AFTER A heart to heart talk with Deina, finally, Gelo has the right to do make things better-- a little by little. Pero dahil lingid sa kaalaman ng dalaga ang kaniyang totoong buhay bilang Gelo Madrigal ay mananatiling lihim dito ang kaniyang pagiging kasal kay Elle. Kahit batid naman na nito na may anak na siya.
Pagkapasok niya ng pinto ay hindi niya inaasahang seryosong mukha ng asawa ang bubungad sa kaniya. At habang pinapasadahan siya nito ng tingin ay lalo itong nagngingitngit sa galit dahil sa katotohanang late na naman siyang nakauwi.
"Where have you been, Gelo? I'd wait for you for too long! Even our daughter had asked about you. Ni hindi ko na nga alam ang idadahilan ko sa kaniya, e. At bakit napapadalas na yata ang pag-uwi mo ng late?" Mga katagang ibinungad sa kaniya ni Elle. Habang siya naman ay sinusuyod ang daan patungo sa may k'warto. And instead of getting argument with his wife, he just keep calmed but after a moment of silence, Elle would make a move that could make him angry. "Hey, kinakausap pa kita--"
"P'wede bang ipagpabukas mo na muna ang galit mo, Elle? I am tired tonight." Doon lalong naghinala si Elle. Isabay pa ang humahalimuyak na perfume na gamit niya na talaga namang nakakapaghinala.
"You are tired for something, not about your job." Doon siya napailing habang hindi naman maibaba ang pagkakataas ng kilay ni Elle sa harap niya. Humakbang pa ito palapit sa kaniya at mabilis siya nitong na-sentro ng tingin. "Am I right?" Bahagya pa itong natawa. "Sino ba naman kasing matinong asawa ang uuwi muna ng condo para mag-shower at magpalit ng damit doon after work? Hindi ba't ginagawa lamang iyon nang may kalaguyong iba?" Doon siya napakagat sa labi at pinilit umiling kahit saktong-sakto sa sarili niya ang mga katagang iyon.
"Stop accusing me, Elle. I love this family at hindi ko magagawang ipagpalit kayo ng anak natin para lang sa ibang babae." Sandali siyang napalunok sa sinabi niya. How funny that he could say those words without any frustration, lalo na't walang katotohanan ang mga katagang 'yon.
Nanatiling nakatitig sa kaniya si Elle at pasimple nitong sinapo ang kamay niya. "Siguraduhin mo lang, Gelo. Dahil kapag nagkataon na nagkamali ka, pasensyahan na lang tayo dahil mawawalan ka ng karapatan sa anak mo," kalmado ngunit puno ng galit na pagkakasabi sa kaniya ni Elle. At nang tuluyan itong lumampas sa kaniya upang makapasok na ito sa k'warto kung saan naroroon ang kanilang anak na si Angelie, ay doon lang siya nakahinga nang maluwag. "Anyway, diyan ka na muna matutulog sa may salas. Take it as a punishment by coming home late." Hindi niya maiwasang makaramdam ng kalungkutan. Lungkot dahil hindi naman talaga sana sila ganito, pero anong magagawa niya kung hindi naman talaga siya masaya sa piling ng asawa? Na pinipilit niya lang maging masaya para masabing buo silang pamilya. At kung bakit ba naman kasi siya nagpakasal ng maaga para lang masabing responsable siyang ama?
Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng k'wartong 'yon. Hindi man ito nakaharap sa kaniya ay batid niya na labis ang galit na nararamdaman nito. At hindi niya alam kung paano makababawi rito. Lalo na't sa tuwing lalambingin niya ito ay para bang malamig na rin ang pakikitungo sa kaniya ni Elle. Para bang sinasabayan din nito ang panlalamig niya at matatawag lang sila na mag-asawa dahil pareho silang naninirahan sa iisang bubong.
Out of his knowing that Elle would keep her mindset that she could not easily to forgive despite of the lack of time of her husband. Nagsisimula na kasi itong magduda at masakit para rito na isiping nawawalan na ng init ang kanilang pagmamahalan. That's the reason whe she become cold, until Gelo would find a way just to make things better. Elle seems trying to resolve their misunderstanding and she believes that their marriage would make them stronger.
Samantala'y nakita na lamang ni Gelo ang sarili niyang umiinom ng alak sa bar table ng kanilang kusina. It was ten o' clock in the evening and he would not still asleep. Iniisip niya pa rin ang nangyaring muntikang kahihiyan kanina. Na batid niya rin naman na p'wedeng maging banta para hindi niya na tuluyang mahalin si Deina. And yes, kahit sabihing inamin na niya kay Deina ang ilang bahagi ng kaniyang pagkatao ay panloloko pa rin ang ginagawa niya lalung-lalo na kay Elle.
But in fact, kahit muntikan na siya kanina ay malabo pa rin namang pagdudahan siya ni Deina lalo na't simula pa lang ay sinabi niya na ritong may anak na siya. Ang mali lang ay sinabi niya ritong hiwalay na siya sa asawa. But, would it still be consider a mistake knowing that he has been married for Elle for four years by regrets, and then he would fall in love with Deina even in a short period of time?
Mula sa kusina ay hindi niya inakalang madadatnan siya ni Aleng Ester na umiinom ng hating gabi. "Sir Gelo? Bakit ka po nag-iinom? May pasok ka pa po bukas, 'di ba?"
"Pangpatulog lang, Aleng Ester," sagot niya.
"Pero halata pong may tama ka na, Sir Gelo, kaya matulog ka na po."
"Ubusin ko lang 'to--" Tutunggain niya na sana ang huling bote ng beer nang makita niyang may pumigil na kamay sa braso niya.
"Who says to you na uminom ka, Gelo?" kaswal na pagkakasabi nito at sa pagkarinig pa lamang ng boses nito ay nanaig ang paniniwala niya na hindi siya kayang tiisin nito. Nagisnan niyang seryoso itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang bote ng beer. "Aleng Ester, maiwan mo na muna kami." Napatango naman ang katiwala bago pa siya naglakas loob na magsalita.
"Hindi naman tayo magtatabi sa higaan kaya okay lang naman siguro na mangamoy alak ako, 'di ba?" katwiran niya rito kahit ramdam na niya ang pagkahilo.
"And, do you think that I will endure you all night?" Doon napaawang ang bibig niya. Hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa tumama ang paniniwala niyang hindi siya matitiis nito.
Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang kamay nitong pumulupot sa kaniyang batok. At walang pasabing hinagkan siya nito ng kay diin at puno ng kasabikan. "Elle.." He whispered but Elle would not stop from kissing him.
Ilang sandali pa ay pahapyaw itong bumulong sa kaniya. "I miss you so much, Gelo. Please make me happy tonight and I promise you that we will going back normal together." Hindi pa man siya nakasasagot ay sinalubong na siya nito muli ng halik. Mapusok ang halik na 'yon na unti-unting nagpapahina sa kaniya. Dahilan para hayaan niyang ang gabing iyon ay magbigay init sa kanilang dalawa. Hanggang sa unti-unti nitong hinuhubad ang kaniyang pang-itaas na damit habang siya naman ay nagiging malikot na rin ang kamay para suyurin ang pribadong parte nito.
He doesn't know why but a moment of their eagerness to become as one was brought him of thinking that he could cheat the same thing he did for Elle. At sa unang pagkakataon ay nagawa niyang magtaksil kay Deina bilang nobyo na nito ngayon. And for him, it was once a mistake to get cheated upon his relationship with Deina, even if the person behind it was his wife.