MATAPOS ULANIN ng hinala si Ted ay kompirmado niyang nasaksihan ang hindi inaasahang pangyayari. Magbi-break na no'n si Claudine at sakto namang itinabi na muna ni Deina ang relo sa kaniyang bag. Nakiusap pa nga si Deina rito na 'wag na muna itong mag-break at magbabanyo lamang siya. Kaya pumayag naman si Claudine ngunit, lingid sa kaalaman ni Deina na tamang tsempo iyon ng kaibigan para gawin ang isang bagay na inuutos dito ni Elle.
At habang walang client si Ted ay nagkaroon siya ng pagkakataon para makasulyap-sulyap sa ikinikilos ni Claudine. Napapansin niya kasi itong palaging sumisilip sa phone. At hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi magduda na may kausap ito. Kapansin-pansin din na pasilip-silip sa labas si Claudine. Hanggang sa bumalik na rin si Deina at doo'y nagawa nang umalis ni Claudine. Napansin niyang doon dumaan si Claudine sa may fire exit. Kaya kahit namamayani ang kaba ay nagawa niya itong sundan ng palihim.
At doo'y hindi niya inaasahang makita ang isang pamilyar na mukha. Kung saan ay nakatayo mismo at kausap sa harap ni Claudine na walang iba kundi si Elle Agustin Madrigal.
Napahalukipkip siya sapagka't malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanang may koneksyon nga si Claudine kay Elle. Subalit isang malaking katanungan sa kaniya kung paano iyon nagawa ni Claudine kay Deina?
"Did you get it?" Narinig niyang wika ni Elle. Nakita niyang napatango si Claudine at may kung anong dinukot sa bag. Nakaplastic iyon nang i-abot kay Elle. "Great job!"
"Ahm, m-ma'am, s-sana po ay last na itong p-pag-uutos ninyo sa akin, n-nagi-guilty na po kasi ako sa kaibigan ko, e," nanginginig na wika ni Claudine.
"Are you out of your mind? Ngayon ka pa aatras kung kailan nagsisimula nang matikman ni Deina ang hagupit ng isang legal na asawa? No, hindi ako makapapayag. O, heto.." Nakita niyang may iniabot na puting sobre si Elle kay Claudine. "Another forty thousand. Dagdag bayad para sa pangpagamot ng nanay mong may breast cancer. Siguro naman ay sapat ng halaga 'yan para hindi mo na atrasan ang trabaho mo." Hindi makapaniwala si Ted sa narinig. That the reason behind why Claudine has used to do the wrong thing is because of her mother who was still fighting from breast cancer.
Sa sandaling iyon ay hindi niya alam kunt anong mararamdaman habang napapapunas lamang ng luha si Claudine matapos umalis si Elle dala ang Renault kwid ni France. Nakikita niya ang eagerness sa mga mata ni Claudine na piliing maging sunud-sunuran kay Elle dahil sa nanay nitong may sakit.
Pagkabalik niya sa trabaho ay napansin niyang aligaga sa kahahanap si Deina. "Uy, girl, baka naman gusto mong humingi ng rescue?" sabi niya dahilan para sandali itong matigilan. "E, teka, ano bang hinahanap mo?"
"'Yung relo na ibinigay ni Gelo kanina." Napahilamos pa ito sa mukha at napamewang.
"Gano'n ba? E, baka naman na-misplaced mo lang?"
"Hindi, e. I checked girls comfort room at wala akong nakita relo ro'n. Posibleng may kumuha non, Ted. Kahuhubad ko lang no'n kanina bago ako mag-CR, e, tapos heto at hindi ko alam kung bakit wala na sa bag ko!" natatarantang sabi nito. Habang napapaisip siya na posibleng relo nito ang laman ng nakaplastic na inabot kanina ni Claudine kay Elle.
Pero bakit kung kailan alam na niya ang totoo sa pagitan nina Claudine at Elle ay hindi niya naman magawang aminin kay Deina ang katotohanan? Bakit mas iniisip niya ang kapakanan ngayon ni Claudine na ngayon niya lang nalamang may malaking problemang kinakaharap?
"Hindi natin alam, ewan, basta.. mahahanap mo rin 'yon, gano'n naman kapag hinahanap, ayaw magpakita, 'di ba?" Sa sinabi niyang iyon ay pinili na lang manahimik ni Deina. In fact, he's trying to make a move a little by little by convincing Deina to not fully trusting Claudine right now. Pero paano niya naman magagawa 'yon kung ang kalaban niya ngayon ay ang kaniyang sarili?
-
At habang nakararanas ng pag-aalala si Deina sa nawawalang relo ay siya namang namamayaning kasiyahan ang nararamdaman ni Elle.
Feel na feel niyang suotin ang relo na ibinigay pa ni Gelo ni Deina. At wala siyang pakialam kung mabaliw sa kahahanap si Deina para lang mahanap ito.
"Iyan na ba 'yon?" Narinig niyang tinig ni France. Matapos niyang mai-k'wento rito ang naging pakay nila sa Spa na pinagtatrabahuhan ni Deina.
"Yes, hindi ko na matandaan kung kailan ako binilihan ni Gelo ng mamahaling relo, and the hell, kita mo nga namang nagawa niya itong bilihin sa kirida niya gayong hindi pa naman sila umaabot ng taon."
Tipid na natawa si France. "Gano'n talaga, e, malay mo naman, tinamaan talaga itong tempo-legal husband mo kay Deina."
"Could you please stop telling that he is my tempo-legal husband? He is my forever, and I would consider him as permanent. Dahil kahit sa kamatayan ay walang makakapagpawalang bisa ng kasal namin."
"Are you really sure about that? Kapag nagdiklera na ang judge na annulled na kayo ay wala ka nang magagawa kundi ang pumirma. Elle, it's about time to let him free. While you just going to enjoy your single life. Ang sarap kaya ng malaya pa at hindi nakatali."
Doon siya napailing. "You know me, France, si Gelo lang ang buhay ko. I've worked so hard for our relationship para lang magtagal ito. And guess, what? I am still the one who have work for it to fix again."
"Hay, kailan ka ba magigising sa katotohanan, Elle? Wala nang maaayos sa pagsasama ninyo ni Gelo? Siya na ang kusang bumitaw. And why you just can't him to let go? How about Jeremiah who is willing to love you?" Bahagya siyang natahimik.
For some reason ay doon na muna siya nakikituloy ngayon sa bahay ni France. Saktong kauuwi lamang nito sa bakasyon nang dumiretso siya sa bahay nito ng gabi, matapos makipagtalo kay Gelo no'ng umaga. Kaya laking pasasalamat niya dahil all the time ay si France ang kaniyang nasasandalan. Hindi rin naman kasi siya p'wedeng umuwi sa bahay ng magulang niya, dahil ayaw niyang makarating sa kaniyang magulang ang nangyayari sa pagsasama nila ngayon ni Gelo. Besides, palihim din naman siyang nakikipagkita sa kapatid na si Gail. Katulad na lang nang nangyari kahapon.
"What is this all about, Elle?"
"As usual, nagtalo na naman kami."
Napairap si Gail sa kawalan. "May bago ba ro'n?"
"The hell. This is not what I am pointing about." Bahagyang napaawang ang labi ni Gail kasabay ang pagkakakunot ng noo. "I need money."
"Then, for what? For those stupid things again? Hindi ba't napasunod mo naman na ang espiya mo?" Pinandilatan niya ito ng tingin.
"Yeah, but of course, hindi lang nagtatapos 'yon doon, ate. And I can't do anythint what I want if I do not have an enough money. Alam mo naman na-- hiwalay na kami," may lungkot sa tinig na aniya.
At kasabay pa niyon ang isang malalim na pagbuntong hininga ni Gail. "Okay, so, hindi lang pala ate ang papel ko sa buhay mo, kundi financial supporter at great manipulator na rin sa mga kalokohan mo. Aba, you should be thankful of me dahil hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam sila mommy na matagal na palang sira ang marriage n'yo ni Gelo."
"Then, thank you, ate. I do not know what my life would be kung wala ka.."
"Hays, mabuti naman at marunong ka nang mag-thank you ng sincere. O, by the way, speaking of Gelo, wala ka pa ba talagang balak na umuwi ngayon?"
"Ayoko muna, besides, nandoon naman ang in laws ko para mag-alaga kay Angelie. Hindi ko rin kayang makipagplastikan sa ngayon sa kanila, ate, lalo na sa tuwing ipinararamdam nila sa akin na, they don't want me for their son, that I couldn't deserve Gelo."
"Hello? May kausap pa ba ako? Para kasing lumilipad ang isip niya?" Nabalik siya sa realidad sa malakas na boses ni France.
"Hah? What did you say?"
"Ang sabi ko ay bakit hindi mo na lang i-let go si Gelo kung nandiyan naman si Jeremiah na handa kang mahalin?" Bahagya siyang napabuntong hininga.
At sa halip na sagutin ang katanungan nito ay agad siyang tumayo upang magtungo na sa k'warto. "Wait, Elle, were still talking, where will you go?"
"Sa k'warto, magpapahinga na. Magpahinga ka na nga rin. It's been a tiring day, pero mabuti na lang at masusuot ko sa pagtulog ang relong ibinigay ni Gelo."
"O, don't you remember that it was not for you? It's for Deina." Napangisi lamang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Habang iiling-iling lang nakatingin sa kaniya si France.
At habang pinagmamasdan ang relo bago pa man matulog ay iniisip niya kung paano pa sisindakin sa galit si Deina. Kaya sa tuwina ay sinabi niya ang mga katagang, "Sigurado akong pakitang tao ka lang, Deina. Na may itinatago ka ring pangit na ugaling haliparot ka. Let's play a game, Deina. I will be your playmate for hide and seek. Kung saan, ay ilalabas ko ang tunay na kulay mo. Hanggang sa ma-realize ni Gelo ang pagsisisi na minahal ka niya. Isang beses mo lang naman akong inagawan ng asawa pero hindi mo alam, habang buhay mong pagdudusahan na pinili mong minahal si Gelo."