Chapter 6- Back To Normal

2090 Words
THE MOMENT would become normal again to the both of them as a married couple. After they had spent a wild night together, last night. Kahit pa batid ni Gelo sa sarili na pagtataksil naman iyon para kay Deina. Katulad kagabi ay nanatili silang magkayakap sa may kama habang hindi pa rin inaalis ni Elle ang pagkakapulupot ng braso nito sa kaniya. Elle have seems missed him. At hindi niya ito masisisi kung gaano ito kasabik at kaganado kagabi sa kama. Natatandaan pa niyang lumipat pa sila kagabi sa may k'warto upang maipagpatuloy ang bagay na matagal niyang hindi ibinigay sa asawa. He tried to forget Deina even in a moment that he had spent with Elle last night, but he can't. Dahil tila paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan ang katotohanang pagtataksil sa dalaga. Ngunit, pagtataksil nga bang maituturing kung legal na asawa niya naman ang kaniyang kasiping? "Let's have a breakfast together, love." Nabalik siya sa realidad nang marinig ang tinig ni Elle. In fact, it was unfair for Elle's part to be cheated even in his mind that a person that was longing for him all night was Deina. Ilang sandali pa ay mas humigpit pa ang pagkakayakap ng braso nito sa kaniya. Pero pinili niya pa rin i-segway ang usapan. "How about, Angelie? Gising na kaya siya?" "I think she's still asleep. Hayaan mo na munang bumawi ng tulog ang anak natin." Pinili niya nang kumilos dahilan para mapabitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya si Elle. Ramdam naman ni Elle ang medyo panlalamig niya pero ipinagsawalang bahala na lamang nito iyon, ang mahalaga naman ay hindi siya nakatanggi rito at napunan niya ang pagkukulang na hinihiling nito. Pagkaraan ng ilang segundo ay tumayo na siya para itupi ang kumot, at inayos din niya ang nagulong bedsheet, habang si Elle naman ay mataman lamang siyang pinagmamasdan. Hanggang sa matunugan niya ang hagikhik nito na kaniyang ikinalingon dito. "Why are you giggling?" "I'm just thinking how we missed each other." Naglakad pa ito palapit sa kaniya upang yakapin siya mula sa likuran at sinabi, "And if you want to make it again, nakahanda ako palagi, love." Parang may kung anong kilabot ang dating niyon sa kaniya. Kilabot dahil gugustuhin ba naman niyang magtaksil muli para kay Deina. Pero ayaw niya namang pigilan ang pagiging sweet ngayon ni Elle matapos ang kanilang misunderstanding these past few days. Gusto niya na sana itong patulan upang matapos na ang pagnanasa nito ngunit nang makita niya ang orasan ay saka siya natauhan. "Kailangan ko na pa lang mag-asikaso, l-love." "Ah, okay." Ramdam niya ang panghihinayang sa boses ni Elle. Kaya naman simpleng halik sa pisngi ang iginawad niya rito upang kahit papaano'y maiparamdam niya sa asawa ang init ng kaniyang pagmamahal kahit nanlalamig naman na talaga. And in fact, an hour was a great excuse for him to not let it to happen again. Pakiramdam niya kasi ay napakalaking kasalanan na ang nagawa niya kay Deina, bukod pa ang pagsisinungaling dito na hiwalay siya sa asawa. Kahit sa trabaho ay dala-dala niya ang isiping pagtataksil kay Deina. Na hindi niya naman akalain na sobrang unfair para kay Elle kapag nagkataon na malaman nitong may kahati na ito sa puso niya. But, it seems so hard to adjust for everything, lalo na't hindi niya pa alam kung paano unti-unting maitama ang lahat. And the only thing he knew that was right for the mean time is to stay for the both woman and giving them a fair love and attention. Ngunit, paano niya naman magagawa 'yon kung batid niya na mas matimbang naman talaga ngayon sa kaniya si Deina? "What's bothering you, brad?" Napalingon siya sa boses na iyon. It was from David, his college best friend na pareho nilang tinahak ang landas ng marketing sa isang real estate company. Kung saan ay nagbebenta sila ng bahay at lupa. During free hours ay humihithit talaga siya ng yosi lalo na't sadyang malalim ang kaniyang iniisip. At bago pa man siya magsalita ay nakita niyang tumabi na ito sa kaniya. "I am just wondering, brad. You know, how my life became uneasy when I got married to Elle. In fact, tinanggap ko nga na magiging mapagpanggap na talaga ako habang buhay, e." Pahapyaw na napangisi si David. "Matagal ko naman na kasing sinasabi sa'yo na if you were not really happy with your marriage, walang masama kung makipaghiwalay ka." "But, how about my daughter? Sigurado akong ilalayo siya sa akin ni Elle kapag nagkataon." "'Wag ka nga munang mag-over think. Isipin mo na muna ang sarili mo. You know, iba pa rin ang pakiramdam kapag mahal mo talaga ang iyong piniling makasama habang buhay. You deserve to be happy, brad." Naramdaman pa niya ang pagtapik nito sa kaniyang balikat. Subalit sandaling napaawang ang bibig nito sa sinabi niya, "Honestly, I was happy right now, from another woman." "Seriously? Pinagsabay mo ito kay Elle?" Tila nahimasmasan naman siya nang marinig ang katanungang iyon. Kaya sinigurado niyang walang ibang makaririnig sa usapan nila. "Yeah, and you would not believe me but this woman has captured my heart easily. Para bang ayoko nang pakawalan pa siya kaya ginawa ko ang lahat para mapasagot siya." "Naku, mahirap 'yan. Pinagsabay mo pa ang dalawa. Paano na lang ang mararamdaman ni Elle? Brad, hindi naman sa pinipigilan kitang maging masaya pero ang sa akin lang ay sana, itinama mo muna ang lahat bago ka pumasok sa isang sitwasyon." "I knew that, David, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong magmahal, it was once in a lifetime, brad. At ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasaya. Iba kasi kapag kasama ko siya, e, kahit sandaling oras ko lang siya p'wedeng makasama." "Nakaw na sandali. Gano'n ang set up n'yong dalawa. E, teka, alam ba nitong babae na may asawa't anak ka na?" "Ang sabi ko lang ay may anak na ako at hiwalay sa asawa." Doon napabuntong hininga si David habang napapailing. "Hay, you made things so mess. Pero, brad, ipinapaalala ko lang sa'yo na walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya kung ako sa'yo, habang maaga pa ay mamili ka na sa dalawa kung sino ang dapat i-keep at i-let go sa buhay mo." "Kahit naman alam ko na sa dalawa kung sino ang dapat i-keep at i-let go ay magiging mahirap pa rin ang sitwasyon lalo na't may anak kami ni Elle." "Iyon na nga, brad. May anak kayo at kasal pa. Kaya mahirap na sitwasyon talaga 'yang pinasok mo," napapailing na anito. "Pero kay Deina lang ako masaya, brad." "Deina?" Sandali pa itong napabuntong hininga. "Kung sino man iyang Deina na 'yan ay dapat niyang malaman ang totoo, brad. At isa pa, kapag nakarating ito kay Elle ay tiyak na gulo ang mangyayari." "It's hard to decide, brad.." wika niya na lalong ikinailing ni David. "Hay, whatever happens, choice mo 'yan. Basta, maaasahan mo akong suportahan ang kalokohan mong 'yan," napapangising anito. "Thanks, brad." Tipid pa itong ngumiti bago pa man niya tuluyang itapon ang filter ng yosi. - Sa kabila nang pagiging back to normal ng pagsasama nila ni Elle ay nagpatuloy pa rin ang paglabas nila ni Deina bilang magkasintahan. And in fact, David was right. He should choose between Elle and Deina, ngayon pa lang. Pero para sa kaniya ay napakahirap magdesisyon sa ganitong sitwasyon kung paano siya magiging tunay na masaya o mapapasaya naman ang legal na asawa. Kagaya nang dati ay gabi na muli ang uwi ni Deina. Samantala'y mabilis naman kumalat ang balita sa Spa & Wellness na pinapasukan nito na nobyo na siya ng dalaga. Luckily, ay wala naman siyang dapat ipangamba dahil malabong may nakakakilala kay Elle sa mga staff doon para mabuking ang kalokohang pinaggagawa niya. At habang natatanaw niya si Deina na kausap ang kaibigan nitong si Ted ay pinakalma niya naman ang sarili sa isiping gumugulo sa kaniyang isipan. Isabay pa ang mga salita ng kaniyang magulang para sa relasyon nila ni Deina na para sa kaniya ay nakakawalang gana. Marahil ay mahirap din para sa kaniya na magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya. Kung saan ay masaya siya sa isa habang ang isa naman ay masaya para sa kaniya. Samantala'y hinintay niya ang pagpasok ni Deina sa kaniyang Mercedes benz bago pa ito sinimulang paandarin. "Where do you want to eat for dinner?" Iyon agad ang katanungang ibinungad niya rito na bahagyang nagpangiti rito. "Kahit saan naman, Gelo," kaswal na anito. "No, it's not the right term. I will take you for somewhere that is a special place." Tipid na ngumiti si Deina habang pasimple niya namang hinawakan ang kamay nito. At doo'y napuna niya na malamig ang mga kamay nito. "Ang lamig ng kamay mo." Kaya naman habang nagmamaneho ay hindi niya inalis ang pagkakahawak ng kaniyang isang kamay sa palad nito. "Baka naman gusto mo nang bitiwan ang kamay ko?" sabi ni Deina nang huminto sila sa isang park. At kung hindi lang sana niya ihihinto sa pag-andar ang sasakyan ay hindi niya bibitiwan ang kamay ng nobya. Maganda ang ambiance roon dahil sa nagkikislapang mga ilaw sa gabi. At sinigurado naman ni Gelo na safe place iyon para sa kanila. Na walang kahit sino ang p'wedeng makakilala sa kaniya. P'wera na lamang kung may kakilala siya na magagawi roon. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Deina hanggang sa maupo sila sa mga bench doon. "Alam mo, first time kong makipag-date sa isang babae sa isang park," aniya. Totoo naman kasi. All along his married relationship with Elle ay madalas sa mall o restaurant lamang sila lumalabas at kung madalas pa ay kasama nila si Angelie. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Deina. Dahan-dahan siyang napatango. "That's why I must say that this place was so special to me. Lalo na't first time kitang nakasama rito." May kung anong epektong kilig iyon para kay Deina lalo na nang mas higpitan pa niya ang pagkakahawak sa palad nito. "Uminit na ang palad mo. Siguro ay dapat palagi kong hawak 'yan para hindi lumamig kapag malamig din ang panahon." It was from the month of June kaya natural lang ang malamig na panahon. And when Deina was smiled, he admit that the hard feeling inside him was suddenly gone. Para bang nagiging magaan ang lahat ng bagay kapag kasama niya si Deina. Kahit batid niya na maraming p'wedeng humusga sa relasyon nila. "Alam mo, noong bata pa ako ay masayang-masaya ako kapag ipinapasyal ako ng papa ko sa park," k'wento ni Deina na ikinagiliw niya. He loves to hear everything about her. That's why he used to ask for something. "Ahm, nga pala, kailan mo kaya ako ipakikilala sa parents mo?" Doon bahagyang nagsalubong ang kilay ni Deina. At pakiramdam niya ay tila hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi. Pero lingid sa kaalaman niya ang rason nito. "Ahm, ano kasi, Gelo.. hindi naman sa hindi ako proud sa'yo bilang nobyo ko, pero, ayoko kasing biglain sila mama. Lalo na't mataas ang expectation nila sa akin na wala pa sa bokabularyo ko ang pagnonobyo." "Gano'n ba? Kahit na.. gwapo ang nobyo mo?" Sumentro pa siya ng tingin dito habang nagpapa-cute sa harapan nito na ikinalapad naman ng ngiti nito. "Oo na, gwapo ka na. Pero hindi kasi sapat na rason 'yon para matanggap kaagad ng parents ko na may nobyo na ako." "But you're in a right age, Deina." "I know, pero alam mo 'yon, ayokong madaliin ang lahat. Let us enjoy our relationship nang hindi dumidepende sa pagtanggap ng iba, Gelo. And I know na kapag dumating ang araw na makilala ka ng parents ko ay unti-unti rin nilang matatanggap na balang araw ay magkakaroon din ako ng sariling pamilya." "I understand, Deina. Mas maganda nga ito, kaunti ang nakakaalam, kaunti rin ang p'wedeng mangialam sa relasyon natin." Hindi niya alam kung paano umaayon sa kaniya ang pagkakataon. Pero nais niya sana na kahit papaano'y maging legal din sila sa side ni Deina. Lalo na't tapat ang kaniyang hangarin para rito. Kahit pa may lihim siyang pilit iniingatan. And for some reason, iba pa rin kapag alam mong tanggap ka ng angkan ng minamahal mo. "I love you, Deina.." He genuinely said while holding her hand. Napangiti si Deina at nagawang tumanday sa balikat niya. Ewan ba niya kung bakit kahit wala itong sagot at kahit sa simpleng gesture lamang na iyon ay sobrang saya na niya. At kahit mahirap ang sitwasyon para sa kanila, kung alam niya namang dito siya mas sumasaya, ay handa niyang hamakin ang lahat at ipaglaban si Deina, anuman ang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD