FOR SOME cases, it was hard to divide Gelo's time between Deina and Elle. Lalo na kapag kinakailangan niyang umuwi ng maaga dahil sa paglalambing ng anak niyang si Angelie. Angelie is only three years old. At habang lumalaki si Angelie ay mas lumalaki ang kaniyang responsibilidad dito. Kung p'wede nga lang na tumira na lamang ito sa puder ng magulang niya ay mas panatag pa siya gayong napupuna niyang napapadalas na ang pag-alis ni Elle.
Paalis na sana siya nang maramdaman niya ang pagsunod sa kaniya ng anak na si Angelie hanggang sa may living room.
"O, baby, what's going on? O, I forgot.. I'm gonna kiss you before I leave," sabi niya at mabilis naman niyang niyakap at hinalikan ang anak. Subalit napuna niya na malungkot ang tingin nito at tila may nais itong sabihin. "Baby, do you have something to tell me?" At doo'y dahan-dahan itong napatango.
"Papa, I miss you. Please come home early after your work so we are going to have a family bonding. I miss our bonding together with mama.." paglalambing nito sa kaniya na hindi niya naman magawang suwayin. Kahit pa nakatakda ulit silang magkita mamaya ni Deina.
Sa puntong iyon ay hindi naman sila naiwasang madatnan ni Elle. Kaya naman pasimple siyang sumusulyap sa asawa habang sinasabi ang mga katagang, "Okay, baby, we will going to have a family bonding later. Saan mo ba gustong pumunta?"
"Just stay here, papa. Have a dinner with mama 'cause I just wanted to make us complete." Nang sabihin iyon ni Angelie ay kakaibang excitement naman ang naramdaman ni Elle. Habang hindi nila maiwasang magkatitigang mag-asawa.
"Okay, I promise that I will cancel all my meetings just to make it up to you and your mama." There's a little nervous when he said those words.
At isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kaniya ng anak na si Angelie. "Thank you, papa. Hihintayin po kita." He smiled. Bago pa man tuluyang umalis. Ni hindi na siya nagpaalam kay Elle kasabay ang halik na nakagawian niya noon. Bagay na lihim na namang ikinalungkot ng asawa. In fact, Gelo's changes was he never thought that a little bit frustrating to their daughter. Hindi niya naisip na sa gulong kaniyang pinasok ay ito ang unang maaapektuhan. Wari ay napapansin na nito ang madalas nilang hindi pagsasama nang buo bilang isang pamilya. Dahil kung mangyari man 'yon ay sa tuwing rest day niya lamang.
Bago niya pa man paandarin ang mercedez benz ay napangiti naman siya nang simpleng mabasa ang text message sa kaniya ni Deina. Bumabati ito ng magandang umaga at pinaaalahanan siyang 'wag magpalipas ng gutom. Bagay na nagbibigay ng kiliti sa kaniyang puso pero kalauna'y biglang napawi ang ngiting iyon nang maalalang hindi niya ito p'wedeng makasama mamaya.
He drove the car and he was safe as he went to the work place. Kaya naman bago pa man siya pumasok ng building ay naisipan na niyang tawagan ang nobyang si Deina.
"Hello, Gelo?" Natunugan niyang nasa biyahe pa ito papasok sa trabaho.
"Good morning to my beautiful, Deina." He smiled. At hindi niya alam ay napangiti rin si Deina mula sa kabilang linya.
"Good morning. Na-received mo ba ang text ko?"
"Yeah, that's why I called you. And I just wanna say that I am going to miss you."
"Bakit? Aalis ka ba?"
Tipid siyang natawa. "No, ahm, actually my daughter Angelie, was softened by me earlier. At ayoko naman maging malungkot ang anak ko. So, I am asking if, okay lang sa'yo na hindi muna tayo magkita mamaya?"
"Oo naman. Siyempre, anak mo 'yon, e. Hindi kita pipigilan do'n. She deserve to have a precious time with you."
Napangiti naman siya sa pagiging understanding ni Deina. "Okay, thank you, my beautiful, Deina. I promise that I will make it up to you." Narinig pa niya ang mahinang pagtawa nito.
"Ikaw talaga, you never failed to make me smile everyday. O siya, sige na, pababa na rin ako ng tricycle, e. Mag-ingat ka, hah? I love you."
"Okay, you too and I love you more. I will miss you."
"Isang araw lang naman, e. Sige na, bye," sabi pa ni Deina bago pa man tuluyang ibaba ang linya.
Para sa kaniya ay marinig lang ang boses ng nobya ay buo na ang araw niya. Ang kaso ay may parte sa sarili niya na natatakot sa kung anumang posibleng mangyari kapag dumating ang araw na malaman ito ni Elle. In fact, he was trying to fix everything a little by little, dahil ayaw niya namang madaliin ang pakikipaghiwalay sa asawa.
Nang makaakyat siya ng building ay kinumusta agad siya ni David tungkol sa plano niya ngayon sa dalawang babae sa buhay niya. Tutal naman ay hindi gaanon ka-hassle ngayon ang mga paper works kaya p'wede naman silang pasimpleng magkwentuhan at mag-yosi break.
"Nakapag-isip-isip ka na ba or I mean, nakapagdesisyon ka na ba, brad?"
Bahagya siyang napabuntong hininga. "Nasa isip ko pa rin ang desisyon ko. Ayokong madaliin ang lahat. Lalo na't ang unang maaapektuhan dito ay ang aming anak na si Angelie."
"Iyon na nga, brad. May anak kayo ni Elle, kaya hangga't maaari ay magdesisyon ka na sa paraang alam mo kung ano ang makabubuti."
"So what are you planning to say? Na mamili na ako between Elle and Deina?"
"Oo, that's the best thing to do. Alam kong mahirap pero kailangan mo nga iyang gawin."
"I have said to you last time na alam ko na kung sino sa kanila ang dapat i-keep at i-let go, pero sa ngayon ay hindi pa ako madidiktahan kung dapat ko ba talagang mamili. Deina and I have a happy affair even if the world might against us while Elle has keep in touch with our promise as husband and wife. Angelie, my daughter on the other has trying to fix everything. David, things may be hard now, pero alam kong ito muna ang alam kong makabubuti sa lahat."
Dahan-dahang napatango si David habang hindi nito maiwasang mag-alala sa kaibigan. "Alright, it's your choice, it's your mind, it's your heart. But I have always here to remind you that there is no good outcome upon a forbidden relationship. Kahit sabihing masaya ka kay Deina, kasal ka pa rin sa mata ng Diyos at ng tao." Matapos sabihin iyon ni David ay naiwan siyang tulala. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pasalamatan si David sa pagpapayo nito sa kaniya o kung dapat ba niyang isiping banta si David sa kaniyang mga plano sa buhay. In fact, David is a good friend. At napaka-genuine nang ibinibigay nito sa kaniyang friendship. Ngunit, ayaw niya man balewalain ang mga sinabi nito ay doon pa rin siya sa desisyon na alam niyang magiging tunay siyang masaya kahit kasalanan man iyon sa mata ng Diyos at ng ibang tao. He would rather to choose Deina between Elle, but he could willing to give everything for the sake of his wife and daughter.
-
Kalauna'y natupad nga ang kaniyang promise kay Angelie na uuwi siya ng maaga after work upang makapagbonding sila bilang isang pamilya. For some reason ay nagpahanda na siya kay Aleng Ester ng pagkain para sa dinner dahil sasabay siyang mag-dinner ngayon sa kaniyang mag-ina.
Ginataang adobo at pork shanghai ang ni-request niyang ulam para sa hapunan dahil alam niyang paborito iyon ni Elle. At bago umuwi ay dumaan siya sa isang pastry shop para bumili ng caramel cake na paborito namang cake ni Angelie. Pagkatapos ay dumaan naman siya sa isang flower shop para bumili ng bouquet of flowers para kay Elle. All was good to see that he could do this again for his family. A family that he never thought to be suddenly broken while trying to fix secretly and pretend happy for the sake of Angelie.
"Papa!" Isang masayang pagsalubong ang ibinungad sa kaniya ng anak na si Angelie habang si Elle naman ay tipid na nakangiti sa kaniya.
Mas lumapad pa ang ngiti ni Angelie nang itaas niya ang box ng cake na hawak sa harapan nito. "For my beautiful daughter, like what I said, I will make it you and your mama."
"Thank you, papa!" Isang mahigpit na yakap pa ang ibinigay sa kaniya ni Angelie bago pa man siya tuluyang lumapit sa asawang si Elle.
Doon pa lang ay maluha-luha na ito habang ipinapalad niya rito ang bouquet ng bulaklak sa kamay nito. "For you, my wife." Aminado siyang hindi labag sa kalooban niya ang pagpapanggap na iyon para lang masabi na masaya pa rin ang kanilang pagsasama. Para lang masabi na kumpleto at masaya pa rin silang pamilya. Pero hindi maitatangging si Deina pa rin ang laman ng isip niya at ini-imagine na tatanggap ng flowers.
"T-thank you.." maluha-luhang sabi ni Elle kahit sa loob nito'y ngayon lang iyon mangyayari at hindi alam kung kailan ulit p'wedeng maulit.
Tipid siyang ngumiti at magkakasama silang nagtungo sa may dining area kung saan ay nakangiting naghihintay si Aleng Ester. Nakahain na sa may lamesa ang ni-request niyang mga pagkain kasama ang drinks.
"Aleng Ester, sumabay ka na rin sa aming kumain, napakarami nitong pagkain," aniya at napangiti naman si Aleng Ester.
"Yehey! Kasabay natin si yayang kumain!" masiglang sabi pa ni Angelie.
"Hindi ko po iyan matatanggihan, Sir Gelo," anito na simpleng ikinatawa nila.
Mahahalata kung gaano kasaya si Angelie sa pangyayaring iyon. At sa muling pagkakataon ay magkatabi silang kumain ni Elle habang magkatabi naman sina Angelie at Aleng Ester. Hanggang sa matigilan sila pareho ni Elle sa sinabi ni Angelie, "Mama, papa, sana ay palagi po tayong ganito. Sabay-sabay na kakain for dinner."
"Ahm, baby, papa has a job. I need to work so hard for your future. And a moment like this would be happen only for once in a blue moon. I hope you'll understand that." Pagkasabi niya no'n ay nagkatinginan muli sila ni Elle at tipid itong ngumiti.
"Your papa was right, Angelie. For now, you would not understand the pressure of being a mother and father when it comes to responsibility. At nais naming malaman mo na ang lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti mo."
Napabuntong hininga siya sa sinabi ni Elle. In fact, he was admiring her for being a good mother despite of their unhappy marriage. To raise a child was a hard obligation but a happy thing that you can treasure for a lifetime.
Sa tuwing magtatama ang kanilang braso ay bahagya silang natitigilan, sandaling bumabalik ang panlalamig sa isa't isa pero sa huli ay naiisip pa rin nila ang dapat gawin. Sa halip na ipakita sa anak na hindi talaga sila okay at hindi na masaya ang kanilang pagsasama.
"It was a nice dinner, love," wika pa niya sa gitna ng katahimikan matapos ang dinner. Kasalukuyan na silang nagpapahinga no'n sa may sofa habang nanunuod ng TV at pinagigitnaan naman sila ni Angelie.
"Ahm, y-yeah.." Sa katunayan ay may halong pagkailang pa rin si Elle na nararamdaman sa tuwing umaarte si Gelo na maayos pa rin silang dalawa. Anong kirot sa puso't isip niya na pagpapanggap lamang ang lahat sa harap ng kanilang anak na si Angelie. At laking pasasalamat niya na lang dahil mayroon silang anak na nag-uugnay pa rin sa kanila kaya hindi siya nito magawang iwan kahit ramdan na niya na roon papunta ang kanilang pagsasama.
"Mama, papa, p'wede bang tumabi ako sa inyo ngayong matulog?" Sandali silang nagkatinginan.
"Ahm, p'wede naman, baby," walang alinlangang sagot niya habang may pagsulyap pa rin sila sa isa't isa ni Elle.
"But, baby, malikot ka sa higaan and you're already a big girl."
Doon napasimangot si Angelie. "But papa told me na kahit big girl na ako ay baby niya pa rin ako," katwiran ni Angelie. And she never thought that a three year old kid was able to defend herself.
"Oo nga naman, love. Angelie was still our baby girl."
"But--" natigilang aniya. Lalo na't nais niya talagang ipagpilitan na roon na lamang sa sariling k'warto ni Angelie ito matulog. Dahil umaasa siya na muling tatamis ang kanilang pagmamahalan dahil sa pangyayari.
"Love, kahit ngayon lang ay hayaan mong tumabi sa atin si Angelie, ngayon lang naglambing ang anak natin." She smiled. Pero sa loob-loob niya'y may halong lungkot na nararamdaman. Na kahit maganda ang ipinapakita ni Gelo sa kanilang anak ay aminado siyang parte lamang iyon nang pagpapanggap. Palabas lamang iyon na hindi niya alam kung kailan ulit p'wedeng maranasan.
Kalauna'y dumating ang oras ng pahinga at pareho nilang yakap si Angelie sa pagtulog. Hanggang sa bago pa man niya ipikit ang mga mata ay hindi na nagpapigil ang kaniyang luha sa kaniyang tunay na nararamdaman. That she was drowning by guilt and loneliness. That their unhappy marriage was giving her a frustration for next days that they will going through.