Chapter 34- Kiss And Tell

2091 Words
SANDALING nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang magawa nilang maghiwalay sa yakap. Walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa kanilang bibig, gayong sapat na ang sandaling titig nila sa isa't isa. A moment after, Deina has the courage to talk to him, without any changes from facial expression. "Bibigyan kita ng oras para makapagpaliwanag. Basta sabihin mo lang sa akin ang totoo kung saan ka natulog kagabi." He took a deep breath. And by talking about private matters, ay handa naman si Gelo na ungkatin iyon ni Deina. "Sa bahay, and I didn't thought na aabutan ako ng antok doon. I'm with my daughter in bed last night, instead na tumabi pa ako kay Elle. And I'm so sorry, kung hindi na kita nabalikan pa, Deina.." nagsusumamong aniya. Ngunit tila wala pa ring nagbago sa ekpresyon ng mukha nito. "Pero magkasama kayo kanina ni Elle. Am I right?" Doon lang siya nagawang sentruhin nito ng tingin matapos ang katanungang iyon. "Yes, I admit, kasama ko si Elle pati na rin sina mama at papa. Biglaan lang ang visit nila, that's why hindi ako agad nakapunta sa'yo para makapagpaliwanag." "Nagawa mo naman, Gelo, pero naintindihan ko. Family is always family. At sino ba naman ako para pigilan 'yon?" Imbes na intindihin ang buong sinabi ng nobya ay nag-focus lamang siya sa unang sinabi nito. "Sandali, what do you mean sa sinabi kong nagawa ko naman?" Sa puntong 'yon ay napabuntong hininga si Deina habang may kung anong hinahanap na mensahe sa phone nito. At doo'y hindi niya inaasahan ang ipinakita nitong text message na galing mismo sa kaniya. Kaya nang basahin niya iyon ay alam niya na sa sarili na hindi siya ang nagtipa niyon. "Wait, I remember na wala akong sinabing ganiyan. I just hold my phone around eight in the morning, but that's message was sent earlier than eight." Doo'y bahagyang napataas ang kilay ni Deina habang unti-unting ibinababa ang phone. "Imposible, bakit ka pa magdadahilan ng ganiyan? Or kung hindi mo man talaga 'yan sinabi ay sinong p'wedeng magsabi niyan sa akin?" Sinentro niya ng tingin si Deina matapos balikan ang pangyayari. "I'm not sure about this but I guess, posibleng pinakialaman ni Elle ang phone ko matapos itong gamitin ni Aleng Ester dahil nga ito ang nakasagot sa tawag nila mama." Nanatiling nagtataka si Deina hanggang sa ilabas niya ang sariling phone at ipakitang wala siyang natanggap na message sa nobya mula kanina. Wala rin doon ang text message niya na natanggap naman ni Deina. At kahit ultimo tawag ay wala rin. "Imposible, nakailang missed calls ako sa'yo, dahil nga sa nag-aalala rin ako sa'yo kagabi. Nag-text pa nga ako sa'yo kaninang umaga, pero bakit wala kang natanggap? Or kung may natanggap ka man ay posibleng binura 'yon dahil nakatanggap naman ako ng text galing sa'yo." "Deina, you're right, it's possible na binura lahat ni Elle ang conversation natin simula kaninang umaga, at maging ang call history." Doon natahimik si Deina. Bago pa man napahalukipkip na tumingin sa kawalan. Wari ay naintindihan na nito ang rason kung bakit hindi nakatupad sa pangako si Gelo. Hanggang sa magkakasunod na katanungan ang ipinataw niya rito, "Bakit niya ba 'to ginagawa sa relasyon natin, Gelo? Plano niya ba talaga tayong sirain? Hindi pa ba siya masaya na roon ka natulog sa bahay n'yo kagabi upang makita at makasama ang anak n'yo? Habang ako ay halos mawala na sa katinuan sa kaiisip at kakaalala sa'yo." Doon niya nagawa itong harapin upang hawakan sa magkabilang braso. "Deina, that's why I'm here to defend my reason. 'Cause Elle would willing to do anything just to ruined our relationship. Pero, makakaasa kang pagsasabihan kong muli si Elle once na mahanap ko siya." Bahagyang kumunot ang noo ni Deina. "Bakit? Nasaan ba si Elle?" "Umalis siya. Matapos naming magtalo kanina. And you know how stupid she is para lang gaguhin ang parents ko. At ipakita ang kaniyang worst attitude sa harap mismo nila mama. Na akala niya ay hindi ko pa nasasabi kila mama ang dahilan kung bakit ginusto kong wakasan ang aming pagsasama. I understand her frustration, pero nakakainis lang isipin na kung bakit hindi niya maibigay ang kailangan ko-- ang approval niya sa annulment namin. Na ang tanging hinihiling ko lang naman sa kaniya ay ang palayain na ako." Napailing lamang si Deina habang unti-unti namang bumibitiw ang kaniyang mga kamay sa braso nito. Subalit sa kabila ng mga sinabi niya ay hindi niya akalaing si Elle ang mas papanigan ni Deina. "Alam mo, if I'm in Elle's position ay gagawin ko rin na ipaglaban ang karapatan ko sa'yo. Siguro ay sadyang mahal ka lang siguro ni Elle lalo na't may anak pa kayo. At naiintindihan ko siya dahil babae rin ako." "So, what are you trying to say? Na hayaan ko na lang siyang ipaglaban ako? Deina, ayos lang sana kung ipinapakita niya sa aking karapat-dapat ko siyang pillin, e. Ang kaso, she make things worst. Lalo pa't sangkot na rito ang kabet niyang si Jeremiah." "May kabet siya?" "Oo, at on going pa rin ang relasyon nila na inakala kong past time niya lang ang makipagsiping sa iba." "Grabe," tanging nasabi ni Deina. "That's why the moment that she accused me with all my faults, ay ibinabalik ko rin sa kaniya ang sisi kung paano niya rin nagawa sa akin ang gano'n." "Pero bakit ayaw ka pa rin niyang bitawan kung may Jeremiah naman na pala siya?" "Siguro ay sadyang mahal niya pa talaga ako para hindi gano'n kadaling bitawan." Napakibit balikat pa siya. "I don't know but everytime she told me that she still love me ay nararamdaman ko ang eagerness niya na pabalikin ako sa buhay niya." Sandaling napabuntong hininga si Deina at nagsimulang humakbang palapit sa pinto. "Pero hindi pa rin magbabago ang katotohanang asawa mo pa rin siya." "Sa papel na lang 'yon, Deina. Pero rito sa puso ko-- burado na ang nararamdaman ko para sa kaniya." Bahagyang natigilan si Deina, at hindi niya mawari kung masaya ba ito nalulungkot sa naging kasagutan niya. Little did he know, Deina have a lot of emotions that might be feel. Frustration, sadness and emotional breakdown. Kaya naman bagama't hindi niya na nakikita ang reaksyon ng mukha nito, ay kinuha niya ang sandaling iyon para ito'y yakapin ng mahigpit mula sa likuran. At hindi naman siya napahiya dahil tinanggap nito ang yakap na iyon. Hanggang sa may maramdaman siyang patak ng luha sa kaniyang braso. Deina was crying. At hindi nga siya nagkamali na sa puntong iyon ay kailangan siya ng nobya. Upang pawiin ang sari-saring emosyon na bumabalot dito. Kaya naman sa gitna ng yakap na iyon ay sinabi niya ang mga katagang, "You don't have to cry, Deina. Unless, it because of happiness. I never want you to cry again because of frustation and sadness. Because I love you so much." Doon siya nagawang harapin ni Deina, kaya naman nagtagpo ang kanilang mga mata at ipinagdikit niyang muli ang kanilang katawan sa pamamagitan nang pagyakap sa bewang. Doo'y malapit niya na muling napagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito. "Deina Gomez, I know, it might be a long journey to get our emotions were truly assured that we will be together forever. Hindi mo pa man hawak sa ngayon ang apelyido ko, hindi pa man tama ang panahon para ipaglaban natin ang isa't isa at wala mang kasiguraduhan ang lahat, pero nais kong malaman na sigurado ako sa nararamdaman ko at handa kang ipaglaban sa lahat ng bagay. And If I'm given a chance to live my life again, I would choose you to be my wife." Sandaling napapikit si Deina habang dinadama ang pagkiliti ng kaniyang puso. Those words would probably touch her heart. And she's so being hypocrite if she can't tell how happy and grateful she is to be loved by Gelo Madrigal. Ang apelyido na kahit walang kasiguraduhan na mapapasakaniya habang buhay ay pilit namang pinapatunayan sa kaniya na handa itong manatili sa kaniyang buhay. Malalim na ang gabi nang matapos silang mag-usap. Naroon na sila sa may k'warto at dinadama ang init ng yakap sa isa't isa. Nagsisimula na rin makaramdam ng antok si Deina nang matunugan niya ang boses ni Gelo, "Deina, gusto kong manatili lang dito sa tabi mo hanggang umaga. Gusto kong manatiling maramdaman ang init ng yakap mo hanggang sa paggising. Gusto kita palaging kasama." Napangiti naman siya sa sinabi ni Gelo at sandali itong hinarap upang masulyapan niya ang gwapong mukha nito. "Gano'n din naman ako, kung p'wede nga lang na sana ay palagi kang nasa tabi ko. Kasi kapag kasama kita, pakiramdam ko ay napapawi ang lahat ng problema at bigat ng nararamdaman ko. Kapag kasama kita, ay napakagaan lang ng lahat." Banayad nitong hinawakan ang mukha niya at doo'y nagawang siilan siya ng halik. Bagay na hindi niya rin naman nagawang pigilan at sa halip ay mas dinama pa ang sarap na dulot niyon. Para bang wala ng katapusan ang pagmamahalan na handa nilang ibigay sa isa't isa. Dahil sa bawat yakap at halik lang ay tila ba ayaw na nilang mapaghiwalay. - "Good morning, Deina! Balita ko ay maganda ang gising mo ngayon, hah?" pagbungad ni Ted sa kaniya. Bagay na ipinagtaka rin niya. "Ano? Wala naman akong natatandaang nakausap kita kagabi?" "Gaga! Siyempre, kaka-update lang kaya ng status ni Gelo sa social media na sobrang saya niya dahil nakasama ka niya." Bahagyang nag-init ang pisngi niya. "Talaga?" At habang abala sila sa pag-uusap ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Claudine na siyang pinagdududahan na nilang may koneksyon kay Elle. Hanggang sa mapansin niya nito. "Uy, Claude, good morning!" pagbati niya. Bagay naman na hindi inaasahan nito. "Good morning din, Deina and Ted," sagot nito. At sa puntong 'yon ay kinuha rin iyong tamang tsempo ni Ted para sa isang planong magpapatunay na may koneksyon si Claudine kay Elle. "E, Deina, saan n'yo naman balak mamayang mag-date ni Gelo? Hindi ba't sabi niya ay babawi siya sa'yo?" Umepekto naman iyon kay Claudine kung kaya't nanatili lamang itong nakikinig sa usapan. "Ah, wala pa nga, e. Baka siguro sa.. apartment lang ulit kami mag-bonding." "Ay gano'n? Ikaw na 'tong mainit palagi ang gabi!" pangangantyaw pa ni Ted na hindi niya naiwasang ikatawa. "Sira! Porque ba sa bahay lang magdi-date ay gano'n na kaagad ang gagawin? Saka siyempre, ngayon lang bumabawi sa akin si Gelo, kahit na roon naka-stay sa bahay nila ang parents niya." "O, seriously? Edi kung gano'n, bakit hindi ka pa niya legal na ipakilala sa parents niya?" "Kilala na naman nila ako, pero sa ngayon kasi ay alam ni Gelo na hindi pa ako makakaharap sa parents niya ngayon, alam mo na, sa sitwasyon namin hangga't hindi pa naaaprubahan ang annulment both sides." "Hays, bakit ba kasi ayaw pa nitong tuluyang palayain ni Elle si Gelo, e," inis na sabi ni Ted. "Mahal niya pa kasi si Gelo at hindi gano'n kadaling itapon ang relasyon na apat na taon," sagot niya. "Pero 'di ba, may anak na silang dalawa?" singit ni Claudine sa usapan. "Oo, Claude," tipid na sagot niya bagama't lihim na napapairap si Ted sa kawalan dahil sa inis na nararamdaman para kay Claudine. "Ang totoo niyan ay nalalapit na ang birthday ni Angelie, hindi ko nga alam kung dapat ba akong pumunta no'n, e." "Bakit naman nag-aalangan kang pupunta?" Napalingon siya nang marinig ang boses na iyon. Na mula kay Gelo. Bagay na nagpatahimik din kina Ted at Claudine. "Gelo? Anong ginagawa mo rito? 'Di ba't office hours mo?" "Nagpaalam naman ako, Deina. Isa pa, nakalimutan ko 'tong ibigay sa'yo kanina." Napalingon siya sa inabot nitong relo. "Relo?" Tipid itong napangiti. "Sa totoo lang, dapat ay ibibigay ko 'yan sa'yo kahapon ng umaga kung doon ako nag-sleep over sa apartment mo. Ang kaso ay marami ngang nangyari. But forget it, what important is, naibigay ko 'yan sa'yo, so please keep it." Napangiti siya ng malaki sabay mabilis na humalik sa pisngi nito. "Thank you kiss lang ang maibibigay kong regalo sa'yo." Doo'y napangiti rin ito ng malaki. "'Wag kang mag-alala, iingatan ko itong ibinigay mo, Gelo. Thank you so much for this." "I love you." Isang yakap pa ang pinagsaluhan nila na tipong naiinggit lahat ng langgam sa ka-sweet-an nila. "Ayieee! Tama na nga 'yan at masyado na kayong nilalanggam," wika ni Ted na tinawanan naman nilang lahat. Subalit, isang lihim naman mula kay Claudine ay pilit inuungkat ni Ted. Kaya minatyagan lamang nito ang posibleng mangyari. Hanggang sa ang kaniyang hinala ay nagkatotoo dahil sa isang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD