WARI AY pareho silang natigilan at dumistansya sa isa't isa ni Jeremiah nang marinig ang boses ni Angelie malapit sa direksyon nila. "Mama, who is he? Was this his house?" Doo'y sandali niyang nilapitan ang anak.
"Baby, he is Tito Jeremiah."
"Tito Je-re-mi-ah?" She nod her head. And suddenly they heard a foot steps toward them.
"Yes, Angelie. And starting from now on ay dito na kayo titira sa bahay ko." Binigyan niya ng kakaibang ngiti si Jeremiah habang nakatitig ito sa kabuuan niya. At tila ba roon pa lang ay makalaglag panty na ang tinginan nito sa kaniya. Nakita pa niyang muli ang pagkagat labi nito na kalauna'y inilingan niya lang.
Subalit maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagyakap sa kaniyang katawan ni Angelie. "Mama, I don't want to stay here. Let's go home. Para makasama ko na rin si papa." Doon namilog ang mga mata niya. Na kahit sa katiting ay hindi man lang na-appreciate ni Angelie ang presensya ni Jeremiah.
"Angelie, how many times do I need to tell you na hindi p'wede? Hindi p'wede ang gusto mo!" Napalakas ang boses niya dahilan para mapahikbi ito at kusang dumistansya sa kaniya.
"Elle, hindi mo dapat sinisigawan ang bata," pagpapaalala Jeremiah na bahagyang nagpakalma sa kaniya.
Saka siya tumalikod at tumingin sa kawalan. "Nakakainis kasi, e. Paulit-ulit niya na lang sinasabi na gusto niyang makasama ang ama niya. So, it means na hindi niya ako gustong kasama kahit ako itong nasa tabi niya."
"M-mama, that's not true.." Narinig niyang wika ng anak hanggang sa maramdaman niya na lang ang yakap nito mula sa kaniyang likuran. "Gusto ko lang pong makumpleto tayo nila papa. Dahil iyon po ang birthday wish ko na hindi natupad." Doon siya napangisi lalo na nang maisip ang kaniyang iniwang masamang alaala para kay Gelo, kung saan ay sinira niya mismo ang dapat na maging selebrasyon ng birthday ni Angelie.Of course, the reason behind of her guilt was Deina's effort that could appraised by Gelo's parents. Bagay na sana ay siya ang gumawa kung hindi lang nagkalamat sa pagitan nila ni Gelo at ng magulang nito.
Napabuntong hininga siya bago pa man harapin ang anak na umaasa sa kaniyang kasagutan. "Angelie, you have to understand the situation, time will come and you'll realize that not all things are permanent. And if you wish to have a whole family, I can give you now, because we have Jeremiah who will protect us from all cost." Doon napalingon si Angelie kay Jeremiah na tatango-tangong nakatingin sa kanila.
"Does he is my new papa, mama?"
Kahit labag man sa kalooban ang magpanggap ay nagawa niya na lamang ang mapatango upang maibigay kay Angelie ang magandang buhay sa piling ni Jeremiah. At tila pilit namang tinanggap ni Angelie ang katotohanang iyon. She doesn't know why but she was ready for the result of this ostensible-- whether it ends up for good or for worst.
Kinabukasan ay tila nanibago si Elle sa bagong surroundings. Simple lamang kasi ang bahay na tinitirahan ni Jeremiah. Simpleng bahay na may salas, kusina, banyo, at mayroong dalawang k'warto. Na paunti-unti ay napapagawa ni Jeremiah dahil sa kaniyang pagsisikap. In fact, wala pa sa isip ni Jeremiah ang pag-aasawa ngunit nang dumating sa buhay nito si Elle ay nagbago ang pananaw nito. He has trying to do everything para may mapuntahan ang intimate relationship nila na kung tutuusin ay lumalabas siyang kabet lamang. Sa tingin niya ay wala pa siya sa kalingkingan ni Gelo kumpara sa lalaking papasa sa standard ni Elle. Pero dahil lingid sa kaalaman niya na galing din sa hirap si Gelo ay hindi niya maiwasang maliitin ang sarili.
Hindi naman kasi ganoon kaangat sa buhay si Jeremiah, mayroon lamang itong trabaho na pinagkakakitaan. At mag-isang namumuhay sa Manila dahil mas malaki ang kita rito kaysa sa province. In fact, hindi tulad niya ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Jeremiah, dahil sa murang edad pa lang ay nasubukan na nito ang iba't ibang uri ng trabaho. Naging kargador, konduktor, service crew at ngayon ay may stable ng trabaho bilang isang car agent. Kung saan ay nakapundar ito ng sariling kotse sa sariling kompanya na malapit na ring matapos mahulugan.
"Good morning." Hindi niya namalayan ang presensya ni Jeremiah.
Katatapos lang pala nitong maligo kung kaya't kitang-kita niya ang topless nitong katawan.
"G-good morning, ahm, anong oras pasok mo?"
"Kailangan nasa office na ako ng before eight am para eight am onwards ay nasa field na."
"Gano'n ba? Pero paano ang pagkain namin dito?"
"Para sa tanghalian ba? Kasi may almusal naman na riyan. Ah, sandali." Kinuha nito ang wallet na iniwan sa may ibabaw ng divider saka muling bumalik sa direksyon niya. "O, heto, siguro naman ay kasya na ito sa inyo maghapon." Inabot nito sa kaniya ang halagang one hundred pesos na hindi niya sigurado kung tatanggapin ba niya dahil hindi niya alam kung magkakasya ba iyon sa mahal ng bilihin. "May bigas naman na riyan, magsaing ka na lang kaya ulam na lang ang bibilihin mo. Tapos, 'yung sobra pangmeryenda."
"Are you serious? Only one hundred in all day?" napapangisi niyang sabi.
"O, bakit? Wala pa kasi akong sahod at bina-budget ko lang ang pera. Elle, alam kong hindi ka sanay sa ganitong buhay. Pero sana naman ay maintindihan mo kung bakit malayong-malayo ang buhay na maibibigay ko sa inyo ni Angelie kumpara sa kayang ibigay ni Gelo." Doon siya natameme. "At sana ay maunawaan mo na hindi ganoon kadaling kitain ang pera." Hindi niya alam kung tama ba ang nagawa niyang desisyong pagsama kay Jeremiah gayong ngayon niya lang ito unti-unti pang nakikilala.
"Hay, okay, I understand. Sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa." Matapos niyang sabihin 'yon ay kapagkuwa'y nakita niyang nanatili pa rin sa kinatatayuan si Jeremiah. "O, bakit?"
"Wala bang kiss?"
Napabuntong hininga siya. "Is it matter?" aniya habang hindi nagugustuhan ang pagde-demand sa kaniya nito.
"Okay, hindi kita pipilitin. Tutal naman ay alam kong ganado ka palagi sa akin sa kama. Sapat na 'yon para maging inspirasyon ko sa trabaho." Nanatili siyang tahimik hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
Saka siya nagpasyang silipin ang almusal na nasa lamesa. At halos madismaya siya nang makitang sachet lamang ng kape at milo ang naroon. Mayroon ding dalawang plastic ng biscuit. "Hay, hindi naman nakakabusog 'to, e. Pero, no choice naman ako kaysa ang magreklamo," iiling-iling na aniya.
At sa isang iglap ay nakatanggap siya ng isang text message mula kay Gelo na halos magbigay ng pag-aalala sa kaniya. "Elle, I hope you are well. Pero sana, mapag-usapan natin sa hukuman ang karapatan ko sa bata. I am begging you to give my rights for Angelie. I am hoping that you will change your mind.
Alam kong hindi ganoon kadali para sa akin tanggapin ang ginawa mo. But I have to forget. I've tried to reached you out pero mukhang nagpakalayo-layo na kayo. At sana sa paglayo niyo ay makapag-isip-isip ka. Elle, even if it was hard to pursue my life without my daughter, I should be strong for her. 'Cause I really love our daughter." Doon siya natigilan matapos basahin ang mensaheng iyon, hindi dahil sa nilalaman niyon kundi sa katotohanang affected siya. And yes, she's crying. And she wasn't sure if it is a tears of joy or tears of sorrow.