Chapter 1
Athena POV
Kringggggggggg! Kringggggggggg! Kringggggggggg!
Nakapikit kong kinapa ang alarm clock sa side table ko. Unti unti kong minulat ang aking mata upang patayin ito.
"Hayyy! Buti na lang at Friday na today. Makakapagpahinga na ko tomorrow."
Agad na akong naligo, at pagkatapos ay nagritwal sa harap ng salamin. Hindi tulad ng ibang babae, wala akong masyadong inilalagay sa mukha. Tamang face powder at liptint lang upang hindi ako magmukhang uminom ng suka sa putla ng labi ko. Kailangan ko maging formal sa harap ng empleyadong kaharap ko, kahit na ba sabihin nila na pagmamay ari ng pamilya ko ang kompanyang pinapasukan ko ay nanatili pa rin akong formal sa pananamit at pananalita ko. Wala naman akong pakelam sa sasabihin ng iba pero bilang isang tao gusto ko rin naman na respetuhin nila ako hindi lang bilang isang anak ng may ari kundi bilang kapwa nila empleyado.
Sunod sunod na katok ang narinig ko kaya agad kong tinapos ang ginagawa ko at binuksan ko ito.
"Grabe naman makakatok, tatlo lang pwede na," at padabog kong binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko at agad na yumakap, " Kuyaaaaaa! I really miss you. Kailan ka pa dumating? Bakit ngayon ka lang dumalaw? Saan ka ....." biglang tinakpan ang bibig ko nagsasalita pa ko e, kung hindi ko lang talaga ito kapatid baka nasapak ko na.
"Little sister, pwede bang isa isa lang ang tanong? Mahina ang kalaban at hindi pa ko kumain ng breakfast. Kaya umakyat ako ay para tawagin ka at sabay na tayong kumain. Halika na at naghanda na si Manang Fe ng pagkain at baka lumamig pa yun. Doon ko na sasagutin ang mga tanong mo," sabi ni Kuya.
"Sorry na Kuya, hehe. Sobrang namiss lang kita. Two months ka kaya abroad tapos hindi kita madalas makausap," sabi ko at sabay na kaming bumaba ni Kuya.
Pinaghila ako ng upuan ni Kuya, at umupo siya sa gilid ko. Kaming dalawa lang ang magkasabay kumain kasi nasa business trip pa si Kuya Artemis at si Mommy at Daddy ay nasa vacation na. Alam niyo naman na kapg tumatanda na ay kailangan ng rest at malayo sa stress. Buti ngayon ay may kasabay na kong kumain kahit papano ay hindi na ko tatamarin na bumaba para kumain magisa, minsan pinagdadalhan na lang ako ni Manang Fe sa kwarto dahil nakakaligtaan ko na ang kumain dahil sa pagod at isa pa ay lagi akong walang kasabay.
"Princess, kumain ka ng kumain. Sabi sakin ni Manang ay minsan hindi ka raw kumakain at nalilipasan ka pa. Gusto mo ba magkasakit bakit pinapabayaan mo ang sarili mo?" tanong ni Kuya.
"Hehe, nakakatamad kaya kumain magisa. Saka marami lang talaga ako tinatapos na report Kuya nung time na yun. Kumakain naman ako sa office kaya minsan hindi nanko kumakain dito at nagpapahinga na lang," paliwanag ko kay Kuya at sana maconvinced siya.
"Sa ngayon dito muna ako matutulog hanggat wala si Mommy at Daddy para may kasabay kang kakain," sabi ni Kuya.
"Yehey! Talaga Kuya? Thank you Kuya kong pogi," sabi ko na parang bata.
"Kumain na tayo at baka malate ka pa sa conference ninyo."
"Yes, Sir," sabay saludo ko kay Kuya.
Napailing na lang si Kuya at napangiti sa ginawa ko.
"Kuya, maiba ako, kailan ka pa umuwi?" tanong ko sakanya.
"Kanina lang," sagot niya.
"Hanggang kailan ka rito?" tanong ko ulit.
"Hanggang wala si Daddy at Mommy, mahirap na at baka may manligaw sayo at wala man lang kikilatis sa manliligaw mo," napapangiti niyang sagot.
"Che! Asa ka kung may pupunta rito na manliligaw sakin," sabi ko sakanya at inirapan.
" Hahahahahaha" halakhak ang naging sagot niya sa sinabi ko.
"Kuya kumain ka na nga diyan, ako na naman ang nakita mong pagtripan, bakit hindi ikaw ang maggirlfriend diyan. Gusto ko na ng pamangkin. Tumatanda ka na, kailan mo pa bibigyan ng apo si Daddy at Mommy. Sabik na sila sa bata," sabi ko sakanya.
" Dadating tayo diyan, soon may papakilala rin ako sainyo," sagot niya.
"Sana nga, kasi baka maunahan ka pa ni Kuya Artemis," sabi ko sakanya.
Tinapos namin ang pagkain ng almusal at nagpahinga sandali. Hinatid ako ni Kuya Apollo hanggang sa pintuan. Gusto niya akong ihatid sa trabaho but I insist pagod siya sa biyahe at sinabi kong magpahinga na lang at papasok na ko magisa.
Sobrang saya ko kasi andito na ulit si Kuya Apollo. O di ba pamilya kami ng Greek Gods and Goddesses. Yung isang kuya ko naman ay si Kuya Artemis. Tatlo kaming magkakapatid at sina Kuya Apollo ang panganay. Busy na kami sa sari-sarili naming trabaho. Sila Kuya ay may mga sarili ng negosyo kaya hindi na nila hinahawakan ang kumpanya ng pamilya namin. Ibinigay na nilang tuluyan sakin dahil ako naman ang bunso at may mga sarili na raw silang business. Bilib ako sa dalawang iyon dahil sariling sikap nila ang pagpuput up ng kanilang negosyo at ngayon ay masasabi ko talagang successful na sila dahil hindi lang dito sa Pilipinas sila kilala kundi pati sa ibang bansa. Mga gwapo rin ang Kuya ko kaya madalas din silang naiimbitahan sa iba't ibang TV show local o international. In their young age, nakikipagsabayan na sila sa mga mayayaman at magagaling na negosyante. Ako naman ang kabaliktaran nila, iwas ako sa pooularity. Ayaw ko ng guesting or even pagharap sa media. Natutuwa naman ako kina Kuya dahil alam nila ang ugali ko ay sila ang sumasalo kapag iniimbitahan kami sa mga guesting at product promotion. Madalas na rin akong itanong kay Kuya everytime na guest siya sa mga TV show or interview, gumagawa na lang siya ng alibi. Ang swerte ko talaga sa mga Kuya ko.
They called me Princess, Little Sister, Bunso and sometimes Baby. Masyado akong spoiled sa parents ko at sa two brothers ko. Pero I don't act as a spoiled brat. Kuntento na ko sa buhay na meron ako, I am really happy. But they always ask me na wala pa raw bang nanliligaw? Lagi akong kinukulit ng mga Kuya about this. Ang totoo, wala talaga. Walang lalaki ang naglalakas loob na ligawan ako. Hindi ko alam kung bakit. Since I was child ang routine ko lang ay bahay at school. Until now, after working I choose to go home. At age of 27 I didn't experience night life like going to a bar or even spending my free hours in shopping. Mas gusto ko pang humiga sa kama at magpahinga o magbasa ng libro. Madalas tinatanong nila ako kung hindi ako naboboring sa gawain ko, I've simply answer no, hindi ka mabobores as long na gusto mo yung mga bagay na ginagawa mo.