Chapter 10- Visit And Plan

2094 Words
AFTER WITNESSING a good reaction from Gelo's face while talking from a strange girl, ay hindi maiwasang magngitngit sa galit si Elle. "Ano ba, Elle, you should be calm despite of what you see," pagpuna sa kaniya ni France habang nagmamaneho na ito pauwi. Kung hindi lang naghihintay sa kaniyang pag-uwi si Angelie ay gusto niya pa sanang mag-eskandalo sa Spa para lang malaman ng lahat na siya ang asawa ni Gelo Madrigal. "You're right, France, but starting today, I have to make an action." Doon bahagyang napataas ang kilay ni France. "Then what do you wanna do?" "Ako mismo ang magsasabi sa parents niya na gusto nang makipaghiwalay sa akin ni Gelo. Na, all along our marriage ay hindi naman talaga kami masaya kung wala lang si Angelie na nag-uugnay sa amin." "What are you trying to say-- na gagawin mong pain si Angelie para sa'yo kumampi ang in laws mo?" "Exactly." Doon napabuntong hininga si France habang siya naman ay malayang sinabi ang mga katagang nais pa niyang sabihin. "I know na hindi ako matitiis ng mga in laws ko, France. Kaya pasensyahan na lang tayo. Gusto niya akong pagmukhaing desperada, then pagmumukhain ko naman siyang malaking kahihiyan!" Doon hindi maiwasang mapailing ni France sa sinabi niya. "Hay, I'm sure na gulo 'yang kahahantungan nang pinaplano mo. Why can't you just focus to some other guy instead of making a revenge to your tempo-legal husband?" "France, I love Gelo so much, I want to stay him in my life forever, pero kung hindi na talaga mangyayari 'yon ay hindi ko naman siya hahayaang maging masaya sa iba." "You're too desperate, Elle. I know na malaki lang ang pagkukulang sa'yo ni Gelo bilang asawa kaya nagagawa mong hanapin ito sa iba. At kung nagawa mo ngang hanapin sa iba ang pagkukulang niyang iyon ay bakit hindi mo na lang ipagpatuloy 'yon. Instead of being so desperate to Gelo," napapailing na anito. "France, it's not about that. Iba si Gelo, iba kapag mahal mo. At kahit napupunan ng iba ang pangangailangan ko-- at the end of the day ay kay Gelo pa rin talaga ako bumabagsak. I don't know why my eagerness of taking his love back to me could driving me crazy." Mahigpit na napakapit si France sa manibela kasabay nang pagpreno nang huminto na sila sa tapat ng bahay nila. "O, paano ba 'yan, lalo kang mababaliw sa kahihintay sa tempo-legal husband mo. Ayaw mo naman kasing makinig sa akin, e. Nandiyan naman si Jeremiah para pagtuusan mo ng oras at atensyon." At bago pa man siya tuluyang bumaba ng Renault kwid ni France ay diretsahan niya pa itong kinausap. "France, I said, iba si Gelo sa mga lalaking nakakasiping ko sa kama. At kung anuman ang namamagitan sa amin ni Jeremiah, ay hanggang kama lang 'yon at walang involve na attraction." Sandali pa siyang napairap na hindi naman naiwasang mapuna ni France. "Aba at tinatarayan mo na ako ngayon, Elle, hah?" Tipid naman siyang natawa. "Kung anu-ano kasing sinasabi mo. Hay, diyan ka na nga. Salamat ulit sa pagsama sa akin." Nang tuluyan na siyang makababa ay saka naman siya napalingon muli sa sinabi ng kaibigan. "Anytime, Mrs. desperate," pang-iinsulto pa nito na dahilan nang pagtaas ng kaniyang kilay. Saka natawa si France at sinabi, "Biro lang, ahm, sige na. Good night." "Good night," kalmadong tugon naman niya. At pagkapasok niya ng bahay ay nadatnan niyang gising pa si Angelie. "O, baby why are you still asleep this time?" "I've been waiting for you, mama for about two hours. At bakit madalas ka na pong umalis? Do you have a job like papa?" Tipid siyang napabuntong hininga. "No, baby, I do not have a job. But mama has an important thing to do. I just want to fight for our rights as a family. You would not understand now but someday, you will." "Mama.." Tutulo na sana ang luha niya sa sobrang bigat ng nararamdaman pero isang yakap mula kay Angelie ang natanggap niya na kahit papaano'y nagpagaan ng kaniyang kalooban. - Kinabukasan ay pinagplanuhan talaga niyang bisitahin ang kaniyang in laws kasama ang anak na si Angelie para pormal na makausap ang mga ito tungkol sa napipinto nilang hiwalayan ni Gelo. Given the fact that she's not thought that they were not surprised upon their visit. "Apo, mamita and mamito missed you!" Iyon ang ibinungad sa kanila ni Mrs. Angelou Madrigal, her mother in law, matapos silang makitang mag-ina. Wala man lang itong tanong-tanong kung bakit sila napabisita nang biglaan. Bagay na ipinagtaka rin niya. Nang mabaling ang tingin nito sa kaniya ay saka naman siya nagmano rito. "I was expecting that you came here for a visit. At heto nga, nandito kayo ng apo ko. But, where's Gelo?" "May pasok po," tipid na sagot niya. Nang maglakad sila patungo sa may salas ay doo'y nadatnan naman nila ang kaniyang father in law na si Mr. Evan Madrigal habang nakahiga sa may sofa at mukhang nagpapahinga. Napatayo pa ito nang makita sila at marinig ang tinig ng asawang si Mrs. Madrigal. "Evan, may bisita tayo." At ang seryosong mukha nito ay sumigla nang makita ang apong si Angelie habang seryosong tingin naman ang iginawad nito sa kaniya dahil na rin sa seryoso niyang tingin. "Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin, Elle," wika nito sa kaniya. Tipid siyang ngumiti bago pa man mapalingon muli kay Mrs. Madrigal sa sinabi nito, "O, kumain na ba kayo? Sandali at maghahanda na muna ako ng meryenda, hah? Angelie, apo, come to mamita, halika." "Mamita!" Masigla namang lumapit dito si Angelie at binigyan ito ng kaniyang mother in law ng laruang pagkakaabalahan sa may k'warto. Kaya naman naiwan silang dalawa sa may salas ni Mr. Madrigal para masinsinang makapag-usap. "Pa, bakit ine-expect po ninyo ang aming pagbisita?" "Ah, e, kasi, Elle, alam mo namang sabik na sabik kami palagi sa aming apo." Napatango siya. Sa sinabing iyon ng kaniyang in law ay mukha namang wala pa itong nalalaman tungkol sa pagsasama nila ni Gelo. "Gustuhin man naming bumisita sa inyo minsan ay hindi naman kinakaya ng oras dahil pagod na kami sa umaga pagkatapos magtinda ng almusal at madalas ay ipinapahinga na lang namin hanggang hapon. Kailangan magsikap para mabuhay sa araw-araw. Dahil 'yung perang inaabot minsan sa amin ni Gelo ay kasyang-kasya lang sa pangbayad ng kuryente't tubig at maintenance ko. Wala rin naman kaming sariling sasakyan para puntahan kayo roon anytime." "Hayaan n'yo po't ire-request ko kay Gelo na pag-ipunan niyang mabilihan kayo ng sasakyan, pa." "Naku, matatanda na kami ng mama mo. Ilaan n'yo na lang ang iipunin n'yo para sa future ni Angelie. At teka, kumusta na nga pala kayo ni Gelo?" Doon napawi ang munting ngiti niya sa itinanong nito. At sumunod pa ang isang katanungan na inaasahan na niyang maitatanong nito. "May problema ba?" "P-pa.. ahm, ang totoo niyan ay naparito kami para sabihin sa inyo na.. maghihiwalay na kami ni Gelo." "Ano? Nalaman mo na ba ang tungkol sa kabet niya?" Doon napakunot ang noo niya. "Kabet?" "Ah, nabanggit kasi sa amin ni Gelo na hindi na masaya ang inyong pagsasama. At ang masaklap pa ay idinala niya rito sa bahay ang babae niya para pormal na ipakilala sa amin. Aba't hindi rin nag-iisip itong anak ko, e. Tutol nga kami sa kalokohan niyang iyon." Matapos na marinig ang katotohanang iyon ay lalo siyang nagalit sa mga maling aksyon ni Gelo. Habang iniisip na ang tinutukoy ng kaniyang father in law na kabet ay ang babaeng nakita niyang kausap ni Gelo sa Spa. Masakit isipin dahil kasal pa sila pero kung ituring siya nito ay mas karapat-dapat pang manatili sa buhay nito ang isang kabet. "Pa, kailan pa ho niya dinala rito ang babae?" "Ah, nitong nakaraang linggo lang. Pero 'wag kang mag-alala, Elle, hinding-hindi na namin hahayaang makatuntong dito ang kabet niyang iyon at mas lalong hindi namin kukunsintehin ang anak namin sa panloloko niya sa'yo." "Dapat lang po at mas lalong hindi niya dapat ipamukha sa akin na mas pinipili niya ang kabet na 'yon kaysa sa aming mag-ina. Dahil kung mangyari man 'yon ay hindi ako magdadalawang isip na tanggalan siya ng karapatan sa anak namin." "Elle, iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Maaayos n'yo pa itong pagsasama n'yo. Sasaya at makukuntento ulit siya sa'yo. Ang kailangan lang ay mapaghiwalay silang dalawa ng kabet niya." Napatango siya. "That's why nandito po ako, papa. Para sana humingi ng tulong sa inyo-- tulungan ho ninyo akong mapahiya si Gelo sa kabet niyang iyon nang sa gano'n ay hiwalayan na siya nito at maging maayos na ulit kami." "Mapahiya? Bakit mo naman gugustuhing mapahiya ang anak namin? Gulo ang magiging epekto non, Elle." Natahimik siya sa narinig na hindi niya inaasahang manggagaling kay Mrs. Angelou Madrigal, ang kaniyang mother in law. "Mama," pagbigay puna niya rito. "Ano bang nangyayari? At teka, alam mo na pa lang may kabet si Gelo?" "Oo, mama. Kagabi ko lang nalaman na may kinahuhumalingan siyang babae at kanina ko lang nalaman na halos dalawang linggo na rin pala siyang may kabet." Napabuntong hininga si Mrs. Madrigal habang inilalapag sa may center table ang inihandang tinapay at juice. "I'm sorry kung hindi na muna kami nangialam sa hindi magandang pagsasama ninyo ng anak namin. Umaasa kasi kami na maaayos n'yo ito agad." "Kahit naman noong wala pa siyang kabet ay hindi na talaga kami masaya. Bibihira lang siyang humalik at yumakap sa akin at sa harap pa 'yon ng anak naming si Angelie. Simula nang maikasal kami ay parang hindi ko naramdaman na masaya siya sa pagsasama namin. Na kung hindi lang dahil siguro sa anak namin ay hindi niya ipapakita sa iba na masaya kami bilang isang pamilya. Masakit na iyon sa part ko bilang isang may bahay, pero hindi ko akalaing may mas sasakit pa pala. Dahil nitong mga nakaraang linggo ay ramdam kong mas nanlamig siya sa akin.. bilang nga lang ang gabing nagsiping kami simula nang maikasal kami at parang pilit pa siya kailan lang. Iyon pala ay may iba nang nagpapainit sa kaniya gabi-gabi." Nagngingitngit ang puso niya sa galit nang sabihin ang mga katagang iyon habang hindi maalis sa isipan niya ang itsura ng babaeng nakita kagabi na inaasahan niyang tinutukoy na kabet ng asawa. Pero kahit gano'n ay bahagyang nabuhayan ang kaniyang kalooban sa mga katagang sinabi ni Mrs. Madrigal, "I felt bad for you, Elle. You don't deserve it as a woman. And I felt sad na sariling anak namin ang kayang manakit at hindi ka kayang bigyan ng halaga. I understand your feelings at halatang frustrated ka sa mga pangyayari. Kaya asahan mong ang suporta namin ay nasa iyo." "Salamat, ma at pa. Kaya sana ay maintindihan n'yo rin kung bakit gusto kong mapahiya si Gelo sa kasalanang ginawa niya." "'Wag kang mag-alala, Elle at kung sakali man na wala ang aming presensya para masuportahan ka sa iyong nais gawin, asahan mong susuyurin namin ang buong Maynila at kami mismo ang magbubuko kay Gelo sa babae niya na kasal na siya sa'yo at may anak na," desididong sabi ni Mrs. Madrigal. "Pero hindi ba't gulo ang epekto niyon, Angge? Isipin mo na lang na kapag nag-eskandalo si Elle ay baka mas lalong mangati si Gelo na mangbabae," katwiran ni Mr. Madrigal. "E, ano bang nais mong mangyari, Evan? Na manahimik na lang itong si Elle?" "Hindi naman sa ganoon, Angge, ang punto ko ay bakit hindi na lang siya umaksyon ng lihim para kahit ganoon ay walang ideya ang anak natin na buking na siya." "P'wede rin ho, papa. Naisip ko na nga po 'yan. Para rin hindi basta-basta makipaghiwalay sa akin si Gelo. Kung magaling siyang mag-pretend ay mas magaling akong umarte na walang nalalaman. Everything will fall into place. Ang kabet ay mananatiling kabet. Magpakasaya lang siya sa piling ni Gelo habang hindi pa ako nagpapakilala sa kaniya. Kumbaga, namnamin na muna niya ang pagiging kabet bago ko siya sampalin ng isang katotohanang ako ang legal na asawa," napapangising aniya. "Okay, kung iyan ang kagustuhan mo ay susuportahan ka namin, Elle. Basta, ipangako mo lang na hinding-hindi mo ipagkakait sa amin ang apo namin anuman ang kahantungan ng pagsasama ninyo ni Gelo," umaasang wika ni Mrs. Madrigal. Tipid siyang napangiti kahit sa isip ay parang apo lang ng mga ito ang pinaka-concern ng mga ito at hindi ang nararamdaman niya. Kaya naman kahit nasabi na niya ang problema sa kaniyang in laws ay nag-aalinlangan pa rin siyang tumupad sa kagustuhan nitong mangyari in case na mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama ni Gelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD