Sixth
"Your wife is a hot hermit."
My gaze sliced on my cousin Nicanor when I heard what he said. Ngingisi-ngisi ang gago habang pinanonood ang pagdilim ng ekspresyon ko. Halatang aliw na aliw na makitang napipikon na naman niya ako.
"She's a hermit." Isinara ko ang laptop ko. "Just a hermit you should stay away from."
Nicanor scoffed. "Why? Selos na?"
Ako? Nagseselos? Why would I? Lyneth may be my wife in paper but she's nothing but a collateral for the emotional damages her Dad had caused me.
Bumuntonghininga ako't tumayo na. "Don't forget to send some men in building five. May problema na naman ang pipelines."
Iniwanan ko na siya sa opisina. Nang makapagbilin sa sekretarya ko ay dumiretso ako sa parking lot ng kumpanya. I dropped by at the flower shop where I usually buy Dad's flowers. Nang paalis na ay nakatanggap ako ng chat mula kay Lyneth.
Ly: Nabasa ko na lahat.
I groaned. How could this woman finish all five books in a matter of days? Parang noong Lunes ko lang binili ang mga bago niyang libro tapos ngayon ay tapos na naman lahat?
I sighed and typed a reply.
Me: Fine. What do you want me to get this time?
She sent me another list of books. Malakas ang loob dahil akala niya ay ipinabibili ko sa sekretarya ko ang mga libro.
After getting the flowers for my Dad, I made another stop at the bookstore where I usually purchase Lyneth's books. Ibinigay ko ang listahan at hinintay na lamang silang makuha iyon lahat.
"Ang swerte talaga ng binibilihan mo ng libro, Sir. Ang mamahal pa naman niyan!"
Umismid ako. I don't think so. Lyneth is forbidden to leave the house and she's only allowed to talk to a very few people. She's basically a prisoner wearing the wife title. Kung alam lang nga babaeng ito ang sitwasyon ni Lyneth, hindi niya masasabing swerte si Lyneth na binibilihan ko siya ng libro.
Nagbayad na ako at kinuha ang bag na pinaglagyan ng mga libro para kay Lyneth. Nang makuha ang card ko ay dumiretso ako sa sementeryo para ilagay ang bulaklak na para kay Daddy.
His tomb will always be my daily reminder that I should never trust anyone. Masyado siyang naging mabuti at nagtiwala sa ama ni Lyneth kaya heto siya ngayon at hindi ko na ulit makikita pa.
My chest tightened, so before my emotions fully hit me, I left and went straight home.
Bumungad sa akin ang ingay ng vacuum cleaner. Lyneth stopped for a moment, wiped her forehead with her arm, and then stared at me as if I'm a stranger in her husband's body.
Ganoon naman kami parati. We co-exist in this tiny little bubble called marriage, yet none of us ever dared to cross the strangers line, and I am totally okay with that.
"Aga mo?" walang gana niyang tanong. Para bang nagtanong lang dahil napanis na ang laway niya sa maghapong pag-iisa.
I jerked my head and looked away. "May lakad ako mamaya." Inilapag ko ang paperbag sa sofa. "I'll have dinner somewhere else."
Tanging mahinang tango ang naging tugon niya habang yakap ang stick ng vacuum. Nang dumiretso ako ng hagdan ay doon ko lamang siya naaninag na lumapit sa paperbag para tingnan ang mga binili kong libro.
I shook my head when I noticed her face lighting up. Ano ba ang mayroon sa pagbabasa at parang tuwing nakakahimas ng libro ang babaeng 'yon ay tila nawawalan siya ng pakialam sa mundo?
Nagpahinga ako sandali sa kwarto pagkatapos ay naghanda na para sa pupuntahang party. I wore my suit and waxed my hair properly, making sure I'd look presentable in the event.
Nang matapos sa paghahanda ay lumabas ako ng kwarto, ngunit nang didiretso na sana sa hagdan ay sandali akong napatigil nang makarinig ng paghikbi mula sa ibaba.
My brows furrowed. Naging maingat ang paghakbang ko, at nang natagpuan ko si Lyneth na nasa kusina, nagbabasa ng libro habang tila nagluluto ng Menudo ay napabuntonghininga ako.
Bakit pa ba ako nagulat? Lyneth cries all the time for madeup love stories. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto niyang magbasa. She once said that reading is her stress reliever, pero sa itsura niya naman kung nagbabasa, parang mas marami pa siyang nakukuhang stress sa mga kwentong nababasa niya.
This woman is so hard to understand sometimes.
"You have to stop reading if crying is all you will do every damn time you'll stick your nose in a book. Hindi naman totoo 'yang mga iniiyakan mo," hindi ko napigilang kumento.
Suminghot siya saka ako sinimangutan. "Hindi nga totoo, pero 'yong kayang iparamdam, mas totoo pa kaysa sa kasal natin." Inirapan niya ako. "Huwag mong i-lock ang kwarto mo nang malinisan ko ang banyo mamaya."
I checked my watch. "It's seven f*****g PM. Who cleans until late at night?"
"Ako? Bakit ba?"
Tinalikuran niya ako saka niya binuksan ang kaserola kung saan niya niluluto ang Menudo. Pinuno ng halimuyak ng pagkain ang kusina, at nang malanghap ko ang mabangong niluluto ni Lyneth, parang bigla akong tinamad na pumunta sa event.
My phone buzzed. Dinukot ko sa bulsa at tiningnan ang chat ni Nicanor.
Nicanor: Where are you?
"Kung aalis ka na, paki-lock mo na ang pinto. Nahihirapan akong i-lock 'yon at tumitigas na ang knob," bilin ni Lyneth habang nakatalikod pa rin sa akin.
I stared at her slim neck while her long hair is on a messy bun. Maluwag ang tee shirt na suot niya at bakat na ang pawis sa likod dala ng pagod sa maghapong paglilinis. Ewan ko rin naman kasi sa babaeng 'to. Parang araw-araw na lang kailangang mag-general cleaning kahit hindi naman marumi ang bahay.
Lalo akong natakam sa niluluto niya nang madama ko ang gutom ko. Nang hindi na ako nakatiis ay inilapag ko ang susi ng kotse at ang phone ko sa island counter bago ako naupo sa stool.
Lyneth looked over her shoulder with furrowed brows. "Akala ko ba aalis ka?"
I removed my tux jacket. "The event was cancelled," I lied. "Give me a plate."
She jerked her head, at gaya ng inaasahan, muli na naman niya akong pinagsilbihan. That's the thing about this wife of mine. Kahit sa papel lamang kami mag-asawa ay kung kumilos sa bahay at magsilbi sa akin, para bang totoo pa ring nagpakasal kami dahil mahal namin ang isa't isa.
Inilapag niya ang plato sa harap ko saka niya ako binigyan ng kubyertos. Ipinagsalin din ako ng wine bago siya nagsandok ng sarili niyang pagkain.
I waited for her to finish getting her food. Nang makaupo sa isa pang stool at nakapagdasal, doon lamang ako nagsimulang sumubo.
I tried my best not to shut my eyes when the food made contact with my taste buds. Tangina. Ang sarap talagang magluto ng babaeng 'to.
"Ano? Maalat na naman ba? Matabang?" tanong niya dahil tuwing nagtatanong sa akin kung ano ang lasa ng niluluto niya ay nagsisinungaling ako palagi.
I kept my gaze on my plate. "Maalat."
She sighed. "When will I satisfy your taste buds?" tila naiinis niyang bulong.
Patago akong ngumisi habang nginunguya ang pagkain.
If only this woman knows how many fancy dinner offers I had already turned down just because I'm looking forward to every home-cooked meal she makes. . .