KIRA'S POV: NANGANGATOG ang mga tuhod ko habang papasok kami ni Marco ng cemetery. Malayo pa kami sa puntod ng aking ina pero heto at pabilis na nang pabilis ang t***k ng puso ko. "Here, uminom ka muna, Kira. Namumutla ka na," wika nito na iniabot sa akin ang mineral water na binuksan na nito. Inabot ko iyon na ininom. Sa sobrang kaba ko ay naubos ko pa ang laman no'n pero kay bilis pa rin ng t***k ng puso ko! Hindi ko mailarawan ang aking nadarama na papalapit na kami sa himlayan ng aking ina. Masaya dahil makikita ko na ang puntod niya. At malungkot dahil wala na nga siya. Hindi ko manlang nakilala ang babaeng nagsilang sa akin. Namuo ang luha sa mga mata ko habang dahan-dahan kaming naglalakad ni Marco ng pathway. Nakaalalay ito sa akin habang hawak niya sa isang kamay ang bulakl

