Chapter 1- Loren

574 Words
"Inay, ang hirap naman pala mag-apply ng trabaho sa gobyerno.Ang daming requirements na kailangan.Pahirapan pa pagkuha ng item dahil sa dami ng aplikante," reklamo ko kay Inay Tilde pagdating ko sa bahay mula sa paglalakad ng mga requirements ko sa DepEd. "Ganyan talaga anak, sige lang at matatapos din iyan, papasaan pa ay mabibigyan ka rin ng item, may awa ang Diyos anak, konting tiis pa malapit ka na sa finish line," pagkokonsola ni Inay Tilde. "Pero naawa na ako sa inyo ni Itay sa pagtratrabaho, gusto ko naman na tumigil na siya sa pamamasada at kayo rin tumigil na sa paglalabada, ako na lang ang magtrabaho para sa inyo," hirit ko pa. "Anak, naiintindihan ka namin ng tatay mo na gusto mo ng makatulong sa amin. Pero anak pabayaan mo na kami ni Itay mong paluguran ka, obligasyon namin bilang iyong mga magulang na suportahan ka sa lahat ng iyong pangangailangan,"paliwanag ni Inay Tilde. "Maraming salamat talaga Inay dahil nandiyan kayo parati ni Itay sa buhay ko. I love you nay," sabi ko sabay yakap kay Inay Tilde. "Ai sus ang anak ko, nagdrama na naman, oo na, mahal ka rin namin anak, o siya, tama na at tamang-tama magmeryenda ka muna sa kusina at may Arroz Caldo akong niluto para sa inyo iyan ng tatay mo. Sige na punta na doon, tatapusin ko muna itong labada ko," pagtataboy ni Inay sa akin. "Nay samahan n'yo naman ako, sige na please," paglalambing ko sa kanya. "Haist, Loren Ann dalaga ka na, para ka pa ring bata ano!Punta na doon at lalamig na iyong Arroz Caldo," pagtataboy ni Inay sa pangalawang pagkakataon. "Nay, hindi n'yo ako matataboy, hindi pa naman ako nagugutom.Mabuti pa ay tulungan na kita sa paglalaba," pinal kong sabi sa kanya. Walang naggawa si Inay Tilde kung hindi sundan ako habang nilalagyan ko ng tubig ang palanggana na may mga damit. Ito naman ang gusto kung gawin, kahit papaano ay matulungan ko sila ni Itay sa trabaho kahit hindi man lang sa pinansyal na aspeto. Itinaas ko na lang ang suot kung trouser sa may tuhod at nagsimula ng banlawan ang mga damit na tapos niya ng kusotin.Hindi naman gaano kadami ang labahin ni Inay kaya madali din kaming natapos sa paglalaba. Tinulungan ko na rin siyang magsampay ng mga labada at linisin ang mga kalat namin sa silong kung saan kami nglaba. "Sige na anak, kaya ko na ito, maglinis ka na ng katawan mo at maya-maya'y nandito na ang Itay mo. Iinitin ko na lang uli ang Arroz Caldo at sabay-sabay na tayong magmeryenda," sabi ni Inay. Sinunod ko na ang sinabi ni Inay.Pumunta na ako sa maliit ko na silid at kinuha ang aking tuwalya. Naghalf bath na rin ako sa aming banyo na nasa labas ng aming munting tahanan.Agad akong nagpalit ng damit pangbahay pagkatapos kung maglinis ng katawan. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagdating ng jeep ni Itay. Tinawag na rin agad ako ni Inay upang makapagmeryenda ng sabay-sabay. Mababakas ang pagod ni Itay sa kanyang itsura ngunit ng makakain na siya ng mainit na Arroz Caldo ni Inay ay napawi ito kaagad. Pinagmasdan ko ang aking Inay Tilde at Itay Ramon habang masayang kumakain at nagkukuwentuhan sa pang-apat naming dining set sa kusina.Kahit simple lang ang aming buhay ay puno naman ng pagmamahal lalo na sina Inay at Itay na kahit matatanda na ay pinapakita pa rin sa isa't isa ang pag-aalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD