"In fairness, kaya naman pala, may sinasabi ang beauty beks!" sabi ng isang bakla na nakatitig sa mukha ko sa salamin. "Oo, beks, bongga ang beauty ni bebegirl malaprinsesa, kaya pala si fafaboy todo effort,tssskkkk!" sabi naman ng isa pang bakla na may pahawak hawak pa sa buhok ko. "Beks, sinabi mo pa!Lumalaban talaga ang beauty ni bebegirl bongga!" sagot naman ng isa pa habang patili tili na tila kinikilig sa gilid ko. "Bebegurl, huwag kang mag-alala kaming bahala sa iyo, mas palilitawin pa namin ang ganda mo, wait and see,hheheh!" eksahederang sabi naman ng isa pang bakla. "Tingnan lang natin kung hindi luluwa ang mga mata ni fafaboy sa iyo,hehehh!" ungot naman ng isa. Kahit hindi ko naintindihan ang pinagsasabi ng dalawang bakla ay nagpatiuna na lang ako sa kasiyahan nila.Ipinikit

