Chapter 2- Loren

1020 Words
Kasalukuyan akong nagpapaphotocopy ng aking mga IDs sa tindahan sa bayan ng tumunog ang aking keypad phone.Kinuha ko ito mula sa aking sling bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.Unregistered number kung kaya't sinagot ko ito agad. "Hello, si Loren Ann Perez ba ito?"sabi ng babae sa kabilang linya. "Yes po, ako nga po. Sino po sila?" balik ko. "Hi,Loren Ann, si Mrs. Santos ito, sorry to disturb you langga, may importante sana akong pakay sa iyo." "Hello, Mam, kayo po pala, okay lang po, no problem po, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang kong sagot sa kanya. "Look, my son's friend is looking for a tutor for a six-year boy, and wala akong maisip na pwede sa partime job na ito at kayo ni Arlene. But, Arlene is on vacation, kaya ikaw itong naisip ko," sabi niya pa. "Ah,eh Mam, gusto ko sana din ng extra income habang naghihintay ng item sa DepEd, kaya lang ikokonsulta ko muna sa mga magulang ko po," paliwanang ko sa kanya. "Ganun ba langga, sayang malaki pa naman ang suweldo nasa 15,000 a month kapag nagustuhan ang performance mo dodoblehin sa susunod na buwan.Kaya lang stay-in ang gusto ng friend ng anak ko," pagkukumbinsi niya sa akin. "Hala, ang laki naman ng pasahod pala Mam. Tiyak malaking tulong to sa akin habang standby pa ako Mam. Sige po ipapaalam ko muna kina Inay at Itay.Tatawagan po kita Mam at ipapaalam sa inyo ang desisyon ko po." "Sige langga, kung pwede sana within this day mapaalam mo na sa akin ang desisyon mo kasi nagmamadali na iyong friend ng anak ko," sabi niya pa. "Okay po Mam,makakaasa po kayo.Salamat po Mam Santos." Malaki ang sahod na inaalok sa akin na partime job ni Mrs. Santos. Puwede ko ng matulungan sina Inay at Itay sa mga gastusin sa bahay. Sana naman payagan nila akong makapagtrabaho na, hirap naman kasi maging palamunin na lang palagi. Pagkatapos kong bayaran ang pinaphotocopy ko na mga IDs ay dumeretso na akong umuwi ng bahay. Naglakad lang ako dahil malapit lang naman ang munti naming tahanan kung saan ako nag-asikaso ng mga requirements ko sa pagaaply ng trabaho. Hindi ko alintana ang init ng sikat ng araw sa paglalakad dahil abala ang aking isip sa inaalok na trabaho ni Mrs.Santos sa akin. Excited akong makauwi agad sa bahay at ibalita kina Inay at Itay. Naalala ko pa lang namamasada pa pala si Itay sa mga oras na ito. Kay Inay muna ako magpapaalam.Tiyak na papayag agad si Itay. Kay Inay lang naman ako mahihirapan magpaalam. Pagdating ko sa munti naming tahanan.Nagtaka ako dahil nasa labas ang pampasaherong jeep ni Itay.Agad akong pumasok sa loob ng bahay.Naabutan kung pinapainum ng tubig ni Inay Tilde si Itay. "Ano pong nangyari Inay,Itay?" takang tanong ko. "Ramon, ikaw na ngang magpaliwanag sa anak mo sa totoong estado natin," malungkot na sabi ni Inay. "Ano pong totoo Itay,? takang sabi ko. "Anak,huwag ka sanang mabibigla," mahinahong sabi ni Itay. Sigurado akong hindi maganda ang ibabalita ni Itay ngunit pilit kung pinapakalma ang aking sarili. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at lumapit sa kanyang kinauupuan. "Anak, sinisingil na ako ng pinagkakautangan ko ng pera, malaking halaga iyon anak, kung kaya't ginawa kong pangsanla itong jeep natin hangga't hindi ko pa nababayaran ang utang ko sa kanila. Tapos na ang palugit na binigay nila kaya't kinukuha na nila ang jeep sa akin anak, paano na tayo ng Inay mo anak," maluha-luhang sabi ni Itay. Pati si Inay ay umiyak na rin.Buong buhay ko ay nakita ko si Itay na subsob sa pagmamaneho ng jeep. Ito na ang kanyang ikinabubuhay sa mahabang panahon.Dahil din sa kanyang pamamasada ay naigapang nila ako sa aking pag-aaral. Kung hindi lang naospital si Inay sa noon ay hindi mangungutang si Itay ng malaking halaga. Pero mabuti pa rin ang Diyos dahil gumaling si Inay at nadugtungan pa ang kanyang buhay sa perang nahiram ni Itay. "Huwag na po kayong malungkot Itay. Ibigay na natin sa kanila ang jeep, panahon na naman siguro magpahinga ka na sa pamamasada, kayo ni Inay.Ako na po ang bahala sa lahat," pampalubag loob na sabi ko sa kanila. "Loren, anak, wala ka pang trabaho anak. Saan tayo kukuha ng panggastos sa pang araw-araw?Kukulangin ang kita ng Inay Tilde mo sa paglalaba.Ang gamot na maintenance ko sa hypertension ay ayaw kong iasa iyon sa inyo ng Inay mo," nag-aalang sabi ni Itay. "Itay, isa pa yan na dahilan na itigil n'yo na ang pagmamaneho, ang sakit ninyo na high-blood. Mainit at pagod kayo parati, hindi nakakabuti sa kalusugan n'yo Itay." "Anak, hindi ko naman maatim na wala akong ipakain sa inyo ng Inay mo," desperadong sabi ni Itay. "Huwag na po kayong mag-alala, may nahanap na po akong trabaho bilang tutor po. Malaki po ang pasahod kaya lang..," pabitin kong sabi. "Kaya lang ano anak," sabat ni Inay. "Kaya lang po stay-in tutor po ako, 15,000 po a month ang sweldo, kung maayos po ang aking pagtuturo ay dodoblehin pa daw po," masaya kong balita. "Abay, maganda ngang trabaho anak, sino naman ang nag-alok sa iyo ng trabaho na iyan," tanong ni Itay. "Si Mrs. Santos po, ang professor ko sa University. Kaibigan daw ng anak niya ang naghahanap ng tutor.Mukhang mayaman ang ama ng magiging tutuee ko, eh malaki magpasweldo." "Sigurado ka ba na totoo iyang magiging trabaho mo, anak, baka mapunta ka sa masama," diskumpyadong sabi ni Inay. "Hindi naman siguro Inay.Si Mrs. Santos po ang nagrekomenda sa akin. Hindi naman siguro mag-aalok ng trabaho sa akin si Mam ng ilegal. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, di ba Inay, Itay?," pahayag ko sa kanila. "At sakto naman na titigil ka na sa pamamasada Itay, ako na naman po ang magtratrabaho sa atin. Sige na po pumayag na kayo!" dagdag kumbinsi ko sa kanila. Walang naggawa ang mga mga magulang ko sa aking desisyon na tanggapin ang alok ni Mrs. Santos. Hindi lang naman ito para sa akin kung hindi para sa aming lahat. Gagawin ko ang lahat ng mabuting paraan upang guminhawa naman ang buhay ni Inay at Itay, na aking pinakamamahal sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD