SAKTONG PAPUNTA na sana si Gelo sa workplace ni Deina nang maka-received siya ng tawag mula rito. Sasagutin niya na sana iyon subalit agad din naman iyong namatay. Sa isip niya ay baka hinihintay na talaga siya nito kung kaya't sa halip na tawagan ito pabalik ay mas na-excite siya na puntahan ito. Ngunit pagkarating doon ay hindi niya na ito naabutan pang nakatayo sa may front desk. Tanging si Claudine na lang ang nakita niyang nag-aasikaso na pauwi. Samantala'y sakto namang natanaw niya si Ted na naghihintay na ng masasakyan. Kaya dali-dali niya itong nilapitan. "Ted, si Deina?" Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Hah? Akala ko ba ay alam mong um-absent siya today?" Nagtaka naman siya sa narinig at bahagyang natawa. "Are you serious about that? Ni hindi pa nga kami nagka

