3'RD PERSON POV: MABILIS lumipas ang mga araw. Mabilis nanumbalik ang lakas ni Kira at nakalabas na rin ito ng hospital na tila hindi nanganib ang buhay. Madalas itong tulala na malalim ang iniisip. Kapansin-pansin din na may ilang pagbabago sa mga kilos nito. Katulad na lamang sa kanyang pananamit. Hindi naman totally revealing manamit ang dalaga. Pero paminsan-minsan ay nagsusuot ito ng sexy dresses. Lalo na kung may pupuntahan ito. Pero magmula nang lumabas sila ng hospital. Madalas ay naka-long pants at long sleeve. Wala rin itong kagana-ganang pumapasok sa school. Hindi katulad dati. "Anak, is everything okay?" tanong ni Wena na nilapitan ang dalagang tahimik na nasa sala at kitang malalim ang iniisip. Pilit itong ngumiti na hindi matagalang makipagtitigan sa ginang. Isa iyon s

