"Take your time Ms.Loren, the chopper is still on its way," rinig kong sabi ni Tim sa labas ng pinto ng aking silid. Pagkatapos ng naganap na pakikipagpalitan ng samut saring emosyon kagabi kay Lance ay sa wakas tinanggap ko ang paghingi nito ng kapatawaran ngunit kailangan niyang dalhin ako kay itay Ramon. Heto nga't kasalukuyan akong nag-aayos upang makadalaw kay itay Ramon at ngayon din ang araw ng discharge nito sa ospital. Nag-impake ako ng konting damit dahil balak kong samahan sila inay Tilde at itay Ramon pabalik sa probinsiya. Hindi ako nakapagpaalam kay Lance na sasama ako sa pag-uwi ng aking mga magulang sa probinsiya.Bahala na mamaya, maiintindihan naman siguro nito na kailangan kong bumawi ng panahon na wala siya sa mga tabi nito ng nag-aagaw buhay ang itay Ramon niya.

