Chapter 9- Masakit

1317 Words
NATURAL NA sa mag-asawa ang pag-aaway at pagtatalo, ngunit kung ang pagsasama ay wala ng involve na pagmamahal ay natural pa ba? Kahit nakagawian na ni Elle ang gumising sa umagang hindi yakap si Gelo ay hindi niya pa rin maiwasang maghangad ng kapalit sa pagmamahal na ibinibigay niya rito. Even if it was a one sided love. Even if she have different choices to forget him easily. Para sa kaniya ay iba pa rin ang mga yakap at halik ni Gelo-- iba pa rin kapag ito ang kasiping niya. Nang magsimula siyang bumangon ay pasimple pa siyang napasulyap sa parteng hinihigaan ni Gelo mula sa kama. Nakatalikod ito sa kaniya kung kaya't hindi niya alam kung gising na ba ang diwa nito o tulog na tulog pa. While gazing him, she begun to reminisce their old days together, and how funny 'cause it was so easy to let her tears were carried right away. Ilang saglit pa ay mabilis niyang pinunasan ang luha nang makita ang paggalaw nito. Saka niya hindi inaasahan na maririnig ang boses nito. "Bumangon ka na, hindi ka na ba inaantok?" Hindi niya alam kung patanong ba ang sinabi nito o pagpuna lamang kaya naman umabot pa ng ilang segundo bago ito bahagyang lumingon sa kaniya. "You don't have to pretend that you're happy. Elle, I hope you'll understand why I can't love you anymore." Ang sakit marinig niyon mula sa lalaking mahal na mahal niya. At bago pa man pumatak muli ang kaniyang luha ay tuluyan na itong bumangon para yakapin siya. A friendly hug that she never thought to received from him. At agad din naman itong bumitiw sa yakap. "I heard that you were dating someone." Doon namilog ang mga mata niya. At doon niya lang naalala na noong isang araw lang ay nakipagkita siya kay France para i-k'wento rito ang kalokohang ginawa niya. Pero hindi niya naman akalaing makararating agad ang balitang iyon kay Gelo. "Paano ko nalaman? Of course, sinundan kita noong isang araw. Yes, I saw a man in front of you, habang magkatabi naman kayo ni France. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagagawang kunsintihin ni France ang pakikipag-date mo ng basta-basta sa isang lalaki." "Gusto mong malaman kung bakit nagawa ko 'yon? Dahil palagi mong pinararamdam sa akin na hindi ako mahalaga. At sa paraang 'yon, ay sandali kong nakakalimutan ns martir ako at nagpapakatanga sa'yo." Doon ito napapikit. "I'm sorry.. But, Elle, I hope you'll understand, and you'll not be offended but, not only because hindi na kita mahal ay wala na akong pakialam sa'yo. You are still the mother of Angelie and I think, I deserve to know if where would you go or where you have been." "G-gelo.." "Wala namang kaso sa akin kung may idine-date kang iba, Elle. Tutal naman ay papel na lang ang nagpapabisa sa kasal natin, right? All I want is you'll become a good model to our daughter. Dahil ayokong dumating ang araw na maski ikaw ay sinisisi niya kung bakit hindi tayo nabuo bilang isang pamilya." Doon siya nagsimulang maluha. "Bakit parang ako lang ang masama rito? Am I not enough to be a good mother or a wife to you? O, sige, sabihin na nating nakikipag-date ako sa iba kahit kasal pa tayo, but at the end of the day, it was still you, who makes me truly happy. Kahit ang katotohanan ay hindi na talaga maibabalik sa dati ang init ng pagmamahal mo sa akin. Siguro nga ay malaking hadlang ako sa'yo kasi nagpabuntis ako kaya napilitan kang pakasalan ako." "No, no, stop blaming yourself. Kahit kailan ay hindi ako nagsisising nagkaanak ng maaga. Ang tanging pinagsisisihan ko lang ay naikasal ako sa panahong hindi pa ako handa." "Because you don't love me anymore. At kahit ibalik ko pa ang panahong 'yon ay naging alipin lang tayo ng hindi tunay na pagmamahal. Ako lang talaga 'yung nagmahal simula't sapul nang maikasal tayo. Siguro nga ay minahal mo ako pero puppy love lang 'yon at hindi true love.." "I'm so sorry." Masakit para sa kaniya na tanggapin ang mga salitang 'yon. Lalo na't buong buhay niya ay kaniyang inilaan kay Gelo. Mas pinili niya nga ito kaysa sa magandang career na nag-aabang sa kaniya noon. At hanggang ngayon, kahit malabong piliin pa rin nitong ayusin ang kanilang pagsasama ay hindi pa rin magbabago ang kaniyang damdamin na tanging kay Gelo niya lamang nararamdaman She can't let go this man who were once become her hope and happiness. At sa kalagitnaan ng katahimikan ay bigla na lang silang napatitig sa isa't isa. "Gelo, sa kabila ng mga nangyari ay may hiling lang sana ako sa'yo.." napapahikbing aniya. "Ano 'yon?" "Sana ay hayaan mong magpanggap pa rin tayong okay sa harap ni Angelie. Sana ay manatili ang pagpapanggap natin for the sake of our daughter. And I promise that, I will set you free." Walang alinlangang napatango si Gelo sa sinabi niya at para sa kaniya ay hindi pa rin lubos na matanggap ng puso niya ang pagpaparaya. At kahit masakit ay kailangan niya iyong gawin para sa ikapapanatag ng kaniyang puso. - Buo na sana ang desisyon ni Elle na palayain si Gelo sa kabila ng marriage certificate na nag-uugnay pa rin sa kanila bilang mag-asawa. At kahit sa kapakanan ni Angelie ay manatili ang sikretong matagal na silang hindi buo bilang isang pamilya. Ngunit isang araw, dahil sa pagiging obsessed pa rin niya sa pagmamahal ng asawa ay naisipan niya itong sundan sa trabaho hanggang sa oras ng uwi nito. And of course, nakiusap siya kay France na samahan siya gamit ang kotse nito para may service na rin siya sa pagpunta roon. Wala naman siyang nakitang babaeng umaaligid kay Gelo maliban sa ilang staff ng building na bet na bet ang kagwapuhan nito. In fact, hindi niya nakikita na third party dahilan para mas lumamig ang pakikitungo nito sa kaniya. At dahil doon ay umaasa pa rin siyang may pagkakataon para balikan nila ang nakaraan at makapagsimulang muli. "France, salamat sa pagsama, hah? Babawi na lang ako sa'yo kapag may pangbawi," aniya sa gitna ng biyahe. "Ano ka ba, para namang hindi tayo mag-best friend nito. Wala nang bawi-bawi, ang mahalaga ay nakatulong ako sa'yo. Para na rin magkaroon ka an ng peace of mind at nang makapag-move on na. Haler? Sa tagal ng proseso ng annulment dito sa pilipinas ay dapat ngayon pa lang ay magpa-file ka na." "Sira! Hindi naman ako makikipag-annulment ng basta-basta, 'no. Para naman, lumabas na kabet kung sinuman ang babaeng susunod na mamahalin niya." Doo'y bahagya pa silang nagtawanan. Hanggang sa natigilan sila at nagtaka nang huminto ang mercedez benz ni Gelo sa isang Spa & Wellness. "Aba! At mukhang may balak pang mag-relax itong tempo-legal husband mo after your hiwalayan," pahapyaw na biro pa ni France. "Sige lang, habang ako naman ay walang tigil sa pakikipag-fling sa iba. At saka, bakit naman tempo-legal husband?" "E, siyempre, temporary na lang ang pagiging legal wife mo once na si Gelo mismo ang mag-file ng annulment." "No, hindi ako makapapayag," mariing aniya. At doo'y bahagyang napataas ang kilay niya. At mas lalong napataas ang kilay niya nang mapuna na masayang nakikipag-usap si Gelo sa receptionist ng Spa & Wellness na iyon. Na lingid sa kaniyang kaalaman ay si Deina Gomez. "And why would you not let him to let you go and be free. Besides, matagal naman ang proseso ng annulment dito sa pilipinas kaya, p'wede mo pang namnamin ang apelyido niyang Madrigal." "Sira! Of course, I won't let that happen. Lalo na ngayon at mukhang may iba na siyang kinahuhumalingan." Kahit todo ang pagtaas ng kilay niya ng sandaling iyon ay hindi maitatanggi ng puso niya na nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil kahit siya pa rin ang legal na asawa at may karapatan ay wala naman na siyang kahit anong puwang sa puso ni Gelo Madrigal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD