Hindi sinasadya ang paglapit ni Thea kay Chie o 'yon ang gusto niyang paniwalaan ng lahat, kahit ng sarili niya. Madalas silang magkasabay sa library, sa coffee shop malapit sa campus at sa bawat usapan nila ramdam ni Chie ang kakaibang gaan na matagal na niyang hindi nararamdaman.
"Ang tahimik mo," sabi ni Thea isang beses nakangiti parang walang malisya.
"Sanay lang makinig," sagot ni Chie hindi alam kung bakit may kaba sa dibdib niya.
Hindi alam ni Thea na ang taong kausap niya fiancé pala ng taong gusto niyang gisingin hindi para agawin kundi para ipamukha ang kawalan. Sa bawat tawa nila ni Chie na naririnig ni Vhenno may kirot na hindi niya maipaliwanag at sa bawat sandaling nakikita 'yon ni Jia may babalang unti-unting nabubuo sa loob niya.
Hindi kailangang magsalita ni Thea nang direkta ang presensya niya pa lang sapat nang babala na may mga damdaming hindi pwedeng balewalain at may mga relasyong ginigising ng maling tao sa maling oras.
Mas naging madalas ang pagkikita nina Thea at Chie sa bawat pagkakataon mas nagiging malinaw kay Thea na may kulang sa kwento ng lalaking ito. Napansin niyang laging may limit ang ngiti ni Chie parang may iniingatan, at parang may iniwasan.
"May girlfriend ka ba?" tanong niya minsan ng diretso pero hindi agresibo parang inosenteng usisa lang.
Napangiti si Chie pero may bahid ng pag-iingat.
"Complicated," sagot niya at doon lalong naging interesado si Thea.
Sa di kalayuan nakita ni Vhenno ang eksenang 'yon ang tawa, ang bahagyang pagyuko ni Chie habang nakikinig at may kung anong kumurot sa dibdib niya na matagal na niyang iniiwasan pangalanan. Napansin din 'yon ni Jia at sa pagkakataong 'yon nagtagpo ang mata nila ni Thea muli mas matagal at mas direkta.
Hindi na 'yon simpleng tinginan 'yon isang tahimik na babala isang hindi pa kinikwento na may mga lihim nang nagsisimulang gumalaw at kapag lumabas ang katotohanan walang sinuman ang lalabas na buo.
Mas tumagal ang usapan nina Thea at Chie kaysa sa inaasahan ng lahat at habang tumatagal mas nagiging kampante si Chie isang bagay na bihira mangyari sa kanya. Napansin 'yon ni Vhenno mula sa malayo at kahit ayaw niyang aminin may kurot ng selos na dumaan sa dibdib niya.
"Hindi ka ganito dati," bulong ni Vhenno sa sarili niya habang pinagmamasdan ang tawa ni Thea.
Lumapit siya sa dalawa pilit na kinakalmado ang boses. "Ang saya niyo yata," sabi niya parang biro pero may laman ang mga salita.
Ngumiti si Thea at humarap sa kanya. "Masaya lang makipag-usap sa taong marunong makinig," sagot niya hindi inaalis ang tingin.
Saglit na nagtagpo ang mata nilang tatlo at sa sandaling 'yon ramdam ang babalang hindi kailangang sabihin nang malakas na may mga damdaming muling nagigising at may mga taong hindi pa handang harapin ang katotohanang 'yon.
Sa plaza, mas lumalim ang usapan nina Thea at Chie at sa bawat palitang ng salita mas nagiging malinaw kay Thea na may lihim ang lalaking ito na ayaw pang pangalanan. Napansin ni Vhenno ang paraan ng pagtawa ni Thea hindi pilit, hindi katulad dati at doon niya naramdaman ang kurot na matagal na niyang hindi hinaharap.
"Ang tagal niyo nang magkausap," sabi ni Vhenno nang tuluyan na siyang lumapit sinusubukang gawing biro ang tono.
"Ganun talaga kapag interesting ang kausap," sagot ni Thea.
Napatingin si Chie kay Vhenno parang may gustong sabihin pero piniling manahimik. Sa sandaling 'yon nagtagpo ang mga mata nina Thea at Vhenno at doon niya tahimik na ipinaramdam ang babala hindi sa galit kundi sa katotohanang hindi lahat ng bagay kontrolado pa.
"Mag-ingat ka," sabi ni Thea mababa ang boses siya lang ang dapat makarinig.
Hindi na sumagot si Vhenno pero alam niyang tama ang sinabi nito at mas kinatakutan niya 'yon dahil totoo.
Sa huli, naiwan sina Vhenno at Thea na magkatapat ang plaza puno ng ingay pero ang pagitan nila tahimik at mabigat. Hindi na nagkunwari si Thea na casual lang ang lahat sa halip, direkta na siyang humarap kay Vhenno.
"Hindi ka okay," sabi niya walang paligoy-ligoy sa boses niya.
Napangisi si Vhenno pilit tinatawanan ang sarili.
"Mukha lang siguro."
Umiling si Thea.
"Hindi, kilala kita at kilala ko ang itsura mo kapag may tinatakasan ka."
Napabuntong-hininga si Vhenno tumingin sa malayo.
"Hindi lahat kailangang ayusin agad."
"Pero hindi rin lahat pwedeng iwan lang," sagot ni Thea mas mababa ang boses pero mas matalim ang dating.
Sa sandaling 'yon, alam ni Vhenno na ang babala ni Thea hindi para manakot kundi para gisingin siya at mas kinabahan siya sa posibilidad na baka huli na ang lahat kapag tuluyan na niyang naintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang 'yon.
Hindi agad umalis si Vhenno matapos ang usapan nila ni Thea sa plaza. Sa halip, naupo sila sa dating bangkong pamilyar sa kanilang dalawa puno ng alaala na pilit nilang iniiwasan. Tahimik si Thea ngayon, pero ang katahimikan niya mas mabigat kaysa sa anumang sermon.
"Hindi mo ba talaga nakikita?" bigla niyang tanong nakatingin siya sa unahan.
"Ano?" sagot ni Vhenno sa kanya pagod ang boses.
"Na ginagamit ka," diretso niyang sabi. "At hinahayaan mo rin kasi mas madali kaysa harapin kung ano talaga ang nararamdaman mo."
Napailing si Vhenno, napatawa nang mapait.
"Hindi mo alam ang buong kwento."
"Alam ba ako sapat," sagot ni Thea, humarap na sa kanya.
"At alam kong kapag hindi ka pumili ngayon, may masasaktan at baka hindi lang ikaw."
Habang nakatingin si Vhenno sa babaeng minsang minahal niya doon niya unang naramdaman ang takot na baka ang babalang 'yon hindi lang para kay Jia kundi para sa sarili niyang hinaharap na unti-unti na ring nabubuo nang hindi niya namamalayan.
Lumalim ang katahimikan sa plaza matapos ang mga salitang binitawan ni Thea at sa pagitan ng mga dumaraang estudyante at tunog ng sasakyan mas lalong naging malinaw ang bigat ng usapan nila ni Vhenno. Umiling siya napasandal sa bangko at napatawa nang mahina isang tawang puno ng pagod.
"Akala ko kapag may bago mawawala ang luma," sabi niya halos pabulong.
Tumango si Thea hindi umaalis ang tingin sa kanya. "Pero dala mo pa rin kahit saan ka magpunta."
"Hindi mo naiintindihan," sagot ni Vhenno mas seryoso na.
"May mga bagay na hindi na pwedeng balikan."
"Pero may mga bagay na hindi ka rin tatantanan," balik ni Thea mas matalim ngayon.
"At isa doon ang katotohanang hindi ka sigurado kung mahal mo ba talaga siya o kung natatakot ka lang mag-isa."
Napatingin si Vhenno sa kanya at sa sandaling 'yon hindi na niya alam kung galit ba siya nasasaktan o natatakot sa posibilidad na tama ang babaeng minsang iniwan niya. Sa gilid ng plaza, may mga ilaw na unti-unting bumubukas at sa loob niya may isang desisyong ayaw pa niyang harapin pero alam niyang paparating na.
Lumalim pa ang usapan nina Vhenno at Thea habang papalubog ang araw at sa pagitan ng katahimikan mas naging malinaw ang mga salitang matagal nang hindi nila binibigkas. Tumayo si Thea hinarap si Vhenno at sa wakas sinabi ang matagal na niyang pinipigilan.
"Hindi ako bumalik para manggulo," sabi niya ng diretso.
"Bumalik ako kasi ayokong magsinungaling ka pa sa sarili mo."
Napatawa si Vhenno pero walang saya.
"Akala ko okay na ako."
"Hindi," sagot ni Thea, mariin. "Okay ka lang kapag hindi mo iniisip pero sa tuwing tahimik, ako ang naaalala mo."
Napahigpit ang panga ni Vhenno.
"Hindi mo alam 'yon."
"Alam ko," balik ni Thea mas mahinahon pero mas masakit.
"Dahil kilala kita bago mo pa nakilala ang sarili mo ngayon."
Sa pagitan nila, walang galit tanging katotohanang pilit iniiwasan ni Vhenno at sa unang pagkakataon naramdaman niyang baka ang pag-alis ni Thea hindi pagtakas kundi isang babalang huli na niyang nauunawaan.
Tumingin si Vhenno kay Thea hindi makapaniwala sa pagbabago ng dalaga.
"Thea...iba ka na," malumanay niyang sabi pero may halong pangamba.
Ngumiti si Thea pero may lihim na ngiti, "Iba nga...at handa akong ipakita sa'yo kung bakit."
"Handa ka rin ba sa lahat ng mangyayari?" tanong ni Vhenno alam niyang may gustong ipahiwatig ito sa kanya.
"Hindi ako nagbabalik para sa nakaraan," sagot ni Thea direkta at walang pag-aatubili.
"Bumalik ako para magising ka...para makita mo kung sino talaga ang mahal mo."
Napahigpit ang panga ni Vhenno sabay tiningnan si Thea sa mata.
"Hindi mo alam kung gaano ka delikado," sagot niya halatang nag-aalala pero nasasabik rin sa tensyon.
Tumayo si Thea lumapit at may bahid ng kasiyahan sa pagkatalikod niya.
"Delikado? Siguro, pero minsan kailangan ang panganib para malaman ang katotohanan."
Sa malapit si Chie na walang alam sa eksenang ito nakatayo sa malayo tahimik nakakaramdam ng kakaibang kaba alam niyang may bagyong paparating sa kanilang tatlo.
Nanatiling nakaupo si Vhenno kahit tumayo na si Thea parang may pumipigil sa kanya hindi ang katawan kundi ang konsensya.
"Hindi mo dapat ginagawa 'to," sabi niya sa wakas pagod at puno ng pagdududa.
"May mga taong masasaktan."
Tumigil si Thea sa paglalakad at dahan-dahang humarap.
"Matagal na silang nasasaktan," sagot niya.
"Pinili mo lang na huwag pansinin."
"Hindi gano'n kasimple," giit ni Vhenno sabay napailing.
"Simple siya," balik ni Thea mas seryoso na ngayon.
"Takot ka lang pumili."
Tumayo si Vhenno mas malapit na ngayon ang distansya nila. "At ikaw?" tanong niya. "Ano ang pinili mo?"
Ngumiti si Thea hindi masaya, at hindi rin malungkot.
"Pinili kong bumalik para ipaalala sa'yo kung sino ka bago ka natutong umiwas sa katotohanan."
Sa likod ng lahat ng 'yon, hindi nila alam na ang mga salitang 'yon ang magsisilbing mitsa ng mas malaking gulo isang gulong hindi na kayang pigilan ng kahit sinong pilit nananatiling tahimik.
Hindi agad umalis si Thea kahit sinabi na niya ang lahat. Sa halip, umupo siyang muli sa bench parang sinasadya niyang pahabain ang sandaling hindi na maikakaila ni Vhenno na iba ang sinabi niya.
"Alam mo," sabi ni Vhenno matapos ang mahabang katahimikan, "Akala ko handa na akong harapin ka ulit pero parang mas lalo lang akong nagulo."
Ngumiti si Thea pagod ngunit totoo.
"Hindi ako bumalik para ayusin ka," sagot niya.
"Bumalik ako kasi pagod na akong makita kang nagkukunwari na okay ka."
Napahawak si Vhenno sa batok niya sabay napailing. "May mahal ako ngayon," giit niya kahit halatang hindi buo ang paniniwala.
"Alam ko, at alam ko ring hindi mo pa rin alam kung paano magmahal nang hindi tumatakbo." sagot ni Thea agad walang selos sa boses.
Tumayo si Vhenno humarap sa kanya.
"Hindi mo karapatang guluhin ang buhay ko."
"Hindi," mahinahong sagot ni Thea diretso ang tingin niya.
"Pero may karapatan akong ipaalala sa'yo na ang mga desisyong iniiwasan mo ngayon ang hahabol sa'yo balang araw."
Habang papalayo si Thea naiwan si Vhenno na nakatayo sa gitna ng plaza hawak ang katahimikang mas maingay pa sa sigawan isang babalang hindi niya na kayang balewalain kahit gustuhin pa niya.
Matagal na nakaupo si Vhenno sa plaza kahit wala na si Thea sa harap niya pinagmamasdan ang mga ilaw na parang mas maliwanag kaysa sa kaya niyang intindihin sa sandaling iyon.
"Bakit kailangan mo pang bumalik?" mahinang tanong niya sa hangin pero malinaw na mukha ni Thea ang kausap niya sa isip.
Kanina malinaw ang boses nito hindi ito galit, hindi rin mapanumbat at 'yon ang mas lalong sumira sa sa relasyon pilit niyang binuo.
"Hindi kita sinisira, ikaw mismo ang gumagawa niyan sa sarili mo." naaalala niyang sabi ni Thea.
Napapikit si Vhenno saka napahawak sa dibdib niya parang doon nagsisiksikan ang lahat ng tanong na ayaw niyang sagutin kung sino ba talaga ang mahal niya at kung hanggang kailan siya magtatago sa relasyong hindi buo.
"May utang ako kay Jia," bulong niya sa sarili parang 'yon ang paulit-ulit niyang palusot.
"Pero bakit pakiramdam ko may utang din ako sa isang babaeng iniwan ko?"
Bigla niyang naalala ang huling tingin ni Thea bago ito umalis walang luha, walang pagsusumamo at doon niya napagtanto na mas delikado ang taong marunong umalis nang tahimik.
Tumayo siya mula sa bench huminga nang malalim at sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon inamin niya sa sarili na ang babalang 'yon hindi tungkol kay Jia o kay Thea, kundi tungkol sa kanya at sa gulong matagal na niyang tinatakbuhan.