Lyneth
"Did you include my blue shirt?" tanong ni Sixth nang maabutan akong inaayos ang mga dadalhin niya sa out of town business trip.
I took a single glance at him before I shut his suitcase. Nang mapansing nahihirapan siyang ayusin ang kanyang necktie ay lumapit ako at bahagyang tinapik ang kamay niya.
"I told you, double windsor isn't done this way." I loosen his tie and started fixing it. Nasilip ko naman ang munting kurba sa sulok ng kanyang mga labi kaya tinaasan ko ng kilay. "Why are you smirking?"
He cleared his throat and melted me with his chocolate orbs. "I'm not."
I pursed my lips. Minsan talaga pakiramdam ko ay sinasadya niyang maliin ang pagkakaayos ng necktie niya para ma-stress ako at iayos iyon para sa kanya. Ang lalakeng ito!
"Your blue shirt looks small on you already. I packed a few other shirts that fit you nicely." Inayos ko ang collar niya. "Pinasobrahan ko ng tatlong pares in case magtagal ka pa ro'n."
He jerked his head. "Magpapabili ako ng groceries sa driver. If you need anything, I'll leave my card so you can tell him to buy you the stuff you need."
"Can't I just do the groceries myself? Oh, kaya kahit iyong pagbili na lang ng libro ko?"
"I already bought you a whole damn box of books. That should be enough for you until I get back from Baguio."
I sighed. Nakakainis naman! Akala ko ay pagkakataon ko nang lumabas, eh!
I watched Sixth grab his suitcase. Nang lumabas siya ay bumuntot ako hanggang sa garahe upang maisara ko ang gate kapag nakaalis na siya.
Inilagay niya ang maleta sa trunk ng sasakyan. Nang mapansin niyang nakasimangot ako habang nakatayo ilang hakbang mula sa kanya ay nagpakawala siya ng marahas na buntonghininga.
"What do you want, Lyneth?"
I looked away. "I wanna go out, too." Sumulyap ako nang alanganin. "Hindi naman ako tatakas, eh."
Sixth sighed before he rubbed his palm on his palm. Mayamaya ay tinitigan niya ako ng ilang sandali bago muling bumuntonghininga.
"I can't let you go out without me. It's too dangerous. Asawa kita. Some people might do something bad just because they think I love you and I'd do anything to save you."
Ngumuso ako. "Eh 'di sasabihin ko hindi mo ako mahal."
His jaw clenched before he looked away. Mayamaya ay tila frustrated siyang umiling-iling habang nagpapakawala ng marahas na buntonghininga.
"Grab your stuff," seryoso niyang sabi.
I blinked. "Huh?"
Malamig ang ekspresyon niya akong binalingan. "I said grab your stuff. You're coming with me."
My expression lightened up. Sa sobrang tuwa ko na makakalabas na ako ulit ay napatalun-talon ako't nayakap siya.
"Thank you! Thank—" Bigla akong natauhan nang makita ang tila gulat na ekspresyon ni Sixth. Doon ko rin napansing nakaangkla na ang mga braso ko sa kanyang leeg habang nakasuporta ang mga kamay niya sa aking baywang.
Tinamaan ako ng hiya at kaagad pinamulahan ng mukha. "K—Kunin ko lang gamit ko," paalam ko saka mabilis na pumasok. Nang makalayo sa kanya ay napahawak na lamang ako sa aking dibdib.
Bakit naman nagwala nang ganoon ang puso ko?
I sighed and scratched my temple. "Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at niyakap ko siya?"
Umiling-iling ako't pumanhik na lamang sa pangalawang palapag. Nagbihis ako ng simpleng jumpsuit na hanggang talampakan at pinatungan ng cardigan. I grabbed my clothes and toiletries but I forgot to bring my underwears sa sobrang pagmamadali nang madinig kong bumubusina na si Sixth sa ibaba.
Nang maisara ang maleta ay hinila ko iyon palabas saka pinaghirapang ibaba ng hagdan.
Sixth went out of the car and grabbed my suitcase to put it inside the trunk. Mayamaya ay bumalik na siya sa driver side habang dumiretso naman ako sa shotgun.
None of us talked during the entire ride, but that's totally fine with me. Naaliw akong mahinang sumabay sa mga awitin sa stereo. Kapag napapasulyap ako sa kanya ay napapansin kong tumatapik-tapik ang dulo ng mga daliri niya sa manibela na tila sumasabay rin siya sa kanta sa kanyang isip.
"May meeting ako at sobrang late na ko for that. We can't be seen staying in two separate rooms so you need to stay with me in one room," sabi niya nang makarating kami sa hotel.
Umawang ang aking mga labi. "M—Mag-s-stay tayo sa iisang room lang?"
Tumaas ang kanyang kilay. "Why? Afraid I'd take advantage of you?"
Lumunok ako at mabilis na umiling. Ilang taon na kaming nakatira sa ilalim ng iisang bubong pero ni minsan ay hindi ko naman siya nakitaan ng interes sa akin. I don't think I am appealing enough to make him lose control over his carnal desires. Isa pa, kahit masama ang ugali ni Sixth ay alam kong hindi siya ang tipo ng lalakeng kailangan pang mamwersa ng babae para may makatalik.
Sumakay kami sa elevator at dumiretso sa presidential suite. Nang makapasok ay inilagay lamang niya ang luggage niya sa loob saka siya bumaling sa akin.
"Don't leave the room unless I'm with you," seryoso niyang bilin.
Sumimangot ako. "Oo na."
Sixth jerked his head before he left. Kinuha ko naman ang gamit namin para iayos sa cabinets, ngunit nang ma-realize kong wala akong dala ni isang underwear, napaawang ang aking mga labi at nanlaki ang mga mata ko.
I grabbed my phone and texted Sixth to tell him I have to go to the mall. Hindi naman nagtagal ay nag-reply siya sa akin.
Sixth: Why?
I chewed my bottom lip. Nagdadalawang-isip kung sasabihin ba o hindi ang problema ko.
I ended up telling him about what happened, but the brute told me I can't leave.
My teeth gritted. Pikon na pikon akong nag-reply.
Ako: Wala akong isusuot kung hindi ako makakabili ngayon!
He didn't reply anymore. Sa inis ko ay dumapa ako sa kama at nagmaktol. Wala akong pera kaya kahit gusto kong tumakas para mamili, hindi rin pwede.
I ended up blowing out a series of heavy breaths. Itinulog ko na lamang ang problema ko, ngunit nang magising ay mayroon nang higit dalawang dosena ng Victoria's Secret paperbags sa kwarto.
Napabangon ako at nagkusot ng mga mata. Nang tingnan ko ang laman ng paperbags ay napaawang ang aking mga labi.
Underwears!
My cheeks burned when realization hit me. Nagising ang aking diwa at nanlaki ang aking mga mata.
Sixth bought me sexy underwears!