KIRA'S POV: PARA akong tinuklaw ng ahas sa narinig ko mula dito! Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi kaagad nakabawi sa kanyang tinuran! Matamis naman itong ngumiti na hinaplos ako sa aking pisngi. "Napakaganda naman ng anak kong 'yan. Masaya akong. . . dalhin ka sa akin ng tadhana, anak." Wika nito na magaan akong niyakap. Napapilig ako ng ulo. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Nadapa pa nga 'yong lima--choss lang. "A-anak mo siya? How?" hindi makapaniwalang tanong ko pa dito na kumalas sa akin at hinawakan ako sa dalawa kong kamay. "May anak ako sa pagkadalaga, Kira. Bago ko pa nakilala noon ang daddy mo, may anak na akong iniwan sa mga magulang ko. Dahil nabuntis ako ng lalakeng hindi ko kakilala." Pagkukwento nito pero may something sa puso ko ang hindi kumbinsido sa kwento

