Chapter 11- To Learn From The Past

2503 Words
ISANG PAGSULYAP sa nakaraan ang naging inspirasyon ni Elle para maging matagumpay ang kaniyang plano. Kailangan niyang humugot ng inspirasyon sa nakaraan upang maging ganti ito sa kasalukuyan. Way back from four years ago. Kung gaano sila kasaya dati ni Gelo noong magnobyo't nobya pa lamang sila sa kabila nang paghadlang sa relasyon nila ng kaniyang magulang. Anito'y malaking hadlang ang pakikipagrelasyon sa kaniyang pangarap. Mataas ang pangarap kay Elle ng kaniyang magulang lalo na't nakapagtapos ang panganay nitong kapatid na si Gail. Si Gail na ibang-iba sa kaniya dahil may direksyon ang buhay kung kaya't maganda ang trabaho nito at nakatutulong pa rin ngayon sa kaniyang magulang. In fact, Elle has come from a rich family, kaya hindi rin basta-basta tinatanggap ng kaniyang magulang ang mga lalaking nagbabalak sa kaniyang manligaw noon. Maliban na lang kay Gelo na talagang gusto niya at ipinaglaban dito sa kabila ng lahat. At dahil sa mahal na mahal niya si Gelo ay natuto siyang sumuway sa magulang. Hanggang sa ang pag-iibigan na 'yon ay mas lumalim pa na nauwi sa kapusukan. Ni hindi niya alam ang magiging kapalit ng padalus-dalos na desisyong iyon. Dahil hindi niya akalaing si Gelo ay hindi pa naman pala talaga handang bumuo ng isang pamilya, kahit alam niyang mahal siya nito. Pa-graduate pa lamang sila no'n sa kolehiyo nang ipagkatiwala niya ang buong sarili kay Gelo-- dahil na rin sa sobrang pagmamahal dito ay nakalimutan na niyang may sarili rin siyang pangarap. Tandang-tanda pa niya ang araw kung saan ay naging dahilan para magbunga ang kanilang pagmamahalan. "Love, hindi ka ba nagsisisi na ginawa natin 'to?" Iyon ang mga katagang ibinungad sa kaniya ni Gelo habang magkayakap ang kanilang katawan. Nagkataon kasing walang tao no'n sa bahay nila Gelo at maaga ang uwi nila mula sa school. "Hindi, dahil mahal na mahal kita, love." Doon humiwalay sa kaniyang yakap si Gelo, at itinanday ang ulo sa magkabila nitong braso habang nakatanaw lamang ito sa kawalan. "Pero paano na ang pangarap mo kapag nagbunga 'to? 'Di bale ako ay makakapagtrabaho pa rin ako. Pero ikaw, kapag nabuntis ka ay mamanatili ka lang sa bahay n'yo at baka lalo lang tayong paghiwalayin ng magulang mo." Napatayo siya mula sa hinihigaan at tinitigan ang nobyo sa mata. "Anuman ang maging resulta nito ay ipaglalaban pa rin kita, Gelo. I will fight for you from all cost." Isang mariin na yakap pa ang iginawad niya kay Gelo bago ito tuluyang sumang-ayon sa kagustuhan niya. Mabilis na tumakbo ang araw at linggo, at doon nga'y nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Nabuntis si Elle at nagawa nila iyong ilihim ni Gelo sa kaniyang magulang hanggang sa araw ng kanilang Graduation. Akala ni Elle ay magiging handa na rin si Gelo sa inaasahan niyang pagbuo nila ng bagong pamilya. Ngunit pagkatapos ng araw na iyon ay hindi niya inaasahang magbabago ang pananaw ng nobyo. "Hindi pa ako handang magkaroon ng pamilya, Elle and I'm sorry kung nagpadalus-dalos din ako. Sana ay nagawa ko pang pigilan noon na wala munang mangyari sa atin." "So, what are you trying to say? Na hindi mo 'to pananagutan? How could you do this? Mas pinili kita kaysa sa pangarap ko tapos iiwan mo lang ako nang ganito?" "No, hindi naman sa hindi ko 'yan pananagutan. Elle, may sarili pa akong pangarap at gusto kong tuparin muna 'yon bago bumukod at bumuo ng sariling pamilya. At kung hindi mo kayang hintayin ang araw na 'yon ay mas mabuti na lang na maghiwalay tayo." Doon niya nasampal si Gelo, dahilan nang pananahimik nito. "How dare you to say that words. Maybe, you don't really love me to fight for us.. Gelo, I thought na magiging masaya ka kapag nalaman mong magiging ama ka na. But I never thought that we will end our relationship like this," naluluha niyang sabi na nakapag-isip-isip din naman kay Gelo ng tama. Kaya two days after their break up ay hindi niya inaasahan ang biglang pamamanhikan ni Gelo kasama ang magulang nito. Out of her knowing na nagkasundo na pala ang kani-kanilang magulang para maikasal sila as soon as possible habang hindi pa ma lumalabas ang bata mula sa kaniyang sinapupunan. "Ayaw naming matulad ang anak namin sa mga babaeng nabuntis at nanatiling ka-live in lamang ng isang lalaki. I want us na maging legal ang kanilang pagsasama, right, honey?" Iyon ang mga katagang narinig niya mula sa kaniyang Mommy Ella. At napatango naman ang kaniyang Daddy Esmael. "Pero, tita. I promised to Elle na tutuparin ko muna ang pangarap ko bago kami mag-settle," katwiran pa ni Gelo na mukhang pinipilit pa rin ang humiwalay sa kaniya. "Gelo, p'wede mo namang tuparin ang pangarap mong iyon habang nagsasama kayo ni Elle, all we want is to give our daughter a happy marriage life bago pa man maisilang ang aming apo. Hindi naman siguro makahahadlang ang anak namin sa pangarap mo," katwiran ng kaniyang Mommy Ella. Habang hindi niya rin naman inaasahan na sasang-ayon sa mommy niya ang ina ni Gelo. "Tama si balae, anak, gawin mo kung ano ang tama. Pakasalan mo si Elle." Ewan ba niya ngunit nang sandaling iyon ay kaniyang nakita ang lungkot sa mga mata ni Gelo nang marinig iyon, salungat naman sa nararamdaman niya dahil sa wakas ay maikakasal na rin siya sa lalaking mahal na mahal niya. But despite of the unexpected wedding plan, she never thought that it has a big consequence from her parents. Dahil isang araw ay hindi niya inaasahang masinsinan siyang kinausap ng kaniyang mommy bago pa dumating ang araw ng kanilang kasal ni Gelo. "Elle, ngayong magkakaroon ka na ng sariling pamilya ay asahan mong titigil na rin ang suporta namin sa'yo when it comes to financial matters, maliban na lang sa panganganak mo na shoulder pa rin namin dahil sigurado akong hindi pa magiging sapat ang ipon ng fiancé mo para matustusan 'yon." "But, mom--" "Hindi mo kailangang umangal dahil nagawa mo naman kaming suwayin. You were given a chance na tuparin ang pangarap mo, pinag-aral kita pero sinayang mo ang tiwalang ibinigay namin sa'yo ni daddy mo. Look at your Ate Gail, she has now earning with her job as an architect. Dahil hindi siya katulad mong inuna ang kalandian." "Mom, stop blaming me from all my fault." "Shut up, Elle. I just wanted to make things clear up to you. Dahil hindi ka man lang nag-iisip. Hindi ka ba naiinggit sa ate mo na ngayon ay posibleng makapangasawa rin ng ka-level niya in the future? Habang ikaw ay mas pinili mong maging housewife ng isang lalaking hindi naman mayaman." "Don't underestimate Gelo, mom. He is a good man. At nakikita kong pursigido lang talaga siya sa pangarap niya. Lalo na't nag-iisa lamang siyang anak nila Tita Angelou." "Oo nga at naroon na tayo, pero iba pa rin kung pumili ka ng mayaman. Edi sana ay hindi mo mararanasan ang hirap sa pag-aasawa. So that you could hire a nanny for our apo." "Mom, I owe Gelo too much, at naniniwala akong matutupad niya ang kaniyang pangarap. At kahit sa paraan lang nang pagsuporta ay maipakita't maiparamdam ko 'yon sa kaniya once na maikasal na kami." Hindi nga nagtagal at naikasal na sila ni Gelo. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni Gelo kahit nakangiti ito sa harap ng mga tao. And she felt uneasy to see it. Pero ayaw niya rin namang pigilan ang kaniyang sarili na maging tunay na masaya. Pero hindi niya akalaing ang araw na 'yon ay simula na ng kaniyang matinding kalungkutan na pilit nilalabanan sa araw-araw. Simula nang maikasal sila at magsama sa iisang bubong, sa nirerentahang bahay sa Manila ay hindi niya pa nakitang naging concern si Gelo sa kaniya. Pero masaya naman siya dahil hindi naman siya hinahayaan nitong mapagod. Dahil tuwing papasok ito sa trabaho ay maaga lamang itong kumikilos para magluto ng babaunin sa trabaho. Nagtitipid kasi ito sa nalalapit niyang panganganak at nagdodoble sikap para kahit papaano ay may ipon na rin para sa pagpapatayo nito ng sariling bahay. She could not see him a loving husband but she have felt the eagerness of Gelo to be a good husband. Para mabigyan sila ng maganda at maginhawang buhay. Bagay na mas lalo niyang minahal dito sa kabila nang paniniwalang napilitan lamang ito na pakasalan siya. Hindi niya namalayang basang-basa na ang kaniyang mata ng luha. Para sa kaniya ay napakasakit ng alaalang iyon sa tuwing binabalikan niya. At gusto niyang gawing inspirasyon 'yon para matuto sa nakaraan. Kung saan ay naging mahina siya at naging padalus-dalos. And now, she has planning to make Gelo realize that she's so worth fighting for. Na hindi dapat basta pinakakawalan ang isang Elle Agustin Madrigal. Sa isang cafeteria sa Manila ni Elle hinintay ang isang taong batid niyang makatutulong sa kaniya. Nakasuot siya ng denim sleeveless jacket at tinernuhan niya iyon ng black leggings. Naka-cap din siya at nakasuot ng rayban para matakpan ang namumugto niyang mata. Nang matanaw niya ang pagdating ng taong hinihintay ay kumaway siya para makita agad siya nito. Kaya naman dali-dali itong naglakad patungo sa kaniyang direksyon. "Mabuti naman at nakarating ka, ate." Yes, the person she was waiting for is Gail Agustin, her older sister, who has been an instant millionaire for four years. "O, akala ko ba ay isasama mo ang pamangkin ko?" pagpuna pa nito sa halip na sagutin ang sinabi niya. "Hindi niya dapat marinig ang pag-uusapan natin. Angelie is a smart kid at kayang-kaya niyang intindihin ng mga salita na bago sa pandinig niya." "O, how smart she is. Di bale, bibisita na lang ako sa inyo one of these days." "No need, magkita na lang tayo ulit kasama si Angelie." Bahagyang napataas ang kilay ni Gail sa kaniya. "O, it seems that you were hiding for something?" "You're right. Ayaw kong masaksihan mo na unti-unti nang nasisira ang binuo naming pamilya." Sandaling napatakip ng bibig si Gail habang hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya. Saka ito seryosong nagtanong da kaniya. "Teka, seryoso ba 'yan?" She gently nod her head. "That's why I need you, ate." Sandali pa siyang humugot ng lakas para sabihin ang mga katagang, "I need a big money." At doo'y narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "O, akala ko ba ay nahahawakan mo ang buong sahod ni Gelo? And now you are really desperate to have a big money? Akala mo ba ay napakadali lang kitain ng pera?" "Ate, 'wag mo na akong sermunan. Saka kung mahawakan ko man ang sahod ni Gelo ay kasyang-kasya lamang iyon sa pangbayad ng mga bills, suporta kay Angelie at sa in laws ko at ilan pang mahahalagang gastusin." "So, saan mo naman gagamitin ang pera? At bakit kailangang malaki?" "Para sa taong babayaran ko. Ate, Gelo was cheating on me at hahayaan ko na lang ba na mabalewala ang karapatan ko bilang asawa sa kabit niya?" Doon muling napatakip ng bibig si Gail. "O, my gosh. So, totoo nga ang hinala ko na hindi masaya ang pagsasama n'yong dalawa. At kung nagawa niyang mangabit, Elle, you're in the right decision para ipaglaban ang karapatan mo bilang asawa." Doon siya tipid na napangiti. "So, are you willing to help me?" "Yes I can. Pero hindi naman basta-basta ang pera, so I just want to make sure na may pupuntahan talaga iyang pinaplano mo. Sandali, ano pa lang pinaplano mo?" Mataman niyang tinitigan ang nakatatandang kapatid hanggang sa obligahin niya itong siya ang magmaneho ng sarili nitong sasakyan. "Saan ba tayo pupunta, Elle? Are you really sure about your plans?" "Of course, ate. Sa lugar kung saan gagawin ang plano," sinsero niyang sagot na nagpagulo sa isipan ni Gail. "Teka, magkano nga pala ang kakailanganin mong pera para ma-withdraw ko na." Napabuntong hininga siya at pasimpleng ibinulong dito ang hinihiling na halaga para tuluyang maisagawa ang plano. Kaya naman sandali silang huminto sa bank outlet para makapag-withdraw saka siya nagpatuloy sa pagmamaneho at tagumpay naman silang nakarating da Spa & Wellness na pinapasukan ni Deina Gomez. "Bakit naman tayo nagpunta sa isang Spa? Don't tell me na magpapalibre ka sa akin dito?" "You're right. We can spend a little money for this cheap Spa." Tipid naman siyang inirapan ni Gail. "E, bakit kasi rito pa?" "Hay, sige na nga sasabihin ko na. Dito ko minsan nakita si Gelo at mukhang sanay na rin siya sa service ng Spa na ito. At dito ko rin gustong makasiguro na kabet niya ba ang babaeng nakita ko rin dito na minsang masayang kausap niya." "So, are you willing to spend money for that? Paano naman ang taong balak mong bayaran?" Nang sandaling iyon ay napatanaw sila sa loob at doo'y namukhaan niya si Deina Gomez, ang babaeng pinaghihinalaan niyang kabet ni Gelo. "Nakikita mo ang babaeng katabi ng babaeng mistisa na 'yon?" Inginuso naman niya ang katabi ni Deina Gomez na nagngangalang si Claudine. "O, anong mayroon? Siya ba ang pinaghihinalaan mong kabet ng asawa mo?" "Sira! Hindi, siya ang p'wede kong gawing asset para kay Gelo at sa kabet nito." Matapos na sabihin iyon ay nagkangitian sila ni Gail habang mataman niyang tinitigan si Deina. Hanggang sa pumasok na sila sa loob at nagkunwaring mga bagong kliyente. Kung saan ay nakausap niya ng harapan si Claudine dahil isa ito na nasa front desk. Habang si Gail naman ang kausap ni Deina para aliwin ito upang hindi nito mamalayan na pasimple niyang kakausapin si Claudine. "Excuse me? What would you recommend to us for your good service?" Iyon ang mga katagang sinabi niya rito. "Ahm, ma'am, we do an extra care service to our clients especially for the beautiful client like you." Pakiramdam niya'y binobola lamang siya nito pero gusto niya pa ring ipakitang nice siya rito. "O, thanks. But--" Pasimple siyang bumulong kay Claudine. "Do you want an extra income? A sideline that you could earn an instant money." Nag-aalangan naman itong tumingin sa kaniya. "Anyway, here's my calling card, so you can contact me if ever you change your mind." "Ma'am." "Please take it. And I hope you trust me. Anyway, I would like to spend my hours here to try your service." "Ah, okay, ma'am. Halika po at sasamahan kita sa iyong magiging k'warto." Napatango siya at saka tinawag si Gail. Habang naglalakad ay pasimple siyang kinausap ni Claudine gayong itinabi na nito sa bulsa ang kaniyang calling card. "Ah, ma'am. Sigurado po ba kayo sa inaalok ninyong sideline? Willing naman po ako basta legal po, hah." Tipid siyang natawa habang sandali naman silang nagkatinginan ni Gail. "Of course, so when are you free para ma-discuss ko sa'yo?" "Ahm, actually after po ng oras ninyo ay lunch break ko na rin po." "Okay, good. You may contact me, so I will discuss to you right away." Tipid itong napatango sa kaniya at doo'y bumungad na sa kanila si Ted na naka-assign na mag-massage sa kaniya habang si Rex naman ang sa kapatid niyang si Gail. At habang nagre-relax ay laman pa rin ng kaniyang isipan ang mukha ni Deina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD