Tumunog na ang ring button ng elevator na hudyat na nakarating na ako sa unang palapag ng mansiyon. Nanatili pa rin akong nakayuko kahit bumukas na ang pinto ng elevator.Tila tinakasan ako ng lakas ng loob. Kanina lang pagkarating niya sa mansiyon mula sa ospital ay gusto na niyang makita at makausap si Lance.Ngayon na ang pagkakataon na iyon ngunit tila nagdadalawang isip pa siyang lumabas. Iniangat niya ang ulo at tumingin sa labas ng pinto.Nagulat siya dahil nanatili lamang bukas ang pinto tila hinihintay talaga siyang lumabas. Napatingin siya sa labas at nasilayan ng kanyang mga mata ang pasilyo na naliliwanagan lamang ng mga nakahilerang kandila at mga rose petals na nagkalat sa tiles na sahig. Kuryoso siyang lumabas ng pinto.Dahan-dahan niyang sinundan ang direksiyon ng mga kand

