Chapter 2: A Dangerous Attraction

1441 Words
Sa lumang hallway sa likod ng library naglalakad si Vhenno Hernan kasama ang girlfriend niyang si Thea Weyza. Normal sana ang lahat pero nag-iba ang lahat nang mapansin ni Vhenno ang dalawang taong nag-uusap sa ilalim ng puno. Si Jia at isang lalaking kilala niya si Kenchie "Chie" Swellden. Magka-hawak ang kanilang kamay at may tinginan nagaganap pati connection at doon tumama ang unang attraction sa puso niya. Hindi niya natigilan ang pag-tingin sa kanila para bang hinatak siya ng hindi niya maipaliwanag. "Vhen?" tawag ni Thea sa kanya hindi siya lumingon man lang sa girlfriend niya. Kumunot ang noo ni Thea sinundan niya ang tingin ng boyfriend niya. Nakita niya si Jia kasama ang kaklase nila na si Chie. And her heart dropped. "Vhen..." bulong niya masama ang kutob niya at natatakot siya para sa relasyon nila. "Bakit ganyan tingin mo?" Pero hindi tumingin si Vhenno sa kaniya hindi niya kaya bitawan ng tingin si Jia kung anong humila sa kanya patungo kay Jia—curiosity, attraction, danger. At nang magtagpo ang mata nila parang nag-freeze ang paligid. "Let's go," sabi ni Thea sa boyfriend mahigpit ang hawak sa braso niya. Pero hindi gumalaw si Vhenno na-estatwa na lang ito. Sa kabilang dulo nakita niyang dumating sina Jong at Kecha, then Jeree at nang hawakan ni Chie ang bewang ni Jia to pull her close...yumuko si Vhenno. It hurt and he didn't know why. "Vhenno," galit nasabi ni Thea, "I'm your girlfriend." Pero hindi sumagot si Vhenno sa kanya bumuntong-hininga na lang ito pagkatapos. Hindi dahil masama siyang tao at hindi dahil gusto niyang saktan si Thea. Kundi dahil sa unang pagkakataon may babaeng nakita siyang hindi niya kayang balewalain at 'yon ang simula ng pagkasira ng lahat. Tahimik ang hallway ang mga poste halo ng lumang architecture at malamlam na ilaw. Perfect spot para sa dalawang taong gustong umiwas sa mata ng mundo sina Vhenno at ang girlfriend niyang si Thea. "Vhen," bulong ni Thea habang naglalakad sila, "May pupuntahan ka pa ba after this?" "Uuwi lang," sagot ni Vhenno sa kanya pagod pero kalmado 'yon ang napansin ni Thea. Pero isang tanawin ang biglang tumama sa mata niya. Sa ilalim ng malaking acacia tree...si Jia, nakatayo malapit kay Chie. Magkalapit. Pamilyar. May intimacy na hindi mo makikita sa simpleng magkaibigan tumigil silang dalawa ni Vhenno sa paglakad. As in, totally. "Why are you—" tanong ni Thea bago niya sundan ang tingin. Nakita niya si Jia at ang pagkaka-titig ni Vhenno sa babae parang panandaliang paglimot sa mundo. "Vhen..." she whispered. "Don't tell me..." Pero hindi rin sure si Vhen kung ano'ng nararamdaman niya. Ang alam lang niya biglang bumilis ang t***k ng puso niya mas mabilis pa sa kahit anong naramdaman niya kay Thea. At mas masakit pa sa kahit anong guilt. "Who's that guy?" tanong niya halos pabulong. "Si Chie 'yon," sagot ni Thea. "Kaibigan ni Jia." Pero hindi 'yon ang nakita ni Vhenno sa dalawang tao tinitignan nila. Hindi ito simpleng closeness. Hindi ito friendship vibes. There was something deeper. Something secret. Something dangerous. Lumapit si Vhenno ng konti gusto pa niya obserbahan ang dalawa pero hinila siya ni Thea. "Vhen, let's go." Pero hindi siya gumalaw man lang kahit hawak siya ni Thea at nang mag-tagpo ang mata nila ni Jia, para siyang nahulog sa isang bangin na hindi niya alam kung paano akyatan pabalik. Thea's voice cracked. "Vhenno...look at me, babe not her." Pero hindi siya agad tumingin sa girlfriend niya. Sa unang pagkakataon, nakakita siya ng babaeng hindi niya kayang balewalain at kahit wala siyang kasalanan pa alam niyang mali na ang nararamdaman niya. Nang hawakan ni Chie ang kamay ni Jia para ilayo siya sa hallway may kung anong tumama sa dibdib ni Vhenno pero ang katabi niya at girlfriend niya na si Thea mas matindi ang tama na tumama sa kanya. Selos. Sakit. Iritasyon. At ang pinaka-kakatakot? Walang dahilan pero ramdam niya. Si Thea naman hindi na nakatiis lumayo nang bahagya. "Vhenno...you're hurting me." Doon lang siya natauhan. "Sorry," bulong niya. Pero kahit nag-sorry siya kahit hawak niya si Thea...hindi ang girlfriend niya ang nasa iniisip niya kundi si Jia. Hindi agad nakapagsalita si Thea tahimik siyang naglakad palayo kay Vhenno, ilang hakbang lang pero sapat para maramdaman niya ang distansya hindi pisikal, kundi emosyonal. "Hey," tawag ni Vhenno at humabol siya kaagad. "Thea, wait." Huminto siya pero hindi lumingon. "Hindi ko alam kung ano 'yon," sabi ni Vhenno, halatang magulo ang isip. "Pero hindi kita niloloko." Tumawa si The ng mahina, at pilit nang hindi lumilingon ayaw niya maging tanga pero kabaliktaran ang mangyayari. "Hindi mo kailangan akong lokohin para masaktan ako," sagot niya. "Sapat na 'yong hindi mo ako tignan." Doon lang siya humarap at nakita ni Vhenno ang luha sa mata niya. "Kanina," patuloy ni Thea, "Parang hindi ako ang kasama mo at parang may iba kang mundo." Hindi makatingin si Vhenno. Hindi dahil wala siyang pakialam kundi dahil tama si Thea. "I'm sorry," sabi niya ulit. "I don't know why I felt that." "That's what scares me," sagot ni Thea. "Hindi mo alam...pero ramdam mo." Tahimik silang dalawa. Sa di-kalayuan, nakita ni Vhenno sina Chie at Jia na papalayo at sa loob-loob niya, may kung anong humila sa kanya hindi pagnanasa lang, kundi curiosity na mas malalim, mas delikado. Hindi niya alam ang pangalan ng nararamdaman niya pero alam niyang hindi ito mawawala basta-basta. That night, si Thea ay umuwi nang mas tahimik kaysa dati. Nakahiga siya sa kama, iniisip kung kailan nagsimulang magbago si Vhenno o kung siya ba ang hindi nakapansin. Samantala, si Vhenno nakaupo sa balkonahe ng bahay nila hawak ang phone nakatitig sa wala. Hindi niya maalis sa isip si Jia at sa unang pagkakataon natakot siya sa sarili niya. Dahil ang attraction na iyon? Hindi simpleng crush. Hindi rin pansamantala ito ang uri ng damdaming sumisira ng relasyon, at bumubuo ng karma. Tahimik ang gabi pero mabigat ang hangin sa pagitan nina Vhenno at Thea. Hindi na sila nag-usap habang naglalakad palabas ng campus. Magkatabi sila pero parang may pader sa gitna. Isang pader na hindi nila alam kung kailan itinayo pero alam nilang mahirap nang gibain. Sa wakas, huminto si Thea. "Vhen," sabi niya. "Sabihin mo sa'kin... mahal mo pa ba ako?" Napatingin si Vhenno at doon siya natakot. Dahil gusto niyang sumagot ng oo, pero hindi niya sigurado kung sapat 'yon. "Of course," sabi niya sa wakas. "I wouldn't be here if I didn't." Ngumiti si Thea sa kanya hindi siya bulag para hindi mapansin may magbabago sa relasyon nilang dalawa. "Mahal mo ako... pero may nakita ka kanina na gumulo sa'yo." Hindi na siya tumanggi. Hindi na rin nagpaliwanag. At minsan, ang katahimikan ang pinakamasakit na sagot. "Alam mo," patuloy ni Thea, "Hindi ko kailangang ipaglaban ang sarili ko sa ibang babae kung kailangan kong gawin 'yon, ibig sabihin tapos na tayo." Parang may humigpit sa dibdib ni Vhenno. "Thea—" Pero umiling siya. "Hindi kita iniiwan, Vhen hindi pa pero gusto kong malaman mo—nasaktan ako." Umalis siya iniwan si Vhenno sa gitna ng parking lot. Sa gabing iyon, hindi makatulog si Vhenno. Sa isip niya, paulit-ulit ang imahe ni Jia—ang paraan ng pagtayo nito, ang tingin, ang katahimikan. Hindi niya ito hinanap. Hindi niya ito pinili. Pero naroon na at 'yon ang kinakatakutan niya. Samantala, si Thea nakaupo sa harap ng salamin sa kwarto niya. Tinitigan niya ang sarili—ang dating simpleng babae na minahal ni Vhenno nang walang kompetisyon. "Siguro," bulong niya sa sarili, "Hindi ako nagbago...pero ang mundo niya, nagbago." Hindi pa niya alam na ang attraction na 'yon ang magtutulak kay Vhenno palayo sa kanya na ang babaeng 'yon magiging dahilan ng pagkawasak ng kanilang relasyon. Sumagi sa isip ni Vhenno ang girlfriend at ang mga sinabi nito sa kanya. "Hindi kita iiwan kung mahal mo pa ako sabihin mo lang, Vhen ako mismo ang lalayo para makasama mo siya kung hindi mo na ako mahal minahal kita hindi dahil gwapo ka alam mo 'yan." pahayag ni Thea sa kanya bago sila mag-hiwalay ng paglalakad. Minahal niya si Thea hindi dahil sa kabaitan nito o anumang meron sa kanya minahal niya si Thea ng walang pag-aalinlangan sabi ng iba, ginayuma siya nito noon para maging sila. No, walang ginawa si Thea ang puso niya ang nagdala sa kanya kay Thea katulad ng attraction na nararamdaman niya kay Jia na bagong transferee ng kanilang school. Ang kaibahan lang, mas kilala niya si Thea kaysa kay Jia hindi dahil mag-schoolmate silang dalawa iba si Thea sa mga babaeng naka-relasyon niya aminado siyang playboy ang image niya sa kanilang school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD