3’RD PERSON POV: NAPANGISI ang ginang na sumimsim sa wine nito habang nakamata sa malayo na iniisip ang dalagang stepdaughter nito. Si Kira De Silva. Kitang-kita niya kanina kung paano lumarawan ang kirot sa mga mata nito nang malaman niyang anak nito ang binatang iniibig. Si River Montero. “Hindi ako makakapayag makihati ka sa yaman ng mga Montero, Kira. Higit sa lahat. . . ? Hindi ikaw ang nanaisin kong mapangasawa ng nag-iisang anak ko.” Usal nito. Napatingala ito sa kalangitan. May ngising nakapaskil sa mapulang mga labi sa kapal ng red lipstick nito. Iniisip ang mga magulang ni Kira na namamayapa na. . . dahil din sa kanya. “How are you there, Kenny, Wilma? Masaya ba kayo? Masaya ba kayong nakikitang. . . pinapahirapan ko ang bunga ng pagmamahalan niyo. Malas lang ni Kira dahil

