MATAPOS IPAGBIGAY alam ni Gelo ang pagkawala ng nobyang si Deina ay kumilos agad ang mga ito. Subalit sa pagkakataon na 'yon ay sinigurado naman na ni Elle na siyang mismong may hawak ng cellphone ngayon ni Deina, na hindi na ito mako-contact pang muli ni Gelo matapos makitang tumatawag ito sa dalaga. Kaya naman bigo ang mga pulis na ma-trace ang location ng numerong ibinigay niya. "I'm so sorry, Mr. Madrigal, pero untraceable na ang numero na ibinigay mo dahil out of coverage ito," ang sabi ng chief officer. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig kaya naman nasapo niya ang sariling noo. "Wala na bang ibang paraan? Girlfriend ko ang nawawala, chief, gawin n'yo lahat ng inyong makakaya para lang mahanap siya." "I'm sorry, but we can try to contact this number anytime. At

