3'RD PERSON POV: NAALIMPUNGATAN ang binatang si River na maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone nito sa ilalim ng unan. Pupungas-pungas pa itong napaupo na naniningkit ang mga matang inabot ang cellphone nito. "Hello?" inaantok ang boses nitong sagot. "Hello, sir Montero. Si doc Kevin ito. May. . . may bad news po kasi ako e. Pasensiya na," mababang saad ng doctor na ikinalunok nitong tuluyang nagising ang inaantok nitong diwa. "W-what is it, doc?" kabadong tanong nito na napapalunok. Ilang segundong natahimik ang doctor sa kabilang linya bago nagsalita. Dinig niya pa ang pagbuntong hininga nito ng malalim na lalong ikinabilis ng kabog ng dibdib nito. "Uhm, bigla po kasing bumagsak ang pulse rate ni sir kanina. Under observation ko pa siya. Kapag bumaba pa ang pulse rate niya, p

