KIRA'S POV: NAPATAKIP ako ng palad sa labi na rumagasa ang luha sa aking mga mata nang yumapos ito sa baywang ko na niyakap ako mula sa likuran at sumubsob sa balikat ko. "H-hwag mo namang gawin sa akin 'to, Kira. May nagawa o nasabi ba ako sa'yong na-offend ka? Kung naiilang kang hinahalikan at niyayakap-yakap kita? Iiwasan ko na, Kira. Iwawasan ko nang maging touchy sa'yo. Please? Hwag mo naman akong bastedin oh? Pagbubutihan ko pa. I promise, lahat ng gusto mo ay gagawin ko. Lahat ng ayaw mo ay iiwasan ko. Hwag ka lang mawawala sa akin," pakiusap nito na mas niyakap pa ako. "H-hindi mo naiintindihan, River." "E 'di ipaintindi mo sa akin, baby. Nakahanda akong makinig anoman ang rason mo. Ayusin natin ito, please?" pagsususumamo pa nito. Mapait akong napangiti. Kung ang pagiging

