"Thank God we arrived safe and sound," ang tangi kong nasabi ng makalapag ang chopper sa roof top ng isang sikat na pribadong ospital sa siyudad kung saan naka-admit si itay Ramon. Buong durasyon ng flight ay kapit tuko akong nakahawak sa mga kamay ng magtiyuhin na sa magkabilang gilid ko sa upuan ng loob ng chopper. Kung baga sa kanilang dalawa ako humuhugot ng ibayong lakas upang paglabanan ang aking takot.At sa awa ng Diyos ay nakaraos naman ako, ngunit sa palagay ko ay nagkasugat naman ang mga kamay ng magtiyuhin sa higpit ng pagkabaon ng aking kuko sa kanilang mga palad. Umabot ng halos kinse minutos din ang tinagal ng biyahe at sa tingin ko ganun din ako katagal nagpapakawala ng maraming malalim na buntong hininga upang hindi tangayin ng nerbiyos. "Very good, Miss Loren, you did

