gugustuhin mo." Sagot ko na ikinangiti nito. "This weekend, are you free? Can we go on a date?" tanong nito na pinagbuksan ako ng pinto. Humarap ako dito na kitang napalunok at muntikan kaming magkahalikan. Napababa pa ang paningin niya sa mga labi ko. "Baka naman sinasabi mo lang iyan ngayon. Bukas o sa makalawa ay baka nakalimutan mo na ako sa dami ng nakapilang babae sa'yo," panunubok ko dito. Namilog ang mga mata ko na natuod sa kinatatayuan nang yumuko ito na sinakop ng mainit niyang mga labi ang labi ko na yumapos ang isang braso sa baywang ko padiin dito! Para akong manlalambot sa uri ng halik nito na halos higupin na ang buong labi ko! Napapikit ako na unti-unting namigat ang talukap ng mga mata kong napayapos ng braso sa batok nito at inaaral kung paano siya humalik. Nang makuha ko na ang ginagawa nito ay sinubukan kong gayahin. Napaawang ako ng labi na ikinaungol nitong tila natuwa sa ginawa ko. Marahan kong sinipsip ang kanyang ibabang labi na ikinatigil nitong napapisil sa baywang ko. "M-mali ba?" nahihiyang tanong ko nang dahan-dahan nitong pakawalan ang mga labi kong dama kong nangangapal na sa diin niyang sumipsip! Napangiti naman ito na hinaplos ako sa ulo at namumungay ang mga matang nakatitig sa akin. "No, I like it, baby." Pabulong anas nito na muling inabot ang mga labi ko at mas kinabig ako padiin sa katawan nito! "Uhm--" Napapikit ako na namigat ang paghinga at 'di napigilang napaungol nang marahan nitong kinagat ang ibabang labi ko! Napapapisil na rin ito sa baywang ko na napapahaplos sa aking tagiliran! Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko at hindi malabanan ang bugso ng damdamin ko! I love the way how he kiss me passionately while caressing my body. Nag-iinit ako na nasasabik sa hindi ko mapangalanang damdamin! "Ooh--R-river," mahinang ungol ko na napatingala at gumapang pababa sa panga at leeg ko ang kanyang mga labi! He gently sucking my skin that makes me moan and weak! Nakakapanghina ang ginagawa nitong pagsipsip sa panga at leeg ko habang patuloy na humahaplos ang kanyang kamay sa baywang pababa sa bilugan kong pang-upo! "Fvck!" Napaungol ito na mahigpit akong niyakap na katulad ko, mabibigat ang kanyang paghinga. Damang-dama ko ang pagkabuhay ng hinaharap nito na nakalapat sa puson ko. Hindi naman ako inosente para hindi maramdamang nagising ko ang alaga niya at naghahangad siya ng higit pa sa halik! Ilang minuto kaming magkayakap na nagpahupa ng init na nadarama bago kami kumalas sa isa't-isa. May ngiti sa mga labing nagkatitigan kami na hinaplos ako nito sa pisngi. "Let's go, baby. Ihahatid na kita. . . hangga't kaya ko pang kontrolin ang sarili," bulong nito na mariin akong hinagkan sa noo. Nangingiti akong inalalayan nitong maupo at siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko bago isinarado ang pinto at umikot sa harapan. Hindi ko alam kung tama bang makadama ako ng kilig sa namagitan sa amin kanina. Dahil kahit suwayin ko ang sarili ko ay hindi ko mapigilang kiligin sa halikan namin. "You okay, baby?" tanong nito na inabot ang kamay ko at pinagsalinop ang kamay namin. "Y-yeah." Utal kong sagot na hinayaan itong pinagsalinop ang kamay namin habang nagmamaneho ang isang kamay. Nangingiti ako na dama ang kakaibang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa aking ugat habang hawak-hawak nito ang kamay ko. Marahan nitong pinipisil-pisil iyon na panaka-nakang hinahalikang ibang-iba ang dating sa puso ko. "This is wrong, Kira. Siya ang paibigin mo, hindi 'yong ikaw ang mahuhulog sa sarili mong bitag!" kastigo ko sa sarili na pilit binabalewala ang kilig at sayang nadarama ko. PAGDATING namin sa bahay, kaagad na akong bumaba. Napatingala pa ito sa gate namin na tila kinakabisado niya ang lugar. Dito ako nagpahatid dahil 'di ko pwedeng sabihin sa kanya na nagtatrabaho ako bilang stripper sa club namin. Baka magbago bigla ang pagtingin niya sa akin at pumalpak ako sa planong paglalapit sa kanya para makapasok sa kanilang pamilya. "Uhm, pasensiya ka na ha? Malalim na kasi ang gabi. Sa susunod, ipapakilala kita kay mommy." Wika ko na ikinatango nito. "I understand. Uhm, can I have your number? Para matawagan kita anytime." Malambing saad nito na inilabas na ang cellphone. Kimi akong ngumiti na isinave sa phone book nito ang number ko bago ibinalik sa kanya. "Sige, mag-iingat ka." Pamamaalam ko dito na ngumiting tumango. "I will. Thanks, baby." Tumango ako dito na akmang bubuksan na ang gate namin nang hawakan ako nito sa braso na ikinatigil ko. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso na dahan-dahang napalingon dito. "B-bakit?" utal kong tanong. Itinukod nito ang isang braso sa gilid ko na dahan-dahang yumuko hanggang magpantay ang aming mukha. Napapalunok ako na nakamata dito at para na naman niya akong hinihipnotismo sa tinging ginagawad sa akin. "You forgot something important, baby." Paanas nito. "Ha? Ano?" nalilitong tanong ko na nakatingala ditong sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi. "This," bulong nito na inabot ang mga labi kong ikinakapit ko sa laylayan ng polo nito! Para akong maiihi sa halo-halong nadarama lalo na't kita ko sa kanto na nandoon na ang kotse ni Marco! Tiyak na nakikita niya kami ngayon ni River dito sa gate na naghahalikan! "Uhmm-fvck. Kiss me back, baby." Ungol nito na mas pinalalim ang pang-aangkin sa mga labi ko! Napapikit ako na muling sinunod ang hiling ng puso ko! Dahan-dahang humaplos pataas ang kamay ko sa malapad niyang dibdib pataas sa kanyang batok na ikinayapos ng isang braso nito sa baywang ko at kinabig padiin dito! "R-river," naghahabol hiningang anas ko na bumitaw na sa malalim naming halikan! Mapupungay ang mga mata nitong matamis na napangiting hinaplos ako sa pisngi. "Goodnight, baby. I'll call you later huh? I want to hear your voice before going to bed," malambing saad nitong ikinangiti at tango ko. "S-sige. Goodnight too. . . River."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD