HINDI NIYA lubos akalain na dahil sa mensaheng iyon ay muli niyang babalikan sa isipan ang alaala kasama si Gelo.
"Love, mukhang napagod ka sa trabaho, magpahinga ka na muna sa k'warto." Mga katagang ibinungad niya noong panahong kapapanganak niya pa lamang kay Angelie.
"I'm okay. But where's Baby Angelie?" Doon siya parang nagtampo sa asawa dahil kahit minsan ay hindi ito humalik o yumakap sa kaniya sa tuwing uuwi galing sa trabaho. Ang masakit pa ay hanap agad nito ang anak at parang wala lang ang presensya niya.
"Nandoon sa room, pinapatulog ni Aleng Ester."
Nakita niyang bahagyang nadismaya si Gelo sa sinabi niya. "Elle, ikaw dapat ang nagpapatulog sa kaniya gayong ikaw itong walang trabaho. Be responsible, Elle. Para lumaking malapit din sa'yo ang anak natin."
"Gelo, of course I do that for some time to our daughter. Pero porque hindi ko palaging inaalagaan ang anak natin ay hindi na ako responsableng ina. I do breastfeeding somehow, I change her diaper, I take her a bath and dress her. Pero hindi mo lang 'yon nakikita kasi nga madalas kang wala sa bahay. I admit, hinahayaan kong si Aleng Ester muna ang mag-alaga kay baby sa tuwing day off mo, kasi para sa akin, sa day off mo ay ikaw naman ang aasikasuhin ko." After saying those words, she never waste a time to wrap her hands to embrace him. "I hope you'll appreciate me as a wife."
At doo'y kusang ikinalas ni Gelo ang kaniyang braso rito upang siya'y harapin. "Stop for being overthinking, Elle. You are my wife and of course, I appreciate you. Maybe, I'm not really see your effort. Dahil gusto ko lang naman na palagi kayong magka-bonding ng anak natin."
"Yes, I understand your point. But, if you want me to often my care for our child, I will do this para lang hindi na natin 'to pagtalunan."
"Yeah, much better, Elle. Pero ayokong sabihin mo lang, ang gusto ko ay gawin mo." Doon siya bahagyang natahimik. "Sige na, magpapahinga na ako, l-love.." Tipid siyang napangiti sa huling salitang sinabi nito. Dahil once in a bluemoon na lamang nito banggitin ang kanilang endearment sa isa't isa ay madalas nauutal pa.
Nang sumilip siya sa k'warto ay hindi niya inaasahang madadatnang hinehele ni Gelo ang kanilang anak sa halip na magpahinga. Kaya naman kinuha niya ang sandaling iyon para roo'y maipakita na isa siyang responsableng ina.
"Gelo, why would you able to take Angelie from Aleng Ester? Sana ay ipinahinga mo na lang 'yan, e."
Doo'y bahagyang napangiti si Gelo habang pinagmamasdan lamang ang karga-kargang si Angelie. "I don't know but, parang mabilis pinawi ni Baby Angelie ang pagod ko. Lalo na nang ngumiti siya. Her smile was so precious."
Hindi niya maiwasang ikumpara ang pagmamahal ni Gelo sa kaniya sa pagmamahal nito sa kanilang anak. Mahal na mahal lang talaga ni Gelo ang kanilang anak. At walang dudang mas mahal nito si Angelie sa kaniya. Na ang nais sana niya ay pantay ang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanilang mag-ina.
Gusto niya sanang yakapin si Gelo kasama ang anak pero naisip niya na baka hindi nito magustuhan ang ka-sweet-an niya. Katulad nang madalas nitong pagbabalewala sa tuwing kinakailangan niya ng lambing. Tipong kapag tatawagin siya nito sa kanilang endearment ay ramdam niyang pagkukunwari lamang. Wari hindi niya na nakita ang sweet side ni Gelo simula nang maikasal silang dalawa. Kaya ang ginawa niya na lamang ay maingat niyang kinuha kay Gelo si Baby Angelie upang kargahin ito at para siya naman ang maghele. Doo'y napatitig lamang sa kaniyang ginagawa ang asawa. At nagpasya na itong mahiga hanggang sa kusa niya na ring nailapag sa crib si Baby Angelie.
Bawat araw at gabing lumilipas ay palaging ipinararamdam sa kaniya ni Gelo na hindi ito masaya sa kanilang pagsasama. Bagama't ibinibigay naman nito ang lahat ng kanilang pangangailangan.
Sa isip niya ay kahit naging gano'n kasakit ang alaala sa piling ni Gelo ay ramdam niya pa rin ang panghihinayang sa kinahantungan ng kanilang pagsasama. Na kung hindi lang sana dumating sa buhay ni Gelo si Deina ay baka tumamis pang muli ang kanilang pagmamahalan.
Hindi niya akalaing mabilis na tumakbo ang oras habang lumilipad ang kaniyang isip. At nabalik lamang siya sa realidad nang marinig ang boses ni Angelie.
"Mama, gutom na po ako." Ipinakita pa nito ang kumakalam na tiyan.
"Baby, dito ka lang, hah? Bibili lang ako ng makakain." Napatango naman si Angelie at napaupo ito sa may sofa. Kaya dali-dali siyang lumabas upang bumili ng noodles para sa anak.
Halos takbuhin na niya ang daan upang agad na makahanap ng tindahan. At doo'y nakilala niya si Aleng Marlyn. "Bago ka lang ba rito?"
"Ahm, oho," tipid na sagot niya.
"Ganoon ba, mukhang kutis mayaman ka, hija. Hindi ka bagay sa ganitong lugar."
"Wala, e. Kailangan pong magtiis. Sige ho at naghihintay na sa akin ang anak ko."
"Aba'y may anak ka na pala!" hindi makapaniwalang sabi nito na sinulyapan lamang niya ng tipid na ngiti. Saka nagmadaling makabalik sa bahay.
Nadatnan niyang tila matamlay si Angelie. At doon niya lang naalala na hindi na nga pala sila nakapaghapunan kagabi. "Baby, wait lang, hah? Mama is preparing the food for you." Napatango lamang si Angelie at hindi magawang ngumiti. Sadyang kumakalam talaga ang tiyan nito nang dahil sa kagutuman. After few minutes ay naluto na ang noodles. "Baby, breakfast is ready!" masiglang pagkakasabi pa niya habang naglalagay sa mangkok ng noodles. "Maupo ka na rito at kakain na." Nakasimangot pa ring lumapit si Angelie at doo'y natakam ito sa inihain niyang noodles.
"Mama, ang init."
"Yeah, baby, that's okay. Kailangan mo munang hipan 'yan bago isubo. Be careful hah? Baka mapaso ka." Sandali niyang tinalikuran ang anak upang magtimpla ng kape. At pagkatapos ay hinarap muli ang anak upang sabayan sa pagkain.
"Mama, bakit po hindi ka kumakain nitong noodles?"
"No, baby, it's for you, busog naman na ako rito," pagsisinungaling pa niya.
"But you should eat this, mama. It's a nice food for breakfast." Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi ng anak. Hindi niya akalaing sa murang edad ay ito pa ang mangangaral sa kaniya.
"O, sige na nga.. kakain na si mama ng noodles," nakangiting sabi niya. Kung kaya't sumigla ang mukha ni Angelie. Saka siya nagsandok ng para sa kaniya.
"Mama, gusto ko pa." Hindi niya namalayan na mabilis naubos ni Angelie ang noodles na nasa mangkok. Nakatulong din kasi ang hangin mula sa electric fan kung kaya't mabilis na lumamig ang sabaw.
"Sige, wait lang, baby." Kinuha niya ang mangkok ni Angelie at saktong kasya na lamang para sa anak ang natirang noodles sa kaserola. "Ba--" natigilang aniya dahil hindi niya akalaing magagawang kainin ni Angelie ang noodles na nasa mangkok niya.
"Sorry, mama. Sobrang sarap po kasi, e!" Kaya imbes na magalit ay napangiti na lamang siya. Saka niya naisip na okay din pala ang ganito kasimpleng buhay.
Umikot lamang ang araw niya sa pag-aasikaso at pag-aalaga kay Angelie. Bagay na kalimitan niya lang na ginagawa noon. Doon niya lang napagtanto na iba pala ang pakiramdam kapag hindi mo inaasa sa iba ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa anak. Doo'y nakakabuo kayo ng bonding mag-ina at higit sa lahat ay masasabi mong kaya mo pala iyon ng walang ibang katulong. Sa katunayan, hindi niya akalaing makikita niya ang sarili na kusang kumikilos para sa mga gawain.
Sa sobrang abala niya sa mga gawain ay hindi niya namalayan ang pagdating ni Jeremiah. "Tito!" masiglang pagsalubong dito ni Angelie habang naglalaro ito sa bandang pintuan.
"O, nasaan si mama mo?"
"Nasa kusina po, nagsasaing." Agad naman na nagtungo si Jeremiah sa may kusina upang salubungin doon si Elle.
May dala-dala siyang plastic na naglalaman ng lutong ulam. "Elle," pagtawag pansin niya rito.
"O, nandiyan ka na pala. Ahm, ano 'yang dala mo?"
"Lutong ulam. Para hindi ka na magluto. Teka, maluluto na ba ang sinaing? Gutom na kasi ako, e."
"Ah, sandali.." Sinilip ni Elle ang kaldero at hindi nito akalain na mahihilaw ang sinaing. "Jeremiah, I'm sorry, nahilaw ko yata ang kanin, paano ba 'to?"
Doo'y iiling-iling na napangisi si Jeremiah at ginawan agad ng paraan ang nahilaw na sinaing. Dinagdagan niya ito ng mainit na tubig at saka pinalibutan ng asin ang takip ng kaldero. "Naalala ko, hindi ka nga pala sanay sa gawaing bahay. Pero ang pagsasaing ang isa sa dapat mong matutunan, Elle. Dahil nakasalalay din sa kanin ang masarap na salu-salo."
Tipid na napangiti si Elle at hindi niya akalaing darating ang araw na may bago siyang matututunan sa buhay. Ilang minuto lang ang lumipas ay naluto na ang kanin habang isang alaala na naman ang pumasok sa kaniyang isipan.
"What is the menu for today?" tanong niya kay Gelo no'ng nataong day off nito at ito ang nagpresintang magluto ng tanghalian.
"Ginataang pakbet and fried tilapia." Hindi niya naman maiwasang mapatitig sa bawat kilos ni Gelo.
"Thank you, Gelo," wika niya na bahagyang ikinakunot ng noo nito.
"Thank you, for what?"
"For giving me a life like this. Tinupad mo talaga ang pangako mo noon na magiging mabuti kang asawa sa kabila ng lahat." Aaminin ni Elle, nawala man ang sweetness ni Gelo noong magnobyo't magnobya pa lamang sila pero hindi ito nakalimot ng pangako na ibibigay sa kaniya ang maginhawang buhay.
Doon siya sandaling nilingon ni Gelo. "I am doing this for the sake of our family not only for you, Elle. Hindi magtatagal ay lalakî na rin si Angelie at sa mga panahong iyon ay dapat akong mas magsipag."
Tipid siyang napangiti kahit medyo masakit sa parte niya na ginagampanan lang talaga ni Gelo ang kaniyang obligasyon bilang asawa't ama, hindi 'yung masaya talaga ito sa kanilang pagsasama. Knowing Gelo, was a hardworking person at sa mga panahong tinutupad nito ang sariling pangarap ay hindi siya nawala sa tabi ni Gelo.
Hindi niya namalayang binabalot na naman siya ng nakaraan at sandali niyang nakalimutan ang kasalukuyan. Hanggang sa marinig niya ang pagtawag ni Jeremiah sa kaniyang pangalan. "Elle!"
"O, I'm sorry."
Doo'y nasilayan niya na sa lamesa ang nakahaing pagkain maging si Angelie na nakatingin din sa kaniya. "Kain na, kanina pa kita tinatawag, e. Ano ba kasing iniisip mo?"
"Ah, w-wala.." pagkukunwari niya. Kaya naman napa-iling lamang si Jeremiah. At hindi niya alam kung gaano mapagbiro ang kapalaran gayong saktong ginataang pakbet at lumpia ang nakahain sa lamesa.
"Bakit ganiyan ka kung makatitig sa
gulay? Hindi mo ba gusto 'yan?"
"Ah, hindi, actually that's my favorite." Pagkasabi niya no'n ay hindi niya akalaing hindi siya makaliligtas sa katanungan ni Angelie.
"Mama, iniisip mo ba si papa?" Doo'y sandaling nagkaroon ng katahimikan bago pa man siya makaisip nang idadahilan.
"Ah, of course no. Hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pagtataksil sa akin," wika niya sa kawalan na ikinangisi lamang ni Jeremiah. In fact, she's making sure na sa bandang huli ay kay Gelo pa rin ang sisi. Si Gelo ang unang nagloko at si Gelo ang unang kumalas sa kanilang pagsasama.
Despite of feeling regrets from the past, she admit that her heart now was still not ready to forgive. Dahil para sa kaniya ay walang kasing sakit ang ginawa ni Gelo para itapon na lang ng basta-basta ang kanilang kasal.
Matapos ang hapunan ay mahimbing naman agad na nakatulog si Angelie. Bagay na sinamantala nilang dalawa ni Jeremiah upang painitin ang gabi. At
kasabay nang matinding pagnanasa sa isa't isa, Elle would keep reminding herself that she have to be more practical instead of letting her heart so fool again.
Sa ngayon ay ire-reserve niya na lang muna ang puso at subukang 'wag magpaapekto sa pagmamahal. Dahil para sa kaniya ay sobrang nakakabaliw at nakakawala sa katinuan ang pagmamahal-- lalo na kapag ikaw lang ang nagmamahal.
Tila naging bato na si Elle at binago ng kaniyang mapait na karanasan. Wari ang sakit ng lumipas ay nagturo sa kaniya para maging huwad sa nararamdaman.